Chapter 2: The Troublemakers' Adventure

243 20 26
                                                  

Allyson's POV

"Allyson, bumalik ka dito!"

Andrenaline rushes through me. I pump my feet harder. Maaabutan na ako ni Makki. Lagot!

"'Wag ka ngang sumunod!" sigaw ko pabalik. Wala akong balak na huminto pero ang tinatakbuhan kong daan ay hindi na pamilyar sa 'kin. Anak ng tinapay. Of all the childish—argh. Patay kang Makki ka sa sakal ko mamaya.

Takbo lang. Go! Allyson, kaya mo pa. Lumingon ako. I groan. He's just meters behind me.

Makki is running so fast, and there's an amused expression on his face.

Sarap tadyakan gamit ang stilletoes. Crush ko nga pero sobrang eng-eng naman. Walangyang mata este isip 'to. Ba't ko siya naging crush?

"Aray!"

Napapreno ako sa pagtakbo dahil may naapakan akong matalim na bato. Naka step-in lang din ako. Bahagyang namamaga tuloy ang paa ko ngayon.

Kasalanan 'to ng tipaklong na 'yon eh! Tiningnan ko ang paligid.

What the hell?

Where in the world am I? Paglingon ko sa likuran—

"Huli ka!"

Napasigaw ako sa gulat nang bigla nalang akong sunggaban ni Makki at dahil doon nawala kaming pareho sa balanse. Nagpagulong-gulong tuloy kami sa mga damuhan at lantang mga dahon. Habang gumugulong kami ay nakayakap siya sa 'kin ng mahigpit.

I stop screaming when we continue to roll down. Narinig ko ang pag-ungol ni Makki. Then in an instant we halt in a grassy ground. Ang dalawang kamay ko ay sa ulo ko nakapatong. Si Makki na nasa likuran ko ay nakayakap sa bewang ko ang isang kamay at ang isa naman ay sa likod ng ulo ko. As if to protect me.

Aba! Chansing. Itinulak ko siya palayo sa 'kin.

"Umalis ka nga!" Umalis naman siya na walang imik.

Kasalanan niya kung bakit andito kami ngayon sa gubat. Bumangon ako at umupo.

We're in an unknown forest. I remember how I took the other path when Makki ran after me.

(The road not taken?) Robert Frost naman, h'wag kang magparamdam. Tsk.

Wala akong naiisip na kung ano basta tumakbo lang ako sa hindi pamilyar na daan tapos napansin ko na lang kung ano'ng pinasok ko nang huminto ako kanina sa pagtakbo.

"Nasaktan ka ba?"

Napatingin ako kay Makki na parang ewan. Nakakunot-noo kasi siya. Lagi 'tong nakangiti eh. And he doesn't ask me if I'm alright until now.

"Ayos lang ako."

"Good."

Nakita ko na biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. What the heck is wrong with him? Dahil ba to sa gubat? Aba—sana naging gubat na lang ang classroom namin para di na niya ako pagtripan. Gaya nito ngayon: iba yong lumalabas sa bibig niya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bwisit, san na ba tayo?" pasigaw kong tanong habang inililibot ko ang paningin.

Ano ba yan, ang lalaking puno at ang tataas pa. Rays of the sun's light percolates through the branches and hit the green and brown expanse. Hapon na pala. I glance at my watch: 4:33 PM.

Nasaan na ba kami? Tumingin ulit ako kay Makki. Parang may masakit sa kanya. Tumayo ako at pinagpagan ko ang damit ko.

"Makki..."

He lifts his eyea to me. There's something in them. Something deep pero bigla rin 'yong nawala at napalitan ng sakit.

I frown. "Ano bang nangyari sa 'yo, ha?" Lumuhod ako paharap sa kanya at hinawakan ko siya sa kaliwang balikat. He suddenly jerks away.

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon