Scarlet Butterfly #4

42 0 0
                                    

Isang panibagong araw nanaman para saakin ito. Sana, tagumpay yung mga bataan ni Hugo na bugbugin si Trashtalk King. Sa ngayon wala pa akong balita sa naging kaganapan kahapon, kung palpak silang lahat... patay sila saakin.

Disguise muli ako bilang mabaet kasi naandito na ako sa eskwelahan. Walang sumundo saakin ngayon, sarili ko lang ang dala ko. Kaming tatlo nina Kunai at Hugo, dito kami lahat nag.aaral, magkakaibang kurso nga lang kami, maliban saamin ni Kunai dahil mag.classmate kami dito sa Bachellor of Science in Business Administration (BSBA). Si Hugo Strange kasi nasa HRM sya. Hindi ko na nabanggit pa si ZingcoSais kasi pinili nyang wag na mag.kolehiyo kasi may tungkulin naman sya sa Bandidos Inc. bale pag nasa eskwela kami, natural lang na tambay sya... nag aabang ng pwede manakawan. Para na ding may look-out kami habang naandito kami sa paaralan.

Nakasunod ang lahat ng ito ayon sa plano. Ayon kasi sa intel namin BSBA ang kurso ni Trashtalk King, kaya dito ako napadpad kasi nga balak naming patayin sya at tuntunin pa ang ibang mga Vigillante. Si Kunai naman, irregular sya dito. Ka-course ko sya kasi bukod sa gusto nya talagang maging business man, syempre babae ako nuh, kailangan ko ng tapat na kakampi. At si Hugo Strange nasa HRM naman para mag.matyag sa isa pang Vigillante na nag.aaral dito.

Base sa pagkakaalam ko, miyembro padin si Trashtalk King ng Vigillante Club. Ayon din sa Intel namin meron pang isang vigillante na kilala sa tawag 'Mabalasik'. Putang ina lang pakinggan ng pangalan nya noh, nakalaban na kasi sya ni Kunai at ZingcoSais nung hindi pa sila bahagi ng squad ko. Naka-atas na din saamin na pahirapan sya at patayin kung sakaling mahulog sya sa patibong.

.

.

.

.

.

"Hugo, anong balita sa mga bataan mo? Nagwagi ba sila para upakan si Trashtalk King?" tanong ko kay Hugo habang nasa tahimik na pwesto kaming tatlo.

"Aaa... eh, ganito kasi yan madam. Hinabol naman po si T.King ng mga tauhan ko pero..."

"Pero ano??" mukang may ayaw sabihin si Hugo

"Kasi Madam... si T.King naandito na D: D:"

Bigla kong nakita na mula sa likod at narinig ko ang himig ng boses ni T.King... Nasa eskwelahan nga pala ako kaya iba ang tawag saakin nito. Dibale, hindi nya naman alam yung codename ko.

"Goodmorning Lovely! :)" -Kristoff

"Aaa, goodmorning babe! :)" -Ako

"Oh Pre! Kamusta?!" -Hugo

"Pasensya na guys, delay ang dating ko ngayon kasi umuwi pa ako sa Novaliches. Dun kina mama at papa :)" -Kristoff

"Ngek! Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" -Lovely

"Ok lang naman ako bebe" -Kristoff

Nagkakwentuhan kaming tatlo nina Hugo sa mga bagay bagay dito sa eskwela. Nung naging boring na ang lahat, nakatulog naman si Kristoff (T.K.) at si Hugo naman, lumabas na ng room namen.

Ngayon katabi ko sya habang naka-tungo. Alam mo may pagka-hot nga din naman si Kristoff, ang ganda kasi ng batok nya. Inamoy ko pa yung buhok nya na ambango, mukang branded na shampoo ang gamit nya. Kahit papaano naman may pagka-cute din sya para sakin. Pero wala naman akong magagawa kasi nakaatas sakin na patayin sya at ang iba nya pang kasama.

Lumabas din ako ng room non habang natutulog si Kristoff nung mga oras na iyon. Pinuntahan ko agad si Hugo para mapagalitan ko, dapat talaga wala si Kristoff ngayon kasi dapat basag-basag na ang muka nya.

"Halika nga dito Hugo!" hinatak ko ang damit nya mula sa likod papalapit saakin.

"Tama na po, hindi akooo lalaban madam!! (>.<)!" mukang takot na takot pa si Hugo na mapagalitan ko.

"Umayos ka nga! Wag kang parang bata dito, nasa eskwelahan tayo" sabi ko.

"May pagkapusong mamon ka talaga Hugo,"  biglang dumating si Kunai.

"Wala naman akong balak na saktan ka talaga, pagbabayaran nalang ng mga alagad mo iyon.

Hindi ko talaga inaasahang papalpak pa kayo kahit nasa inyo na ang pagkakataon." sabi ko

"Hhhhhmmmmm... Bakit nga ba inasa lahat sa mga tauhan ni Hugo?" tanong ni Kunai sakin

"Ayoko pa namang mamatay agad si T.K., gustong kong pahirapan muna natin sya. Ibunyag sa publiko na isa syang Vigillante at saka natin sya papatayin. Pati nadin yung iba nya pang mga kasama dito." sabi ko sa dalawa

"Hayaan mo Madam, pangako ko na hindi na kami papalpak pang muli... Sorry talaga =(" sabi ni Hugo

"Hindi nako makapag antay pa na patayin sila... " sabi naman ni Kunai

"Palalampasin ko muna ang inis ko sayo Hugo, at Kunai naman darating din ang oras na papatayin natin sya ok??" sabi ko naman

"Sige, maghiwawalay muna tayo ngayon. Kita kits nalang sa HQ naten mamaya, may klase pa ko eh sige!" umalis agad si Kunai kasi may class pa sya

"Pasensya na talaga Madam ha... bawi nalang ako sa susunod. Alis na din muna ako, mamayang gabi nalang sa HQ." sabi ni Hugo

"Oh sige, balik na din ako samen" at nagtungo na ako muli sa room namen. Buti nalang wala kaming guro ngayon kaya pwede kami maging malaya. Pagdating ko sa room namen, nakatungo padin si Kristoff at mukang mahimbing ang tulog nito, ayoko namang abalahin pa ito kaya habang nakalabas yung isa nyang palad, hinawakan ko nalang ito at hinalikan ko sya sa noo.

"Patawarin mo ako Kristoff" sabi ko...

.

.

.

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon