Tumayo ito at sumunod kay Vita

"ito ang magiging lamesa natin. Bibigyan kita ng kopya ng mga schedule ni sir sa kompanya at sa personal matters niya. Anyways, ito ang magiging ID mo. Lagi mo ito isusuot para may access ka sa lahat ng pintuan." ani Vita

Marami siyang nilagay na log book sa lamesa ni Tata.

Nagulat siya sa dami nun pero hindi siya nagpakita ng kahit anong negative expression.

Habang nagsasalita si Vita ay may paparating.

"Good morning sir Zeq" bati nito.

Lumingon si Tata sa binati nito. Lumaki ang mata ni Tata ng makita ang lalaki, hindi lang basta lalaki, siya yung binato niya ng itlog sa labas ng shop. Agad itong yumuko at nagtakip ng mukha.

"What is good in the morning?" tanong nito kay Vita

Hindi sumagot si Vita.

"Nevermind, baka bigla ka na lang mapaanak diyan" ani Zeq, lumipat ang tingin nito sa katabi nitong babae

"Oooh siya na ba ang kapalit mo?" tanong ni Zeq

"Temporary sir" ani Vita

"Whatever" ani Zeq na tinitignan pa rin ito.

Todo baling sa kabila si Tata para hindi siya makita. "Weird, baka hindi magtagal yan dito" dagdag niya

"Oh Ezequiel, anak" bungad ni Armando

"Ang weird ng choice mo dad, is she really passed the interview?" tanong ni Zeq sa ama na naka kunot ang noo

Napasinghap si Tata sa narinig at lumingon ito kay Zeq

"Kung hindi nagtatagal ang mga secretary, ibahin mo ako Zeq" sagot ni Armando

Napalingon ito kay Tata. "Teka" aniya... Nagmulat ito ng mata at itinuro siya nito. "You look familiar, wait saan nga ba kita nakita?" ani Zeq na humawak sa baba at tila nag iisip

"Huh, yung itlog" sambit ng driver nito ng dumating

"Tama, ikaw yung bumato ng itlog sa damit ko kaya na late ako sa meeting!bulalas ni Zeq

"Ano, binato ka ng itlog ni Ms. Tata?" hindi makapaniwalang tumawa si Armando

"Binato niya ako ng itlog and you are laughing dad!" ani Zeq na hindi makapaniwala sa inasta ng ama

"Masama kasi ugali ni sir. Dahil sa kanya nasisante yung sales lady" sabat ni Tata

Napaawang ang labi ni Vita na tinignam si Tata at hinawakan ang kamay niya.

Lumingon si Tata dito. "Bakit ms. Vita?" nagtatakang tumingin ito sa kanya

Umiling siya at nag sign language na ibig sabihin ay tumahimik ka.

Naunawaan agad iyon ni Tata na tumango siya dito

"You did that Zeq?" tanong ni Armando

"That sales girl really don't know her job. Sinayang niya oras ko at itong babaeng to nangialam the fact the she ruin my day" ani Zeq

"hay naku Zeq, Hindi na ako magtataka....tapos na yun at kung ano man ang nangyari. She will be my secretary, huwag mo siyang pakialaman" ani Armando

He hissed at them and run away.

Magkatapat lang ang office ni Ezequiel at ang kanyang ama. Mula sa loob ng office niya ay nakatingin si Zeq sa bagong secretary ng daddy niya.

"You need to make a coffee every 10am and 3 pm every day, it's 9:50 already, sige na mag timpla ka na. Ani Vita.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now