Thirteen ♥ - Good Terms

5.8K 78 5
                                    

RACHELLE'SPOV

Yay! Monday nanaman. Pasukan nanaman. January 7th na eh. Wala namang saya yung new year eh. Yung mga kapitbahay namin, nagsipaputukan tas ang ingay. NATUTULOG NA NGA LANG AKO.

"Bestiiiieeee! Shaaaaay! Happy new yeaaaaar!" -Colette

"Late ka teh." -Ako

Sinarado ko na yung locker ko at sabay na kaming naglakad papuntang room.

"Si Perrie?" -Ako

"Di makakapasok eh." -Colette

"Ha? Bakit daw?" -Ako

"Ewan. Di niya sinasabe eh. Pero naririnig kong umiiyak siya kagabe sa phone." -Colette

Nagaalala na ako. Umiiyak? Bakit naman?

"Umiiyak? Ano daw ba problema?" -Ako

"Hindi ko nga alam eh. Puntahan natin mamaya sa bahay niya?" -Colette

"Sige." -Ako

Nakarating na kami sa room. Wala pa si Ma'am Esteva kaya yung mga kaklase kong bugok, ang gulo gulo nanaman. >.< Andito na si Rence. :''''''''''''> Tas si Lewis na.....nakasimangot. LUH? Umupo na ko sa seat ko, magkatabi kami ni Rence diba?

"Hi Rence." -Ako

"Hi Shay." -Rence

Lumapit ako sa tenga niya para bumulong.

"Bakit nakasimangot si Lewis?" -Ako

"Ah. Ewan ko diyan. Ayaw niya sabihin. Love problems daw." -Rence

"Love problems? Sino daw yung girl?" -Ako

"Di niya sinasabe eh. Baka nga masapak na kami pag nangulit pa kami sakanya." -Rence

Tumango na lang ako at dumeretso ng tingen. Maya maya, pumasok na si Ma'am Esteva.

"Good Morning class." -Ma'am Esteva

"Good Morning Ma'am Esteva. It's nice to see you." -Class

"Ok take your seats. Kumusta ang vacation?" -Ma'am Esteva

"Ok lang po." -Class

"Ok good to hear. Now, may papagawa ako sa inyo agad. Get a one whole intermediate pad and write how your christmas vacation went on. Title it as "Our Christmas Vacation". Do it like a paragraph. Use margins. Ok? Gusto ko malinis ang papel. Pag mababoy, deretso yan sa basura ah." -Ma'am Esteva

Nilabas ko na ang bago kong bili na intermediate pad. Lahat sila nakatingin sakin. ANAK NG...ALAM NA!

"Oh ano? Hihinga kayo?" -Ako

Lahat sila nagsilapitan na sakin. HALA SIGE. MGA WALANG PAMBILI PARANG DI NAGAARAL. -___________- Edi lahat sila binigyan ko. Pati si Colette, Lewis at Rence humingi rin. AY GRABE TEH. Ubos agad 30 papers.

"O mga walang papel bayaran niyo si Ms Blacaflor ng tig piso." -Ma'am Esteva

Lahat sila naglapag na ng mga piso sa lamesa ko. WOW. BANTAY BATA AKO NOH. DONATIONS?

Matahimik na. Nagstart na kameng nagsulat. Ang tanong, ano nga ba ang isusulat ko? Walang pumapasok sa utak ko eh. Yung away namin ni Viniel? Yung kilig moments with Rence? Yung pagbatok sakin ni Lewis? HAAAYS. OH LORD GABAYAN NYO AKO NG MGA IDEAS.

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon