CHAPTER 8
Cat Villanueva
"Ano po? Hindi ako pwede magpapre-natal check-up sa inyo?"
Heto na ang panglimang OB-GYN clinic na napuntahan ko for today. At iisa lang ang sagot nilang lahat.
"Naka blacklisted patient po kayo sa clinic namin Ma'am."
Lahat sila ganyan ang sagot. Pero ayaw naman sagutin kung bakit ako blacklisted sa kanila?
Kaya pagkalabas ko ng clinic ng huling OB-GYN clinic na napuntahan ko ay isa lang ang naisip ko na may pakana nito.
Sino pa nga ba? Edi ang lintik na Dok Peste! Gagawin niya talaga ang lahat upang sa kanya ako magpa konsulta?! Talaga nga naman ang tinamaan ng sapak na Doktor na iyon!
Ang ginawa ko tuloy ngayon ay nagpaalam na hindi muna ako papasok. Napagod ako sa pagpunta sa lahat ng OB-GYN clinic ngayong araw tapos wala naman akong napala!
Pagdating ko sa apartment ko. Hingal na hingal ako at naupo muna sa sofa. Itinaas ko ang mga paa ko at ininom ang binili kong lemon juice.
Humanda talaga sa akin ang Dok Peste na 'yon bukas!
Susubukan ko pa rin bukas sa ibang mga OB-GYN sa HC, basta 'wag lang sa kanya. Nakakainis siya!
Naisipan kong kumain na ng dinner upang makapagpagpahinga na ako dahil antok na antok na ako kahit mag alas syete palang ng gabi.
Habang patulog ako ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko na nasa probinsya itong sitwasyon ko? Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila.
Kinabukasan pagkagising ko ay kaagad akong napatakbo sa lababo at sumuka. Grabe, parang punong-puno ng acid ang sikmura at lalamunan ko. Nagpakulo ako ng tubig upang makainom ng hot chocolate.
Ini-init ko na lang sa microwave ang pwede pang makain kagabi at iyon ang ginawa kong almusal. Kailangan kong pumasok ngayong araw dahil hindi na nga ako nakapasok kahapon.
After kong kumain ay nag prepare na ako upang nag-duty. Kailangan ko rin maabutan ang ibang OB-Gyne na naka duty sa Department namin.
Wala naman magagawa ang Dok Velaroza na iyon kung sa iba ko gustong magpa-check up.
Nang nasa Headnurse station na ako ay nakakaramdam naman ako ng hilo. Ganito pala talaga kung buntis. Pero kailangan kong kumayod.
Kumuha ko nalang ang essential oil roll on ko at inamoy iyon. Medyo bumubuti naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Buti nalang talaga at hindi ko need may rounds, dahil dito lang ako naka assigned sa opisina ng Headnurse. Taga ayos ng mga schedules at records.
After ko sa mga ginagawa ko ay sinubukan ko na i-contact ang mga ibang OB-Gyne na siyang naka destino dito sa HC.
"Ano po Dok? Bakit naman po hindi ako pwede sa inyo?"
Napahawak ako sa sentido ko. Talaga nga naman!
"Kasi, Nurse Cat may private Doctor ka na at sabi niya 'wag ka raw namin tatanggapin as patient." Ani ni Dok Mallari.
"Si Doctor Velaroza ba ang nagsabi?" tanong ko. Pumipintig na ang sentido ko sa inis.
"Yes Headnurse Cat, siya nga raw po ang Private OB-GYN ninyo."
"Sige po Dok, salamat po." Ibinaba ko na ang telepono.
Namumuro na talaga sa'kin ang Dok Peste na iyon! Pati ba naman mga ibang OB-GYN dito ay dinamay? Ano bang problema niya? Naiinis na talaga ako!
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...
