I

267 19 5
                                    
























"Congratulations, mga anak! Siguradong lahat kayo ay kasama sa mag mo-moving up!"

Napahiyaw sa tuwa ang mga kaklase ko sa sinabi ng aming adviser. Si Ma'am Patrish. Halos lahat ay kinakabahan dahil second to the lowest section kami. Hindi kami ganung katalino except kay Clarice. Kasama kasi siya sa honour students.

"Yes! Yes! Hindi na ako mag re-repeat!"

"Yes! Hindi na ako itatakwil ng Dad ko!"

"Aaahhh! Balik allowance na ulit!"

"Wohoooo!"

Tawang tawa naman ang katabi ko sa mga pinag sasabi ng mga kaklase namin. Fourth year high school na kami o mas kilalang grade ten at sa limang section kasi ay kami ang pinaka 'worst'. Pinaka worst means nasa amin na ang lahat ang iba't ibang uri ng estudyante. May repeater, may pala away, pala absent, tamad at kung anu ano pa.

Akala nga ng iba ay hindi kami makakapasa. Well, muntik na kasi simula pasukan hindi kami inaasikaso ng adviser namin. Hindi si Ma'am Patrish, 'yong unang adviser namin. Kapag may announcement lang siya nag papakita. Hindi niya kami tinutulungan kapag may mga school events or activities. Hinahayaan niya lang kami.

Minsan pa nga nung na-suspended si Marcus. Ang guwapo pero tarantado pero mabait naman kahit papaano na kaklase ko. Nakipag sapakan kasi siya sa ibang estudyante. Guwapo kasi talaga si Marcus, tipong mapapalingon ka talaga kapag dumaan o nakasalubong mo siya.

Medyo malandi rin ang lalaking 'yon kaya nung may lumandi sa kanyang babae. Pinatulan niya, e, may boyfriend pala 'yong babae kaya hayun, napa away siya.

Nung nalaman ni Ma'am Karina, ang unang adviser namin, katakot takot na sermon ang natanggap namin. Sinabi pa niya na wala na raw talagang pag asa ang section namin. Wala na raw talaga kaming kinabukasan.

Sobra kaming nasaktan noon kaya halos lahat ng mga kaklase ko ay nawalan ng gana mag aral. Tipong kahit may exams ay basta na lamang sila mag sagot. Kapag hindi nila alam ay hindi na lang nila sinasagutan o minsan tinatarantado nila ang test paper.

Halos hindi na rin nila pinapakinggan si Ma'am Karina. Nung minsan na sinabi ni Ma'am na may event na gaganapin for filipino something at kailangan namin mag participate. Ang sagot sa kanya ng mga kaklase ko, 'bakit hindi ikaw ang sumali?'

Pahiyang pahiya siya lalo na nung sinabi ng boys na 'bakit kailangan pang sumali, e, wala naman kuwenta ang adviser' tapos nag quit siya bilang adviser namin at pinalitan nga siya ni Ma'am Patrish.

Nung una hindi siya tanggap ng mga kaklase ko lalo na nung mga boys. Akala kasi nila katulad lang siya ni Ma'am Karina pero nung napa away na naman si Marcus pero hindi naman siya ang nauna. Ngunit dahil sa reputasyon niya, inakala ng principal na siya na naman ang pasimuno.

Pero—pinag tanggol siya ni Ma'am Patrish sa principal. Sabi bakit isang side lang ang pinapakinggan nila at nung nalaman nga nila ang katotohanan. Ang naparusahan ay 'yong mga nasa second section. Doon na naging open ang mga kaklase ko at eventually, nakinig sila sa mga payo ni Ma'am Patrish.

And here we now, mag mo-moving up na kami! Kaming lahat!

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malakas ng pag sipol ni Jenson. Sasawayin sana siya ni Ma'am Patrish nang sabay sabay kaming tumayo sabay bow.

"Thank you for everything, Ma'am Patrish! You're the best adviser we ever had!" Sabay sabay na sabi naming lahat.

Pag katapos ay tumunghay na kami at napangiti ako nang makita ang gulat sa mukha ni Ma'am. Nag lakad papunta sa kanya ang president namin at binigay ang isang regalo na pinag ipunan naming lahat.

When Love Finds You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon