Chapter 1:New student

3.2K 96 13
                                    


×MIRAE×

"Class quiet. I'm Ms Lorraine, ang magiging adviser nyo dito sa section na ito. So I want you to introduce yourself to me...But before that, mauuna munang magpakilala sa inyo ang new student." Sabi nung teacher.

Sumenyas na si Ms Lorraine na pumasok sa classroom. Pumasok nga ako at humarap sa kanila..

"Hello... Ako nga pala si Miraena (pronounced as Mi-rey-na) Louise C. Portalejo, you can call me Mirae for short. 16 yrs old." Nakangiti ako habang nagpapakilala.. Pero sila, iba ang tingin nila sa akin. Nakakakilabot. Pinagmamasadan nila ako ng parang may binabalak sila....

"Okay Mirae, umupo ka na lang sa isang vacant seat." Hinanap ko ang isang vacant seat.

Yung dulo lang ang may bakanteng upuan sa row 1.. Dun ako umupo. Pero pag kaupo ko, yung mga mukhang nakatingin sakin ay takot na takot. Umupo lang naman ako ah?

Nginitian ko lang sila. "Hi" bati ko. Nginitian naman nila ako pabalik pero bakas parin sa mukha nila ang takot.

Ano bang meron?

"Hello, ako si Patricia" bati sakin nung nasa unahan ko. Babae, mukhang mabait naman. Ang ganda ganda nya parang anak ng mayaman. Inilahad nya sakin yung kamay nya na tinaggap ko naman.

"Hello Patricia" masaya kong bati. Inalis na rin namin ang pagkakahawak namin sa kamay at nakinig na sa teacher.

"Class dismissed" bagkasabi ni Ms Lorraine nun, ay lahat sila ay dali daling lumabas ng classroom at bumaba na ng hagdan.

Inaayos ko pa lang bag ko saka ako lumabas ng classroom... Bakit walang katao tao sa hallway? Parang di naman ganito yun sa school namin dati ah.

Palingon lingon ako.. naghahanap ako ng tao, nang may napansin akong nagmamadali siyang maglakad. Pero sinubukan ko syang habulinpero nagkatao na nung isang lingon ko napahawak ako sa dib dib ko sa gulat na halos mapatalon na ako. Imaginin nyo nga, yung sasalubong sa inyo ang tamlay ng mukha. Tapos parang basta!

"Anong ginagawa mo pa dito? Walang tao sa hallway." Sabi nya sakin.

"Y-yun na nga e. N-nagtataka ako. A-asan ba sila?" Tanong ko na may halong kaba. Kakaiba to. Ang school na to..

"Tara sama ka sakin ipapakilala ko sila sayo." Sabi nya sakin. Nginitian ko sya at bumaba na kami ang daming tao sa 2nd floor ang daming tao sa hallway..

Pero bakit sa 3rd floor ng hallway?

Nagpasok kami sa isang canteen. Tumigil kami dun at tinuro turo nya isa isa yung mga kaklase ko at pinapakilala nya.

"Yun si Wendell." Turo nya sa isang table which is magisa lang sya..

"Si Warren" turo naman nya sa nakasandal sa pader nag he-headphones.

"Lucy" turo nya sa babaeng kumakain may kasamang isang babae sa table.

"Rebecca" turo naman nya sa bumibili sa tindera.

"Si Tory" turo nya sa babaeng natutulog sa table magisa.

"At si Patricia" turo naman nya sa babaeng may mga kasama pang kaibigan yata.

Nilingon ko sya. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

Nilahad nya sakin yung kamay nya. "Matthew" tinaggap ko naman yung kamay nya. "Kilala kita. Kahit di tayo magkaklase."

Nanlaki yung mga mata ko.. di ko pala sya kaklase?

"Alis na ako... bye" nagwave lang ako sa kanya habang paalis sya.

May kakaiba dito sa school na to. Este, sa 3rd floor dun sa hallway. Bakit ba kasi nawawala ang mga tao dun sa hallway?

~riiiiiiiiinggg~

Time na. Umakyat na uli ako sa taas sa 3rd floor, nakita ko naman silang nagpapasukan na sa loob ng classroom. Nang may nakabunggo ako, paglingon ko nakabunggo ko ang isang napakagwapong lalake.

Sino nga ba to? We-war-wen aish.

"Sorry ha" sabi ko.

Tumango lang sya. Di ko maalala pangalan nito. Pumasok na rin ako ng classroom..

"AAAAHHHH! ! ! ! ! " nabingi naman ear drums ko dun. Ang daming nagtatakbuhang kaklase ko sa kabilang section.

Nakigaya na rin naman ako.. Pagpasok ko dun may nagtitipon tipon sila sa CR ng...boys?

Lumapit ako at pilit kong makipagsik-sikan sa kanila. Nung nakita ko.

MAYGHAD!

Lalaking duguan ang katawan sa CR, nakasandal yung likod sa bowl, tapos Sya kaya yung lalaking nakita kong nagmamadaling maglakad?

Napahawak yung dalawang kamay ko sa bibig ko. Nang may nagtakip sa dalawang mata ko.

"Hindi mo dapat to tinitingnan" sabi sakin nung boses lalaki.. may pumatak ng luha sa mga mata ko. Nako naman nabasa siguro yung kamay nung lalaki..

Inalis na nya yung pagkakatakip nya sa mata ko at iniharap ako sa kanya, at umalis na kami sa mga nagtitipon tipon.

"I-ikaw yung nakabunggo k-ko kanina. A-anong pangalan mo?" Tanong ko habang nagpupunas akong luha.

"Wendell" akala ko warren. Nginitian ko lang sya. "Balik na kayo sa classroom" tumango ako.

Bakit parang may nakakatakot dito sa school na to? Pagbalik namin sa classroom, ang daming naiyak. Kilala ba nila yung lalaki sa kabilang section?

Nilingon ko si Patricia. "Anong meron bakit naman 1st day of school may namatay na kagad?"

Namutla yung labi nya at umiwas ng tingin. "Basta. Magingat ka na lang... Wag kang maglalakad magisa sa.... hallway." Kumunot yung noo ko.

Bago pa man ako magtanong uli umupo na sya sa kanyang upuan. Ganun rin ako, umupo na sa upuan ko.

"Hello Mirae" bati sakin ng isang babae. Baka si Lucy to. "I'm Lucy" tama nga ako... ^_^ nagngitian kami at kinuha nya yung upuan nya at tumabi sa akin.

"Halata sa mukha mo yung takot mo." Nginitian ko lang sya at umiwas na ako ng tingin..

"Nahuli daw yun ng baba kaya naabutan siguro sya sa hallway."

"Bakit ba kasi dito pa ako napunta?"

"May pumapatay pa pala, akala ko ba wala na?."

Kinakabahan ako sa mga naririnig ko habang nakatingin sa kanila. May ano bang meron dito?

"Wag kang matakot... may kaibigan ka..." nagulat ako sa sinabi ni Lucy. Di nga? May kaibigan na kagad ako? Parang nakakatakot makipagkaibigan.

"Thank you" sabi ko. Nginitian nya ako at hinawakan nya yung kamay ko...

Nang may naglaapitan na ring iba sakin. Siguro ito yung mga inisa isa ni Matthew. Pero wala namang lalaki e. Siguro sina Patricia, Lucy, Tory at Rebecca lang.

"Tory"

"Hello. Pinakilala ka na sakin nung Matthew." Nanalaki yung mata nila at nagkatinginan sila.. Bakit?

"A-ah... okay. New student ka.. sigurado ako, marami kang gustong m-malaman noh?" Tanong ni Tory.

Gano ba karami ang gusto kong malaman? Yung bakit may namantay? Anong meron sa hallway? Bakit parang ang bilis ng pangyayari...

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon