MABILIS na lumabas mula sa kusina si Manang Mercy ang matandang nagdala ng pagkain kay Jenifer dahil sa kalabog na narinig niya.
Laking gulat na lang nito nang makita si Jenifer na hawak-hawak ni Alex ang dalawa niyang braso. bakas sa mukha ng dalaga ang takot dahil sa tulala itong nakatitig kay Alex kaya nag-alala ang matanda.
Nang bumaba ang tingin niya sa Paa ng dalaga ay napansin niyang dumudugo ito kaya agad siyang lumapit.
''Dios ko! Iha! anong ginagawa mo? Dumudugo ang paa mo Iha!'' saad ng matanda kay Jenifer. Kabado si Manang Mercy dahil sa nakitang sugat ng dalaga.
Nagbalik sa ulirat si Alex nang marinig niya si Manang Mercy, agad niyang binitawan si Jenifer pero hindi tinanggal ang titig niya dito. Agad na yumuko si Jenifer upang tulungan ang matanda na pulutin ang nabasag na platito at baso.
''Ako na Iha,'' Pigil ng matanda sa kanya.
''No, Ale, I---I will help you,'' sagot nito at sandaling sinulyapan niya si Alex. Pero nahiya ito sa titig ni Alex sa kanya. Kaya agad siyang nag-iwas tingin. Nang hahawakan niya sana ang basag na baso ay di sinasadyang masugatan siya.
''Aw!'' Bulalas niya, agad niyang pinisil ang hintuturo niya.
Dahil sa nakitang dugo ni Alex sa daliri ng dalaga ay agad niya itong hinawakan sa braso at walang pasabing hinila Papunta sa couch si Jenifer. Walang nagawa si Jenifer kundi sumunod lang ito sa kanya.
Pero ramdam niya ang matinding kabog sa dibdib niya.
May kung ano siyang pakiramdam sa paghawak sa kanya ni Alex. She feels like, he met him before. Hindi lang niya alam kung saan at kailan basta pakiramdam niya'y nagkita na at nagkasama na sila dati.
Ramdam na ramdam ni Jenifer ang maninit an palad ng lalaki na nakahawak sa braso niya. Something weird, kakaiba ang temperatura ng lalaking ito, She had been touch and kissed by Jefferson pero hindi niya naramdaman ang init na tulad sa nararamdaman niya ngayon sa hawak pa lang ni Alex.
Agad na hinila ni Jenifer ang kamay niyang hawak ni Alex ng makaupo sila sa couch, dumistansya din ito ng upo dahil sa magkadikit ang katawan nila sa lapit nila sa isa't-isa pero hindi man lang niya nakitaan ng pagka-bother ang lalaki na parang wala lang ito sa kanya.
Alex is treating Jenifer so well na parang kasintahan niya. He cared for Jenifer more than Alona, his long time girlfriend, kahit matagal na nagkasakit si Alona noon. Hindi niya naramdaman ang sobrang pag-aalala like how he feel with Jenifer na kasama niya lang ng isang gabi.
''Give me your hand, I want to check,'' baritonong saad ni Alex.
Pakiramdam ni Jenifer ay biglang na putol ang tali ng buhay niya ng marinig ang sinabi ni Alex.
''Ha--ha?'' nangnginig na sagot ni Jenifer.
bahagyang umiling si Alex at mabilis na hinila ang kamay ni Jenifer, nang makita niya ang hintuturo ng dalaga na may dugo ay agad niya itong pinisil at sinipsip ng walang pakundangan. Matinding kabog ang bumabayo sa dibdib ni Jenifer dahil sa ginawa ni Alex. She can feel the warm tongue of Alex na sumisipsip sa daliri niya.
Mariin pa rin na hinawakan ni Alex ang hintuturo ni Jenifer at hilina ang drawer ng kaharap nilang mesa. Dumukot doon ng band aid si Alex at nilagyan ng band-aid ang hintuturo ni Jenifer.
Pigil hininga si Jenifer sa ginawang iyon ni Alex. pakiramdam niya'y tumalon mula sa katawan niya ang kanyang kaluwawa.
Pinagpawisan din siya ng malapot kahit pa malamig sa loob ng bahay ni Alex.
Tulala siya at hindi na naman makapagsalita. He feel such strange feeling for this man.
''Next time, be careful hindi mo kailangang magtrabaho dito dahil hindi ka katulong,'' turan ni Alex sa dalaga.
Nilingon siya ni Jenifer.
''I--ikaw ba ang nagpa-dukot sa akin?'' maang na tanong ni Jenifer.
YOU ARE READING
FIXING YOU
RomanceAlex Montefalco is known as the strongest lawyer of Montefalco Family. Wala siyang kaso na hindi kayang lusutan, tinuturing siya bilang unbelievable na attorney, malakas, matapang at maasahan sa lahat ng bagay dahil sa talino niyang taglay, maliban...
