Chapter 5: red note

1.4K 60 1
                                                  

×MIRAE×

Days past, magmula nuong pagdudahan nila ako, dahil kilala ko daw ang pumapatay.. Pero ang totoo naman nun ay di ko kilala yung pumapatay, at kung sakaling kilala ko man, sasabihin ko kagad sa kanila..

Pagakyat ko ng 3rd floor.. eto na naman ako, natatakot. Pinihit ko na yung doorknob ng classroom ko. Pero..

"Hoy.."

Naglingon lingon ako, walang tao... binuksan ko na kagad yung classroom, pero ganun parin ang trato nila sakin.. Lahat sila natatakot, nagagalit at nagdududa.

"Ayan na... iwasan na yan."

"Layo layo tayo ng konti.."

"Baka isumbong tayo sa pumapatay.."

Kung ano anong masasakit ang naririnig ko sa kanila, pero di ko na lang pinansin at umupo na ako sa upuan ko. Napansin kong si Patricia na dati ay kami sakin, lumayo ng konti maliban kay Warren.

"Wag kang magalala, di ako tutulad sa kanila" sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko. Nginitian ko lang sya..

"Manglalandi pa.." rinig kong bulong ni Hailey habang umiirap. Kaya inalis ko na yung pagkakahawak ni Warren sa kamay ko...

"Ano? Wala parin bang substitute?" Tanong ni Hailey.

"Wala pa. Pero ito oh, may iniabot sakin yung substitute dapat natin ngayon.. Ito ang sasagutin."pinakita naman ni Laye yung papel at isusulat na sa board.

Kinuha ko na yung notebook ko sa bag ko nang may nakita akong papel sa ilalim ng upuan ko. Red note.

'Don't talk to them, or else...They'll die.'

K-kanino galing to? Sakin?

"Ano yan?" Tanong sakin ni Warren.

Umiling lang ako hanggang sa nagpatakan na ang mga luha sa mata ko, kaya agad syang lumapit sakin at hinimas himas yung balikat ko. At saka tiningnan yung red note na hawak ko...

Nabitawan nya bigla.

Umiiyak ako habang nakasandal yung ulo ko sa dib dib nya... "Warren, natatakot...n--"

"Warren tara sama--" di natuloy yung sasabihin ni Matthew dahil nakita nya akong umiiyak kaya dali dali syang lumapit sakin kaya sya din ay himas himas yung balikqt ko.

Nagtitinginan na yung mga kaklase ko.. "bakit? Uy, bakit?"

Pinakita ni Warren yung red note at binasa ni Matthew, ngayon sa kanya na ako nakasandal.

"Daming nilalandi" rinig kong bulong ni Hailey. Na naman.

Lumayo ng konti si Warren at tiningnan si Hailey ng masama.. "pwede ba hailey? Ipasintabi mo muna yang selos mo! Ikaw ang malandi dyan, nakakailan ka na ng pinapatulan mo."

Natahimik naman si Hailey. May feelings pa kaya si Warren kay Hailey? At may feelings pa kaya si Hailey kay Warren?

×SOMEONE×

yari ka sakin, Mirae. Mamamatay ka sa galit ko. Mamamatay ka sa pagpapahirap ko sayo, papatayin ko ang lahat ng kumausap sayo.. Nang sa ganon, maghirap ka. Masaktan ka. Pinatay mo ang taong buhay pa!

"Paano na? Patay na si Rebecca... who's next?" Tanong nya sakin.

"Oh well, depende.. kung sinong maabutan sa hallway."

"Papahirapan ko sya, pati mga kaibigan nya.. sya ang pagbibintangan, sya ang pagdududahan, siya ang sasaktan. Halos patayin nya ako kaya ngayon, ganun rin sya." Sabi ko.

Iba ako magalit... Mirae.. nakakamatay ang galit ko... Get ready Mirae!

×TORY×

Lumayo ng konti si Warren kay Mirae at tiningnan si Hailey ng masama.. "pwede ba hailey? Ipasintabi mo muna yang selos mo! Ikaw ang malandi dyan, nakakailan ka na ng pinapatulan mo."

Natahimik si Hailey.. pakiramdam ko di na sila magkakaayos pagkatapos ng lahat. "Warren.." saka ako lumingon at lumapit sa kanya.

"Asan yung.. kinakatakutan ni Mirae?" Kinuha ni Warren yung papel at binasa ko.

Nanlaki yung mga mata ko..

'Don't talk to them, or else... they'll die.'

Binalik ko na kay Warren yung papel, at kinomfort ko na si Mirae, yakap yakap ko sya sa likod. "Mirae, I'm sorry..."

Lumala ang pagiyak nya. "W-wag nyo na akong k-kausapin.. B-baka ma-mapano pa kayo.." sabi nya habang humahagulgol.

Umiling iling ako. "No.. magtutulungan tayong lahat.. aalamin natin kung sino siya." Tumango tango sya.

"Thank y-you."

Tumayo ako. "Bakit ba kasi hindi tayo magtulungan? Pati kabilang section.. magtutulungan tayong lahat. Aalamin natin yung totoong dahilan ng gulong to."

Tumayo din si Hailey."Pano kung yung tumutulong satin ay minamali tayo, dahil SIYA ang killer. Or dahil nililigtas nya yung killer?"

"Hailey, ano bang pinagsasasabi mo? Bakit nya ililigtas yung killer e kahit sya nga tinatakot." Sagot naman ni Matthew.

"Sige.. magtulungan tayo." Singit ni Andy.

*knock knock knock*

Binuksan ni Patricia yung pinto at nakita naming pumasok si Wendell at Sam, lumapit sila sa amin..

"Matt, may tumatawag sa phone mo. Nalimutan mong kunin sa--"

"T-teka. Yan yung number na tumatawag sakin nung dati..." sabi ko kay Sam.

"Ano sasagutin ba natin?" Tanong ni Matthew habang kinukuha yung phine nya.

Nagpupunas punas na ako ng mga luha, at tumayo ng maayos para tingnan yung phone ni Matthew. "Ano sa tingin mo?"

"Sige." Sabi nya.

"Hello?"

[.......]

"Hello..."

[Don't talk to her....]

"A-ano?"

[Mamatay kayo sa galit ko...]

"B-bakit? Ano--"

[Matthew...]

"G*** sino ka ba?!"

Nilingin kami ni Matthew. "Binaba na nya."

"Anong sabi?" Tanong ko.

"Sabi nya.., 'Don't talk to her' at saka 'mamatay kayo sa galit ko.' Kilala pa nya ako..."

"Sinong wag kakausapin?" Tanong ni Warren.

Nagkibit balikat lang si Matthew at saglit na napatingin kay Mirae ng saglit.

"Aalamin natin...lahat" sabi ni Mirae.

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon