Kabanata 23

28K 689 62
                                    

We're officially together.

I'm still in daze with the label that we have now. Narito pa rin kami sa backyard, nagpipicnic buong pamilya. Planado na pala niya ito kagabi pa lang kaya excused ang mga bata sa school at kami sa office ngayong araw.

Well, that's good. This will be our day.

"After our breakfast, can we go to the amusement park po?" Leigh said after munching her food.

"Of course, we can. Si daddy ang bahala." Gray replied na nakatanggap ng yakap sa prinsesa namin.

We continued our lovely breakfast with joy in my heart. These kinds of moments are for keeps.

Nilinis ko, kasama ng mga anak namin, ang mga pinagkainan namin habang si Gray naman ay gumagawa ng tawag para sa pupuntahan naming amusement park ngayong araw.

"Okay, time for bath na, kids. You can handle yourselves na, hindi ba?" said Gray nang matapos na sya sa tawag at grabe naman kung tumango ang kambal na akala mo ay wala ng bukas. "Good. Let's all go upstairs and prepare ourselves."

Inayos ko muna ang mga susuotin ng mga bata bago sila tuluyang hayaan maligo sa kanilang sarili. And saktong pagsara ko ng pinto ni Van, nagulat ako sa paghila sa akin ni Gray na nakaabang sa labas lang ng pinto.

"Jusko kang lalaki ka! Ginulat mo ako. Bakit hindi ka pa naliligo?" I asked habang hawak hawak nya pa rin ang kamay ko.

"Maligo ka ulit. Sabay na tayo." he said pagpasok namin sa kwarto.

"Napakapilyo mong lalaki ka ha!" Sus, Av. Kunwari ka pa pero deep inside gusto mo naman.

"Come on. Tara na para mabilis din tayong matapos." maypataas baba pa sya ng kilay.

At hindi nasunod ang mabilis na matapos dahil umisa pa ulit ang loko.

-

"Mommy, ang tagal nyo po. Kanina pa po kami dito naghihintay." salubong sa amin ni Van na nakaupo sa sofa habang nakatutok ang mga mata nya sa tablet nya.

"Sorry, ang kupad kasi ng daddy nyo eh. Parang pagong kung kumilos." palusot ko.

"Parang pagong, huh." bulong nya sa akin na nakapagpatalon sa akin sa gulat. "I'll make it much faster next time, my love." he added in a sensual manner.

"Shh. Stop it. That's just an excuse." I said pero umasta sya na parang walang narinig at inaya na ang mga anak namin papunta sa sasakyan.

"Ikaw rin, Al. Let's go." sabay hapit nya sa bewang ko nang may kakaibang ngiti. And he called me Al.

Mukhang hindi maaalis sa isip nya kung ano man ang meron doon ngayon hangga't hindi nya nagagawa. Goodluck na lang, bestie.

Sumakay kaming lahat sa sasakyan. Inalalayan muna namin ang mga bata at siniguradong naka-seat belt sila bago kami sumakay sa driver at passenger seats.

"Al, text mom that we'll not be home tonight. I forgot to text her, baka hanapin tayo." he spoke, eyes still on the road.

"Should I call you Ga again?" I chuckled.

"Mas mabuti if yes." he grinned.

"No problem with me." syempre, no problem talaga. Kinikilig ka rin eh.

I just busied myself with texting Tita Anette while we're on wheels. Gray planned na sa rest house niya kami manatili for the night after namin sa amusement park dahil malapit lang naman iyon doon.

"Oh crap!" I said nang maibaba ko ang cellphone ko.

"What's the problem?" pasilip silip nyang tanong sa akin.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now