CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Anong ibig nyang ipahiwatig?

Hindi ko na lang pinansin pa. Ayoko ng magisip ng sobra, lalo pa at makakasama ko ang nililigawan ni Dale. Hays, bakit naman kasi kami pa ang napili? Eh pwede naman yung sila Nath, nakakapagtaka na talaga.

"Kuyaaa!"

O_O

"Daniah? You're here!"

"Yeah! Hahahah! Oh! Hindi ka pa ba nakakapagprepare?"

"Hindi pa, ayusan mo naman ako baby sis"

"Eh?"

"Sige na please"

"Fine! But before that I want to see Ate Allison, where's she?"

"Ah kaalis lang—"

"Yaaah! Ang daya! I want to see my bayaaw!"

"Tsk, mamaya na yan, ayusan mo muna ako ok?"

"Sige na sige na nga!"

Pinisil ko ang pisngi nya. Mabuti naman at good mood sya. Hindi pa nya marahil nakita si Allison, kaya ngayon sya magkakaroon ng pagkakataong makita sya. Inaayos na nya ako dahil todo-attire na ako. May pacostume pa mamaya, at imposibleng mawala ang talent at question & answer portion doon.

"Ay! Napakagwapo mo ngayon kuya! Hindi ka na napagkakamalang kabute!"

"Eh? Hahahahah...kaya nga next week magpapagupit na ako, naiinis na rin kasi ako sa hairstyle ko"

"Shh, hahaha! Anyway, balita ko yung nililigawan ni Kuya Jehridale ang kapartner mo ngayon, ok lang ba iyon sayo?"

"H-Hindi ko sigurado...besides..alam mo naman kung anong tingin ko sa kanya. Halos lahat sa amin suportado naman sa kanila pero.."

"Pero ano?"

"Pero...I don't think kung.."

Hindi ko na maituloy ang sasabihin, parang nauurong ang dila ko dahil doon. Nakakainis...

"Timrelli? Nasaan—you're here! Hi Daniah!" biglang sulpot ni Shinichi sa kakahuyan este sa camp. Good mood sya ngayon? Anong nangyari?

"Hi kuya Shinichi! Hindi ka ba napili ngayon?"

"Hindi eh, heheh" pagdadahilan nya. Tinapos ni Daniah ang pagaayos sa buhok ko. Medyo napagod lang ako sa pagiwas sa mga tao buong araw, kaya nakatulog ako.

"Kuya..gising na, magsstart na oh"

"Hmm.." ungot ko. Pagkabangon ay bumungad si Daniah. Nginitian ko sya saka bumalik sa seryosong mukha. Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala akong maramdaman kundi takot. May kakaunting takot sa puso ko ngayon, at hindi ko alam kung bakit at saan nagmula.

Hindi ko iyon pinahalata sa kapatid ko. Ginulo ko ang buhok nya. Sya ang nagsilbing muse ko papuntang labas dahil sya ang pinahawak ko sa aking braso. Nilingunan ko sya.

"Umuwi ka na baby sis...baka pagalitan ka ni Mommy"

"Mamaya na! I want to see you both Allison! Where's she!"

"She's in History Department little girl" nakangising sagot ni Nath. Kasa-kasama na nito si Shinichi ngayon, at ano itong nakikita ko? Si Heidrion Cavixia ba ang kasama nya ngayon? She's always had a stunning beauty, hindi kami binibigo ng kinakapatid ni Nath sa ganitong mga sinasalihang pageant.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon