XX

11.3K 449 162
                                    


STORME SWEVEN

Napapitlag ako nang bumukas ang pinto nang office ni Mam. Hinintay ko sya dito dahil sinabi nya. Kahit hindi sigurado ay pumunta nalang ako. Choosy pa ba ako, si crush na nagyaya.

"Mam." Sabi ko at tumayo.

"Sit. Wait for me magpapalit lang ako." Sabi nya kaya naupo ako habang nakasunod nang tingin sakanya.

Lumapit sya sa cabinet. Nagulat ako nang bigla nyang alisin ang blouse nya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat nang dugo ko. Oh My Gosh!

No she's wearing brassiere at nakatalikod sa gawi ko pero hindi ko maialis ang mga mata ko sakanya. Damn you pervert! Move! Umiwas ka!

Kase naman! Nangaakit ba sya? Kase damn it naaakit ako! Sino bang hindi kung ganito naman kaganda ang nasa harap mo.

Agad akong napaiwas nang tingin nang bigla syang lumingon sa gawi ko. Gusto ko nang sampalin ang sarili ko sa kahihiyan. Lamunin mo na ako lupa please!

Yumuko nalang ako habang nakapikit. Nakakahiya talaga. Shet lang.

"Let's go?" Biglang sabi ni Mam kaya napatingin ako sakanya. Tapos na pala syang magpalit.

Naka loose white shirt and denim short na sya ngayon. Nagpalit din sya from heels to a comfy shoes. Shet ang ganda!

"Tara na." Sabi nya at hinila na ako patayo kaya nagpatianod nalang ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Wala na ding tao dahil 8pm na nang gabi at tapos na ang event.

"Do you have your car with you?" Tanong nya sakin kaya umiling ako. Kotse kase ni Eiks ang gamit namin kanina nung pumunta kaming school. Pinauna ko na din sila umuwi. Balak ko sanang mag commute nalang.

"Good." Sabi nya at hinila nanaman ako. Tumapat kami sa isang motor. Ducati Multistrada 1260 S Grand Tour, Oh My God!

"Here." Sabi nya habang inaabot sakin yung helmet pero nakatulala lang ako sa motor nya. Ngayon palang ako nakakita nito sa personal.

"Tsk." I heard at nagulat nalang ako nang sya na mismo ang nagsuot sakin nang helmet habang ako ay nakatitig lang sakanya.

"Hop in." Sabi nya at nauna nang sumakay.

"You sure?" Tanong ko dahil ang mahal nyan. Parang nakakahiyang sumakay.

"Why? Wala ka bang tiwala sakin na marunong ako?" Mataray na sabi nya kaya agad akong umiling.

"Nakakahiya lang sumakay. Ang mahal kasi nyan." Alangan na sabi ko sakanya.

"Tss.. Sakay." Sabi nya matapos akong hilahin kaya sumakay nalang ako.

"Hold on tight." Sabi nga bago kinuha ang mga kamay ko at ipinulupot sa bewang nya.

Amoy na amoy ko ang pabango nya. Deym she smells really good. Hindi ko din mapigilang kiligin at mailang at the same time dahil yakap ko sya. Oh My Gosh! Gusto ko nang magtatalon sa kilig.

Sinulit ko nalang ang yakap ko sakanya. Pasimpleng tyansing narin to. Tutal ay sya naman ang nagsabing kumapit ako hehe..

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang condominium building. Nang makarating kami sa parking lot ay tahimik lang akong sumunod kay Mam nang pumasok sya sa loob.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon