ACCEPTANCE
Living a happy life means learning to embrace the circumstances that come your way. Challenges will always be present, but they vary with each situation.👨⚕️HIDEO ADONIS
Quarter to six in the morning ay nagising na ako sa tunog ng alarm clock ko dahil may duty at operation ako ng eight o'clock. Bumangon na ako at dumeretso sa restroom. Natutuwa ako na nitong mga nakaraang buwan at araw ay nagiging maganda na ang tulog ko at sana ay magtuloy-tuloy na.
Pagkalabas ko sa restroom, I wear my usual hospital uniform at kumuha ng isang white long coat saka ko kinuha ang square bag ko na regalo sa akin ng hindi ko na maalala kung sino. Makakalimutin din kasi ako.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Habang naglalakad sa pasilyo ay napahinto at napalingon.
Gayon na lamang ang gulat ko nang may makitang babae na nakamahabang puting damit at nakabelo na siyang nakatabon sa buong mukha niya.
"Ay Diyos ko po!"
Hindi ko naiwasang napasigaw sa gulat at napasandal pa ako sa pader, napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng pagkabog nito.
"Dok?" Inihawi niya ang pagkakatabon ng belo sa mukha niya. "Ako po ito,si Nurse Marikah."
"O...oo! Ikaw pala 'yan, nabigla lang ako." Kinalma ko na ang sarili ko. Kailangan ko na talagang ipa-monitor ang cardiac health ko.
"Pasensya na po Dok, nagnobena po kasi ako."
"It's okay. Nag-almusal ka na ba? Sabay ka na sa akin." Pag-aaya ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Sige po, Dok."
Sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan.
"Kumusta ang tulog mo?" tanong ko.
Ngumiti siya muli, kasabay ng pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Isang napakagandang umaga nga naman.
"Maayos po...Dok..." kiming sagot niya.
Napangiti na rin ako. "Mabuti kung gano'n, tara sabay na tayong mag almusal."
"Sige po..."
Nauna akong tumalikod at naglakad habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Nakarating na kami dining area at may nakahanda na roon na breakfast. Ito pa naman ang pinakaimportanteng meal sa buong araw.
Napatingin ako sa kanya at pinaghila ko siya ng isang upuan.
"Have a sit."
Nayuko siya at tila nahiya.
"Salamat po...Dok..."
Naupo na rin ako.
"Hindi pa gising si Athena, manang?"
"Dok, nag-jogging po, baka pabalik na rin po siya."
"Sige salamat Manang, day-off niya siguro today kaya nagkaroon ng time mag jogging."
Napatingin ako kay Nurse Marikah.
"Bukas, wala akong shift. Meaning wala ka ring duty. Gusto mo mag jogging tayo together?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at bahagyang nangiti.
"Ayos lang naman po Dok. Maaga naman po akong nagigising dahil po nagno-nobena po ako." Paliwanag niya.
"It's that's really your daily devotion?" curious kong tanong.
"Opo Dok...bata pa lang po ako sinanay na akong magnobena at mas dinadalasan ko na po lalo na nung mawala ang mga magulang ko..."
Napahinto siya at napalitan ng lungkot ang kanyang mga mata.
"Where's your parents?" I asked.
Sinimulan ko na ang kumain ng almusal.
"Kasama na po sila ng Diyos, apat na taon na po ang nakalilipas. Vehicular accident po."
"Oh...I'm so sorry to hear that. Same to my parents four years ago, an ambushed then may nakabanggaan silang sasakyan. Kasama nila non si Athena, siya lang ang naka survive." Kwento ko sa kanya .
Napatitig siya sa akin. Kita ko ang pagkabigla niya sa kinuwento ko.
"Siguro, masaya naman sila kung nasaan sila Dok no? Pero aaminin ko, hindi ko pa gano'n lubos na natatanggap na wala na sila. Lalo ko lamang pinagtitibay ang pananampalataya ko."
"Lahat naman ng mga bagay na nangyayari ay may dahilan. At tanging Diyos lang ang nakakaalam non."
Gustuhin ko man sabihin sa kanya na lubos kong kahinaan ang patungkol sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay ay manghihina lang ako. Lalo na ang puso ko.
Huminga ako ng malalim. Nakakaramdam ba naman ako ng kirot sa dibdib ko. Kasalanan ko naman ito, dahil ako ang nag-open ng patungkol sa mga magulang ko.
Uminom na lamang ako ng isang basong tubig upang kumalma.
"Good morning!"
Dumating na pala si Athena. Naka pang gym outfit siya na nag-jogging. Naupo na rin siya.
"May shift kayo today no?" tanong niya.
"Yes, tapos bukas wala."
"Napakadaya! Gusto ko makasama si Marikah para ma-tour ko siya rito then...shopping!" Nakanguso niyang sabi.
Napatingin lang sa amin si Nurse Marikah.
"Maybe on Sunday na, magmimisa tayong lahat. Okay?"
"Really Kuya? Yey!" Masaya niyang sambit.
Napatingin ako muli kay Nurse Marikah at nagmata ang aming nga mata.
Hindi ko alam kung bakit biglang nagrigodon ang puso ko. Napainom tuloy uli ako ng isang basong tubig.
--
📿 MARIKAHInihinto ni Dok Hideo ang sasakyan sa parking basement ng HC Medical City. Ngayon ko lamang nakita itong parking lot dahil wala naman akong sasakyan kaya hindi ko ito napupuntahan. Napakalawak pala nito sobra.
"Dok, maraming salamat po sa pagsabay sa akin." Kiming sabi ko sa kanya.
Sa totoo lang ay sobra na akong nahihiya. Labis na ang pagtulong ang ginagawa nila para sa akin. Ang pagpapatira sa akin sa kanilang tahanan ay napakalaking bagay na. Kaya kapag nakaipon ako ay maghahanap talaga ako ng mauupahan.
Kaso ang isa ko pang problema ay hindi ko pa nakakausap sila Lolo at Lola patungkol sa nangyari sa akin. Panigurado na labis silang mag-aalala. Baka nga pilitin pa ako na umuwi na sa probinsya kapag nagkataon.
Ako na ang unang bumaba dahil mukhang may balak pa si Dok na pagbuksan ako ng pinto kaya inunahan ko na siya.
"Sabay na tayong pumasok." Nakangiting sabi niya.
Napakaganda talaga ng ngiti ni Dok. Pero kapag duty na ay masyado na seryoso ang mukha niya.
Sabay kaming pumasok sa elevator ng parking lot. Pinidot niya ang 4th floor kung saan nandoon ang ward for Surgery at opisina niya. Doon din kasi ang Nurse station ko. Naghihintay lang ako ng utos niya.
Pagkabukas sa 4th floor ay nakabungad ang Nurse station kaya doon ako dumeretso.
Sabay kaming nag time-in sa scanner. Pagkatapos ay nag sanitized. Kaagad kong kinuha ang chart at binuksan.
"Mayroon kayong tatlong surgery na naka scheduled po kayo today." Paalala ko kay Dok.
Napalingon siya sa akin bago pa niya buksan ang pinto ng opisina niya.
"Thank you for reminding me."
Ngumiti lang ako at naupo na sa swivel chair ng Nurse station. Mamaya pa siguro ang duty ng makakasama ko rito sa station.
Kaya nag-rounds nalang ako.
--

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...