Chapter 32 - knock-out

Magsimula sa umpisa

"Kyaaahh." napatingin naman kami ni Candy kanila Sully. Sinasabunutan ni Sully si Louisa.

"Slut! di pa kita nagagantihan sa pangaakit mo sa boyfriend ko noon. Kaya, take this." sinipa ni Sully si Louisa sa tiyan kaya ayun tulog na din. 

Bigla namang lumapit yung mga guards. Tsk. Bagal nila ha!

"Ma'am, umalis na ho kayo dito bago pa namin kayo kasuhan." sabe nung isang guard sakin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Hindi kami ang nauna, sila." sabe ko sabay turo dun sa tatlong tulog na.

Bigla naman akong hinawakan nung isang guard. 

"Ma'am, umalis na ho kayo. Pinapasabe din po ng may-ari ng store na banned na po kayo dito." I rolled my eyes. 

"Whatever. Pwede ba, bitawan niyo kami dahil marunong kami maglakad!" galit kong sabe. Bumitaw naman sila. 

"Tsk. Stupid." sabe ko sabay lakad paalis. Ganun din sila Sully at Candy. 

Nang makarating kami sa parking lot.

"Bwiset! Bwiset kasi yung tatlong yun e. Kapal ng mukha! Pano na tayo makakabili ng regalo?" sabe ni Candy.

"Sa internet nalang." sabe ko sabay pasok sa kotse ko.

Tsk... mga panira ng araw.

***--***

Jiro's POV

Sa wakas at tapos na din ang klase. May 2 hours vacant time pa ako.

"Uy, tignan niyo to. Ang cool ng Queens dito, oh." napakunot naman ang noo ko sa sinabe nung isang lalake.

"Wow! Grabe, ang astig talaga nila." sabe naman nung isa. Para silang may pinapanood sa phone.

Curiousity kills the cat, kaya tumayo ako at pinuntahan sila.

"Ano yan?" kunot noo kong tanong pagkakita ko sa phone na hawak nila.

"Kyle, di mo pa ba to napapanood?" sabe nung isa sa mga kaklase ko. 

Oo, Kyle lang tawag nila walang "King" na kasama. Mas okay na yun noh. Yung mga babae lang naman ang tumatawag samin nun e. 

"Ano?" kunot noo kong tanong. Pinakita naman nila sakin yung video. 

Nang matapos ang video, ganito ang reaksyon ko ------>  O______O

"T-Teka, sila AM ba yan?" gulat kong tanong. Tumango naman sila.

"What? Sigurado ba kayo?" 

"Oo naman. Nakalagay kaya sa caption. Atsaka kalat na sa buong school ang nangyare. Ang sabe nila yung tatlong babae dito sa video ang nauna." sabe nung isa. 

Kung tama ako, sila Rina, Erika at Louisa ang nasa video na nakaaway nila, AM. Hay...

Kinuha ko yung bag at mga libro ko saka lumabas ng room. I need to talk to, AM. 

"Kyle!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. 

"Rina? What are you doing here?" takang tanong ko.

"Gusto ko lang ipakita sayo ang ginawa ng Akira na yun sakin! Look at me! I have bruises on my face and arms." sabe niya sabay pakita sakin. I hissed.

"In the first place its your fault, Rina. Kung di mo inaway sila AM, that won't happened." inis kong sabe. She scoffed.

"What?! Panong ako ang nauna?! I didn't do anything, Kyle. Kinausap ko lang siya and then she punched me right on the face. Even her friends slapped me." mangiyak-ngiyak niyang sabe. 

I huffed. "Don't lie to me, Rina. Alam mo naman na alam kong kayang kaya mong iprovoke si AM na awayin ka. Remember, di ko parin nakakalimutan ang ginawa mo samin. Oo, pinatawad kita pero that doesn't mean na di ako galit sayo." sabe ko sabay talikod paalis.

Naglakad ulet ako paalis. I need to see if AM is okay. 

Kahit pa alam kong na-knock-out niya si Rina. Well... thinking of it makes me laugh.

I just shook my head.

***--***

 Akira's POV

"Hahahahaha! di talaga ako nagsisisi sa ginawa naten. Kahit pa na-banned tayo sa store na yun." natatawang sabe ni Candy. I smirked. Kakatapos lang kasi namin panuorin yung vid.

We all feel the same. Psh. Tama lang naman ang ginawa namin diba? Medyo harsh ba? Hahaha! Sino ba namang di maiinis sa kanila.

 Napatingin naman kami kay Sully na napatigil sa pags-scan ng phone niya at nakatingin sa likod namin.

Kaya naman, napatingin nadin kami. 

Here comes the "Kings". Well, mukhang masesermonan kami nito ah.

Napa-iwas nalang ako ng tingin ng makarating sila sa likod namin.

"AM." okay, alam niyo naman na kung sino yun diba?

Di ko siya pinansin at nagplay ng piano. Nandito nga pala kami sa music room.

"Siguro naman alam niyo na ang pinunta namin dito noh?" rinig kong sabe ni Lucas. Bigla nalang sumulpot si Jiro sa harap ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"AM, we.need.to.talk." diin niyang sabe.

Galit ba siya dahil na-knock-out yung tatlo? Tsk. Wag niyang sabihin na concern siya dun sa Rina na yun.

"Wala tayong paguusapan. At kung tungkol lang naman yan dun sa three bitches e wag nalang." sabe ko sabay tayo at upo sa drums. Dito ko ilalabas ang inis ko.

Lalapit pa sana si Jiro ng ihampas ko na yung stick sa drum. I played the drums really loud and fast.

Parang nasa isang rock band ako. Naiinis talaga kasi ako e.

"AM!" rinig kong tawag ni Jiro pero di ko siya pinansin.

"Akira! Tama na yan!"

"Masisira na yung drums!"

"Pigilan niyo si Akira!"

"Akira! tumigil ka na!"

Kahit pa naririnig ko sila e wala talaga akong balak tumigil.... hanggang sa....

May mga brasong pumulupot sa bewang ko at may naramdaman ako hangin sa leeg ko.

"AM, tama na. Please?" napatigil ako dahil sa bulong niya.

Hinihingal kong binitawan ang drumsticks. 

"Akira!" napatingin naman ako kanila Sully at Candy.

"Shet. Ang tindi mo, Akira. Isang palo nalang butas na tong drums." sabe ni Rain sabay tingin sa drums.

Hinawakan niya pa. Parang sira.

Saktong pagpitik ni Rain sa drum e nabutas at bumukas ng pinto.

"OHMYGOSH!!! Ano nangyare dito? Ano nangyari sa drums?!" ang OA naman nitong si Mara.

Wala pa ring nagsasalita. 

"Sino may gawa niyan sa drums?" sabe ni Mara. Sabay sabay naman nilang tinuro si Rain. Kahit si Sully e si Rain ang tinuro.

"Ha?! Bat ako?! Anong ako?! Oy! grabe kayooooo!" sabe ni Rain. Napatingin naman siya kay Sully.

"Pati ba naman ikaw, L?" mangiyak-ngiyak na sabe ni Rain. Natawa nalang kami.

Nagtatakang tumingin naman si Mara samin habang si Rain ay naka-frown. Kami... tawa lang ng tawa. Hihihihi^^

Sorry, Rain. Peace tayo! ^____^V

()()()()()()()()()......

HELLO GUYS! 

NEW UD. Sana magustuhan ninyo.

Medyo matatagalan ulet ang next UD ko. Sorry >3<v

Thank You~

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!