Chapter 3: who's Kathy?

1.8K 65 3
                                              

×MIRAE×

Nagkakatipon tipon na naman sila na para bang may groupings.. ito kagad ang sasalubong sakin?

"Talaga? Ang weird naman. M ako e."

"Ako rin M"

"Marami namang M dito e. Kasi ako M rin."

Maraming nakabunot ng M? Para san p at nagbunutan? Kung pare-pareho lang naman pala?

Pumunta na ako sa upuan ko at umupo. Puro sila M, nakakatakot. Parang iba ang ibig sabihin ng M na ito.... Siguro hindi sya magagandang salita. Siguro, masasama...

"Ikaw Patricia? Ano nabunot mo?" Tanong ni Warren. Katabi ko lang naman kasi sya.

"M din." Sagot ni Patricia.

Nilingon ako ni Warren at halatang tatanungin din ako kaya inunahan ko na. "M ako"

Nagtango tango na lang sya... nang biglang tumayo si Warren. "Sino dito ang hindi M?" Malakas nyang itinanong sa mga kaklase namin.

May mga tumaas naman... tatlo. 2 babae at isang lalaki.. "ano ang inyo?" Tanong ni Warren.

Umiling iling sila. "Blanko" isa isa nilang sabi. Tumango tango lang si Warren at umupo na uli. Titig na titig sa papel.

"Bakit sa kanila, blanko?" Rinig kong tanong nya sa sarili.

M. Anong meron dun?

Bigla namang tumayo si Patricia papalabas. "Pat, san ka?"

"Sa kabilang section. Tatanungin ko kung ano ang kanila" sagot nya sakin.

"Wait Pat!" Napatingin ako kay Lucy. "Sasamahan na kita"

Kaya magkasama silang lumabas at pumunta sa kabilang section.. Ano bang meron sa dalawang Section na to? Bakit parang ayaw nilang may magisang maglalakad sa hallway?

"Marami ka pang hindi alam... Dapat matuto kang umalam.." bulong ni Warren sakin. Napatingin ako sa kanya, nagkunot ang noo ko dun.

"Gano ba kadami ang alam mo? Bakit sila Lucy, di naman ganyan kadami ang alam nila?" Nagtataka na kasi talaga ako e. Bukod pa dun, nakakacurious na.

Malaman ko lang siguro ang totoo, di ko na alam ang gagawin ko...

×LUCY×

Titig na titig lang ako sa pinto.. di ko alam kung bakit. "Pat, san ka?" Rinig kong tanong ni Mirae, kaya napatingin ako kay Patricia.

"Sa kabilang section. Tatanungin ko kung ano ang kanila" rinig kong sagot nya kay Mirae.

"Wait Pat!" Napatingin sakin si Mirae at Pat. "Sasamahan na kita" di sya pwedeng maglakad sa Hallway magisa. Delikado...

Paglabas namin ng hallway, nakakabingi ang paligid. Ang tahimik...

"Ang weird. Puro M ang nabunot natin..." bulong ni Patricia.

"May dahilan yun...Iisang salita lang yun na nagsisimula sa letter M." Sabi ko.

"Pero....ano?" Nagkibit balikat na lang ako sa tinanong nya. Kahit naman ako.. Wala akong alam.

Kumatok kami sa kabilang classroom, pero wala yatang nakakarinig kaya binuksan na ni Pat.

"Ano ba to?! Pangatlong beses na to ah." Sabi ni Anne habaang humahagulgol.

"May bago yata." Sabi naman ni Jason

"Oh baka naman buhay pa...sila?" Rinig kong sabi ni Helen.

"Anong nanyayari?!" Malakas na tanong ni Pat. Lahat sila napatingin sa nagsalita. At ang ilan sa kanila ay lumapit sa amin.

"Matthew, anong nanyayari? May...m-may namatay b-ba?" Natatakot na tanong ni Pat kay Matthew.

Tumungo si Matthew at mabagal na tumango.. "s-si...Kathy"

Nanlaki yung mga mata namin ni Pat at nagkatinginan. Bakit naman si Kathy ang natarget?! Bakit sya?!

Tumakbo kami mula dun sa mga nagtitipon tipon. Sa upuan mismo sya nilagay.. at may note... red note.

'A-ahas.

Nahuli ka....Nahuli kita...sa...HALLWAY'

Tinapon ko kagad yung re note. "Putik na HALLWAY YAN! BAKIT BA GANUN?! BAKIT SA HALLWAY?! BAKIT DUON?!" Galit na galit kong sigaw.

Hawak ni Pat yung balikat ko para patahanin ako, pero umiiyak rin naman sya e. Duguan si Kathy.. Duguan ang labi, pati yung loob... halatang sinaksak sya sa loob ng bibig nya.

Nakaktakot ang mukha. Nakamulat ang isa nyang mata..sumandal ako sa dibdib ni Pat. "B-bumabalik na naman a-ang dapat ay ta-tapos na...Pat, m-may na-namamatay na na-naman" hirap kong sabi.

"Sabihin natin kina Andy to." Sabi samin ni Matthew.

×MIRAE×

"Last year wala namang ganito...Walang namamatay, kasi walang pumapatay..Dumating ka lang...bigla na lang naulit..." sabi sakin ni Warren.

So ako ba ang dahilan kaya naulit to?

Imposible pating may killer sa school nato.. kasi kung ganon, dapat ng kumilos ang mga teachers and principals. Baka aksidente lang to. Kaso... imposible... hindi naman pwedeng maging aksidente yun... sobrang daming dugo e.

"So ako ba ang dahilan kaya bumalik ang lahat? Kaya ba naulit? Sorry..." sabi ko.

Umiling iling sya. "Di naman sa ganon..nagtataka lang talaga ako.. bakit ba nanyari ulit to? Kung bakit ba nanyayari nanaman to."

Bumalik nacako sa oagkakaayos ng upo ko, tinitingnan yung mga kaklase kong curious na curious sa M.

Maya maya ay dumating na uli sina Pat at Lucy, galing yata sila sa iyak. Sumunod na pumasok, si Matthwe, Wendell at Rebbeca. Nagtipon tipon kami. Sina Andy at Tory nagsilapitan na samin.

"Andy...Si Kathy...Pinatay sya..." natatakot na sabi ni Lucy. Nanlaki yung mga mata nila, lalong lalo na kay Andy. Nakakatakot ang mukha nya.

Hanggang sa biglaan na lang sinipa ni Andy yung upuan ni Warren at nagdabog sa sahig. "T****** BAKIT BA MAY PUMAPATAY NA NAMAN?! DATI NAMAN WALA AH! BAKIT SYA PA ANG NA-TARGET?! BAKIT NAULIT?! LAST YEAR WALA NAMAN AH!"

Nakakatakot ang sigaw ni Andy. Hanggang sa aksidenteng napatingin sakin si Andy kaya sumama ang tingin nya sakin at akamng susuntok na pero pinigilan sya ni Wendell.

Pinipigilan siya nina Wendell at Matthew. "P*** UMALIS KA NA NGA DITO! LUMIPAT KA NA NG SCHOOL! IKAW ANG DAHILAN NITO! MAY GALIT SAYO YUNG PUMAPATAY KAYA GANON! UMALIS KA NA DITO ALIS!"

naluluha na ako sa takot, ganito ba ang totoong pagkatao ni Andy? Natatakot na ako.

"Andy ano ba?! Walang kaalam alam si Mirae sa nanyayari. Wag mo syang sisihin, wag mong ilabas ang galit sa kanya. Wala syang kasalanan!" Pagsuway ni Lucy.

"Kaya ko nga pinapaalis diba?! WALA SYANG ALAM! DI KO SYA SINISISI! PINAPALAYO KO! T****** NAUULIT LAHAT! PARANG AWA MO NA, LUMAYO KA NA! NADADAMAY KAMI! NADADAMAY YUNG MAHAHALAGANG TAO SAMIN G*** LUMA--"

sinampal sya ni Lucy. Tinatakpan ko na yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay at nakasandal sa dib dib ni Pat. Nakakatakot naman dito sa school na to. Pero bakit parang nasisisi ako?

Hinarap ko ng maayos si Andy.. "A-andy. S-sorry k-kung nauulit ang mga nan-nanyayari. A-andy, wag k-kang magalit sakin. M-maniwala ka... H-hindi ako ang da-dahilan nang to. K-kung gusto mo, t-tutulungan ko k-kayong maayos to"

At umiyak na uli ako.. Haplos haplos ni Lucy ang buhok ko. Yung totoo, ako ba talaga ang dahilan ng Gulong ito? Kung ganon, mas gusto kong tumulong. Gusto kong alamin lahat... gusto ko may alam ako...

"Hindi nyo alam kung gano kahalaga sakin si Kathy. Papatayin ko ang gumawa nito sa kanya..." sabay tayo na nya at bumalik sa upuan.

Umalis na yung mga kaklase namin na kanina ay nakikinig dito sa gulong ito..

Hinarap ko si Pat. "Pat... sino ba si Kathy?"

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon