Nang sabay naming pinatay ang gasera ay dinig ko ang mga ungol at paghinga ng dalawa na isang kartong tagpi-tagpi lamang ang pagitan sa akin. Habang patuloy ang kanilang pag-iingay, tinakpan ko na lang ng unan ang aking mga tainga upang tahasang makatulog.

At doon na nga namunga ang kanilang pag-iibigan.

Kinabukasan, umalis na si John ng bahay. Matagal na panahon din ang laging pag-iisip ng mama mo kung kailan niya ulit makikita ang nagpapatibok ng kanyang puso hanggang sa lagi na siyang may morning sickness.

Dalawang buwan ang nakalipas, pinilit naming makalipat ng matitirhan dahil pinaalis din kami ng may-ari ng bahay na inuupahan namin na hindi na namin nabayaran kahit sentimo.

Matiyaga ang iyong mama Janice... Nagsikap pa rin siyang makapagtapos na sa umaga ay nag-aaral at sa gabi ay nagtitinda ng balot-penoy. Mahilig siyang sumulat ng tula...
mga nobela!
Nagpapaganda.

Ngunit nang mabalitaan namin mula sa diyaryong 'Bagong Tiktik' na ikakasal na si John kay Cassie... ang eredera ng hasyenda noon na hindi naman kagandahan, nagpumilit si Nizz na makita si John. Itiniyempo namin sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ang pag-uusap ng dalawa.

Sa Simbahan ng Immaculada Concepcion, punung-puno ng mga tao ang loob. Dumating na ang puting limosina at bumaba ang bride. Nang nasa tapat na ng altar ang bride ay nagtaka siya na wala roon ang lalaking kanyang magiging kabiyak.

Nalungkot si Cassie at inakalang may nakalimutan lamang si John. Nasa labas ng simbahan ang motorsiklong ginamit ng papa mo ngunit dahil sa naharang namin siya ilang metro bago sa pintuan na daanan ng mga tao ay kinausap niya kami sa isang tagong puno doon. Alam naming walang ibang nakapansin bukod sa angkas niyang lalaki noon kaya't kami ay nagpatuloy.

Ipinagtapat ng iyong mama kay John na buntis siya. Hindi naman nagdalawang isip si John at pagkatapos nilang magyakapan ay sumama siya sa amin. Nagpakalayu-layo kami kahit alam naming malaki ang mabubuong galit ng pamilya nina John at Cassie. Isang taon ang lumipas, ipinanganak ang napaka-kyut na sanggol na Janice! At isa pang sumunod na taon, nagplano na ang iyong mga magulang na buwagin na ang pagli-live-in at tuluyang magpakasal.

Dahil kaunti pa ang naipon, napagpasyahang isabay na lamang sa kaarawan mo ang kasal habang abala pa rin sila sa mga pag-aaral lalo na ang papa mo na graduating ng Cum Laude sa 'Computer Engineering'.

Isang araw bago ka mag-birthday...

LYCEUM, 1987
"Class... Class... Listen!", tawag ng guro na nakapony-tail. Titingin siya kay Nizz na representative ng buong klase, "Let us triple our support for Miss Gabales because the school pageant will be moved tomorrow!"

"Whaaaaaat?!?", at nagambal ang iyong mama

TUP MANILA, 1987
"Am... sad to say pero paaagahin natin ang ating commencement exercises dahil sa mga Urgent Meetings next week!", banggit ng Dean sa kanilang workshop room at tataas ng kamay si John

"Eh... Sir, kailan naman po ang ating Graduation?", tanong ni John

"Bukas!"

"Anoooooo?!?", at nanlumo ang iyong papa

Sa patuloy na pagsasalaysay ng lola ay unti-unting naramdaman ni Janice ang pagod at dinukot ang kumot upang ilatag at ibalot sa kanya.

"Ah... Okay!", humihikab pa si Janice, "Tapos po... anong nangyari sa kasal?"

"Eh... Eto na nga anak...", patuloy ng lola sa kuwento

Flashback.
Hindi naging sagabal ang mga biglaang announcements na ito sa kasalan at birthday bagkos ay tinuloy pa rin nila ang lahat. Matulin na lamang nilang tinapos ang mga bagay na mahalaga rin sa kanila. Sampung oras din kami kasama ng mga bisita at saksi na naghintay sa altar ng simbahan noon.

Pagkatapos makuha ang medalya ay diretso ang papa mo sa simbahan na naka-school uniform pa. Ang mama mo, matapos koronahang Ms. Congeniality at First Runner Up ay diretso rin sa simbahan na naka-Filipiniana pa.

Alas diyes na ng gabi nagsimula ang kasalan at diretso na rin sa lagayan ng singsing, sumpaan at halikan upang hindi na nakakahiya sa mga nagugutom na bisita.

Makakatulog na si Janice nang hindi namamalayan ng lola. Pupunta ang matanda sa mesa kung saan naka-display ang magkasamang larawan ng mga magulang ni Janice.

Hawak hawak niya ang litrato sa pagpapatuloy ng kanyang istorya.

"Tapos sa bahay... maraming tao, maraming lobo, maraming bisita. Mabilis na naubos ang handa sa mga taong naghintay sa simbahan. Nung kumakanta na kami ng happy birthday, may babagsak na poste ng ilaw sa papa mo. Pero hindi ito matutuloy kasi may nakasalong kahoy na kulungan ng aso kaya tinuloy pa rin ang party. Ang mama mo naman, biglang masusuka dahil sa sobrang bigat ng koronang suot-suot niya pa rin.

Hanggang sa magkaroon na ng sweet dance mula sa bagong kasal na sila lamang ang nasa gitna, bigla namang nasira ang kulungan ng aso na nakaharang sa posteng pahulog na. Nahagip ng dulo ng poste ang pagbagsak sa mga ulo ng iyong ama't ina. Kaming lahat ay nalungkot at nagulumihanan.

Nakawala ang aso sa kulungan at ayun anak! hindi na namin naabutang buhay sina Leonisa at Juan Karlos sa pagamutan kasi matindi raw ang hemorrhage na naidulot sa kanila.", luluha ang matanda at lilingon sa likod. Mapapansing humihilik na ang apo.

"Hay..."

Agad inayos ng lola ang mga litrato sa lamesa, kinuha ang award ni Janice at itinabi sa litrato ng mag-asawa.


Pinatay na rin niya ang ilaw ng kuwarto at natulog sa tabi ng apo.

If we fall in-luvOnde histórias criam vida. Descubra agora