CHAPTER 7
Rat Velaroza
Hapon pa ang appointments ko kaya naisipan kong gumising ng maaga upang puntahan ang praning na babae. Pasimple kong ini-stalk ang facebook account niya kagabi at nakita ko roon kung saan siya nakatira. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasisiguro na wala siyang maiisipang gawin sa dinadala niya.
Am I happy to know na magkakaanak ako? Yes of course. Sino ba namang tao ang ayaw magkaanak. Baka mga abno lang siguro. Doktor ako ng mga buntis at gustong magkaanak tapos ako hindi ko gugustuhin? Ang weird naman yata 'no? Sa edad ko ngang ito hindi ko akalain na magkakaanak pa ako kaya siyempre, napakasaya ko. Kaya subukan niya lang gumawa ng kapraningan. Malalagot talaga siya sa'kin.
Nang nandito na ako sa kung nasaan ang apartment niya ay nagtaka ako na may kotse rin na nakaparada roon at may lumabas na lalaki at tumapat sa pinto ng apartment niya. Nagulat ako nang bigla nitong pwersahang binibuksan ang pintuan. Doon na ako lumabas ng sa sasakyan kasi naarlama ako na baka ano ang gawin niya sa praning na babae.
Pagkatapat ko sa pinto ay hindi na nga gaano nakasara ang pinto dahil nasira ang doorknob. Hindi ba naman may tipus na pwersahin buksan? Dahan-dahan kong binuksan at naririnig ko ang usapan nila. Hindi pa rin nila namamalayan na nasa pintuan lang ako.
"Flynn, I'm so sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ang nangyari sa'kin, alam kong iba na ako sa paningin mo... I'm so sorry for not telling you that I ha—" wika ng praning na babae sa kausap.
Ah, iyon pala ang Flynn. Hmmm...
"You're virgin Mary?! Isa kang birheng Maria sa modernong panahon! That's so amazing! Marian devotee ako alam mo 'yan!" bulalas ng lalaki.
Muntikan na ako dumausdos sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Ano raw? Birhen? Huh?!
"Huh? Virgin ano...?"takang tanong din ng praning na babae maski ako magtataka rin talaga.
"Kasi wala ka namang boyfriend so, sino ang bubuntis sayo?" sagot uli ng lalaki.
May point siya. Paano nga ba naman mabubuntis ang babae kung walang boyfriend? Pero hindi dahil naka one night stand ako ng praning na babae kaya may valid reason talaga.
Nang marinig ko ang lalaki na sinabi na makakatikim ako sa kanya ay doon na ako nagsalita. Kanina pa kasi nila ako hindi napapansin na nasa may pintuan lang. Kitang-kita ko ang pagkabigla nila lalo na nung praning na babae.
"Dok Rat? Ano'ng ginagawa mo rito?!"
Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti. Pwede rin ay ngiting naka-aasar
"Sinusundo ka, kasi pre-natal check up mo sa'kin."
Kailangan kong ma-check ang kalagayan ng pinagbubuntis niya lalo na at akin ito.
"At sino may sabing sa iyo ako magpapacheck up Dok?" Nakataas kilay siyang sambit.
Mas inarkuhan ko siya ng kilay.
Aba...ang babaeng 'to?!
"Nakakahiya naman sa'yo Headnurse Cat. Napakaraming buntis ang nagmamakaawa sa akin upang magkaroon sila ng appointment sa'kin tapos ikaw aartehan mo ako?"
Totoo iyon, halos mga pumipila o gumagamit pa ng koneksyon para ako lang ang maging personal OB-Gyne nila. Like ano bang mayroon sa'kin? Bukod sa kagwapuhan? Marami rin namang magagaling na OB-Gyne sa HC at ibang Hospitals. Hindi nga lang kasing gwapo ko.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...