Chapter 4: Bye Rebecca

1.6K 63 0
                                                  

×PATRICIA×

Nalinis na ng mga pulis yung bangkay ni Kathy andun din yung ambulansya.. Tama ba na malaman ni Mirae ang tungkol kay Kathy? Hindi pa siguro ito ang tamang panahon. Di pa dapat ngayon...

5 months later...

November 2 na may pasok na uli kami.. Kahapon kasi wala e. Pagakyat ko na nga 3rd floor, walang katao tao. Halatang nasa loob na lahat.

"Psst..."

Papasok na sana ako ng classroom pero may biglang sumut sot. Sino yun? Palingon lingon ako pero wala namang tao..

"S-sinong n-na-nandyan?" Tanong ko. Pero walang sagot.

"Pssst... Patricia."

Mas lalo akong natakot, dahil kilala nya ako. Pero sino ba sya? "M-may tao ba d-dyan? L-lumabas kang du-duwag ka!"

Bubuksan ko na sana ulit yung pinto ng classroom namin ng may humawak sa braso ko. "AHHHHHH!!!" sigaw ko.

Nakapikit akong sumisigaw pero, pagmulat ko ng mabagal... "Wendell!" Sbaay yakap ko sa kanya.

"Walang tao sa classroom, may ceremony tayo sa court." Nakalimutan ko.. Pero natakot ako.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at bumaba na kami.. "Bakit ka takot na takot? May nakita ka ba? Nakita mo ba yung killer?" Tanong nya sakin.

Di nila pwedeng malaman baka matakot lang sila.. At ayokong gawing big deal ito. "W-wala. Iba lang talaga sa pakiramdam ang maglakad magisa sa hallway.."

Tumango tango lang sya, at pumunta na kami sa ceremony. Binati lang nila ako habang ako nginingitian ko lang sila... Siguro napapansin nila na iba ang mood ko ngayon.. May kakaiba talaga e. Kung kilala ako ng pumapatay, ibig ba nitong sabihin, pwedeng sa kabilang section or sa section namin andun yung pumapatay?

"Pat, lupang hinirang na." Bulong sakin ni Lucy na nasa likod ko. Kaya bigla ko namang nilagay yung aking kanang kamay sa dib dib saka mahinang mahina akong kumanta.

Napatingin ako sa saglit sa floor namin. Nakita kong may babaeng papasok sa classroom, nakakalimutan ba nya na may ceremony kami ngayon? Sabagay, kahit ako nakalimutan ko.

Natapos na ang lupang hinirang at nakita kong may babaeng parang dadaan papunta sa, di ko alam. Sinubukan kong umalis pero bigla na lang ako hinawakan ni Lucy sa braso.

"Bakit Pat? Anong problema?" Tiningnan ko lang sya at nginitian. Umayos na uli ako ng tayo.. Pagtingin ko uli sa taas, wala na yung babae at yung babae pa na dumaan kanina.

Natakot ako at nanlaki yung mga mata ko...Wala na sila... paano kung?

"Uy Pat, okay ka lang? Anong meron sa--"

"W-wala tara akyat na tayo sa taas tapos na ang ceremony rin naman e." Sabi ko kay Mirae. Hila hila ko sya papunta ruon. Pagdating namin duon...

"Pat--" natigil sya sa pagsasalita nung nakita nyang may dugo sa sahig, at halatang hinila hila yung pinatay.. Napayakap bigla sakin si Mirae at umiyak ng sobra.

"Pat bakit umiiyak yan?" Tanong ni Tory.

Tinuro ko yung dugo.. "Baki--AAAHHHHHH!!!!!" sumigaw si Tory kaya niyakap sya ni Lucy at tinalikod, nakapikit silang dalawa, umiiyak na rin.

Lumapit sina Wendell, Warren at Matthew dun sa dugo. Si Andy ay wala absent yata. Di makadaan yung iba naming kaklase dahil sa takot. Nagiiyakan na naman kami..

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon