A/N: Yey! Haha! Salamat sa mga nagvote at nagcomment sa unang part! :D

Dedicated to mizsyukina! Hello! Siya ang unang nagcomment doon sa introduction. Hehe. :)

-------(^__^)-------

Chapter 1: The Mysterious Guy\

HER POV

"Kyaaaaaaaaaaaah! Ang gwapo niya!"

"Oh my God! He's looking at me!!"

"Gaga! Hindi sayo!"

"Waaaaaaaaaah! Ang pogi mo! Lahian mo na ako! Kyaaaah!"

ANG INGAY! Ang aga-aga lumalandi ang mga estudyante dito! Tsh. Nakakita lang 'daw' ng gwapo eh nagkaganyan na. May transferee daw kasi at sobrang gwapo daw eh wala naman akong pakealam kung gwapo siya o hinde...

Ako nga pala si Kisha Louise Madrigal, isang NERD, walang sense of fashion, NBSB, hilig ko lang ang magbasa ng libro at mag-aral, wala akong kaibigan sa school na ito dahil nga ayaw daw nilang makisama sa isang nerd na katulad ko, okay lang naman sakin, hindi ko kailangan ng kaibigan...

Aish! Paano nga pala ako makakadaan kung nakahara itong mga babaeng ito? Kasalanan 'to nung transferee eh! Bwiset! 

Nakiraan na lang ako hanggang sa makarating na ako sa room at laking gulat ko ng nagkukumpulan ang mga babae sa gitnang bahagi ng room namin. Wait...wag niyong sabihin na kaklase ko yung transferee? Tss.

Umupo na lang ako sa upuan ko which is katabi pa nung transferee kaya nasasagi na ako ng wala sa oras...

"Aray naman!" ayan na nga. Natapakan kasi ang paa ko, ang sakit kaya! -__-

"Nakaharang ka kasi eh" sabi niya sabay belat pa! Si Mich 'yun. yung bitchy kong kaklase at hindi man lang nagsorry! Tuloy lang siya sa pakikipagsiksikan! Tss...

"Whooo girls~ Hindi na ayata ako makahinga, pwede lumayo nama kayo sakin? Magpapakilala ako sa unahan mamaya kaya hindi niyo na kailangang magtanong ng kung ano-ano pa, nakakapagod na" sabi ng isang boses ng lalake, ang cold at ang masculine ng boses niya...

Bigla namang lumayo yung mga babae at nagsibalikan na sa upuan nila...

Tiningnan ko yung transferee, nakatingin din siya sa akin, nakahalumbaba siya pero nakatingin siya sa akin habang nakangiti...

Tinaasan ko lang siya ng kilay "What?"

He sighed "Ang hirap talagang maging gwapo no?" then he smirked...

Mas lalong tumaas ang kilay ko "How would I know? I'm not a man" then I rolled my eyes. Kahit saksakan ka pa ng gwapo wala pa rin akong pakealam sayo...

He chuckled "You're very different from the other girls here but you're thinking that i'm handsome right?" then he smirked...

Mind reader ba ito? Paano niya nalaman? "Kapal ha at tsaka pwede ba wag ka ngang makipag-usap sakin, hindi tayo close" pagtataray ko sa kanya...

Inilapit niya yung upuan niya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko kaya parang nakaakbay siya...

"We're close now" then he smiled...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!