Chapter Twenty Three

44.8K 676 12

CHAPTER TWENTY THREE

"Zayl?! Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nag- aalalang tanong ng mama ni Bianca.

Nandito ako ngayon sa bahay nila. Pamilya na ang turing namin sa isa't isa kaya dapat lang na lumapit ako sa kanila sa sandaling kailangan ko sila. Ang mama ni Bianca ang nagbukas ng pinto. Mukhang siya lang ang tao. Si Bianca, alam kong nasa trabaho pa. Nasa school siguro si Bunso, at si Tito baka nasa trabaho din.

"T- tita...." Yumakap ako sa kanya at muling umiyak.

"Halika sa loob, maupo ka, ikukuha lang kitang tubig." Naupo ako at hinintay siya.

"Ano'ng nangyari sayo?" Buong pag- alalang tanong niya habang nakaupo kami sa sala.

"Tita gusto ko na pong sabihin sa inyo ang totoo." Sabi ko.

"Ano'ng totoo?" Tanong niya.

"Tita... May sakit po ako.. Bago po ako bumalik ng Pilipinas may taning na po akong dalawang buwan. Nalagpasan ko po 'yun so anytime puwede na akong mawala.." Halata ang pagkagulat sa hitsura niya.

"Diyos ko.... Bakit ngayon mo lang sinabi? Alam ba ni Bianca?"

Kahit naman sabihin ko sa kanila, hindi na mababago 'yun. Iyan ang palaging nasa isip ko noon.

"Opo. Sinabi ko po sa kanyang huwag niyang ipagsasabi kahit kanino. Kahit po sa inyo. Patawarin niyo po ako sa pagli- lihim ko."

Hindi na napigilang mapaiyak  ni Tita at ako hindi ko na rin kayang pigilan pa ang mga luha ko sa pagpatak. Akala ko wala na akong mailuluha pa. Niyakap ako ni Tita.

Nung dumating si Tito sinabi na rin namin ang totoo hanggang sa dumating na rin si Bianca. Napag- desisyunan naming huwag ng sabihin kay bunso kahit alam naming malalaman at malalaman din naman niya.

Hindi na nila ako pinauwe. Doon ako mag- i- stay buong magdamag. Pinilit nila akong doon na tumira pero hindi ako pumayag kaya nakapag- decide silang si Bianca na lang ang titira sa apartment kasama ko. Pumayag ako kasi alam kong concerned lang sila sakin.

Sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong rason to reject people's help. I must think of those people who are willing to give their love and concern to me kahit hindi ko sila kaanu- ano. I've been selfish before. I only do whatever I want to do. I made things so hard for me na wala akong pinakikinggan kung hindi ang sarili ko lang.

They decided na magpa- check up na ako. Pumayag na rin ako. I was so stupid! Dapat matagal ko na 'yung ginawa. Ang duwag ko lang kasi hindi ko nilabanan 'yung sakit ko. I've chosen to be easy when I knew na mamamatay na ako without doing anything para gumaling ako. I just accepted the fact na hindi na ako gagaling without even trying to consult a doctor!

And now, ayoko ng tumanggi sa tulong ng mga taong nagmamahal sakin. Magpapatingin ako kahit sinong doctor. Kung wala ng pagasa pang gumaling ako, kahit man lang mapahaba pa ang buhay ko para makasama ang mga taong nagmamahal sa akin, kahit hindi ko alam kung isa pa si Jack sa mga  nagmamahal sakin, okay lang atleast I tried.

Gusto ko munang ayusin ang samin ni Jack bago ako magpasama kina Bianca magpatingin sa doctor. Kung hindi man maayos, atleast makapag- sorry man lang ako.

Alam kong hindi rin madali para kay Jack dahil nasaktan ko siya sa nagawa kong kasinungalingan. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya. Alam kong galit pa siya kaya tatanggapin ko anuman ang maging desisyon niya.

Sa totoo lang, mas gusto kong tapusin na ang lahat ng namamagitan samin. Gusto kong ibaling na niya sa iba ang pagmamahal niya kahit hindi ganun kadali. I just want to set him free. Hindi siya magiging maligaya sa piling ko dahil sa huli iiwan ko rin siya. He deserves someone better.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!