Kabanata 22

47.8K 1.1K 202
                                    

Dahil nga nakalimutan ko ang lunch ni Gray, tumawag ako sa cafeteria para magpapanhik ng pagkain nya.

The elevator opened. I went out and walked towards the office to find it locked. The lady is still here?

Umupo na lang ako sa lounge area dito sa office habang hinihintay silang matapos. Nakarating na rin ang pagkain pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila binubuksan ang pinto.

Anong ginagawa nila, nagrorosaryo?

Sa sobrang inip ko at ayoko namang bumaba ulit, napagdesisyunan ko na lang na gumamit ng social media sandali. Ang friend request ni Justin ang bumungad sa akin. Oh! We have the same surname. I accepted his request.

I was scrolling through his profile because Justin really caughts my attention when the door clicked and opened immediately. Doon lumabas ang sopistikadang babae na hindi ko pa rin alam ang pangalan ngayon na dire-diretso ang lakad patungong elevator.

Nang matapat sya sakin, huminto sya saglit at tinignan ako mula ulo hanggang paa at tsaka nagpatuloy para makasakay sa elevator. What is her problem?

Bahala sya sa buhay nya, mukha syang tangang hindi ko naman inaano.

Pumasok na ako ng office na bitbit bitbit ang pagkain ni Gray.

"I'm sorry, Your food was a little bit late. Mukhang busy ka rin naman. Who's that?" pasimple kong tanong.

"Nobody. Don't let people in when they don't have appointments, Aviva." Instead, he answered.

"I didn't have the chance to stop her. Basta na lang syang dumiretso. Sorry ha? Kasalanan ko." pag-irap ko sabay upo sa upuan ko.

I didn't let him speak after that. Sinubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho ko, ganon din sya.

Mga ala-una ng tanghali nang mapagawi ang tingin ko sa kanya at sa pagkain nyang hindi pa nagagalaw. Hindi ko alam kung pag-aalala o pagkainis ang nararamdaman ko ngayon.

"Kahit ayaw mo ng pagkain, ubusin mo pa rin. Pasalamat ka nga at may nakakain ka pa dyan." sabi ko habang busy pa rin sa mga papeles sa lamesa ko. Sa peripheral view ko, nakita ko namang dinampot nya ang pagkain at nagsimulang kumain. Kakain din pala, gusto pang nasasabihan.

-

The day in the office was now over. Oras na ng pag-uwi kaya nandito kami ngayon sa elevator pababa. We both took the private elevator kahit na naiirita ako sa presensya nya para wala nang usapan.

When we were walking in the lobby, someone called my name. Pansin ko lang, parati ko na lang naririnig ang pangalan ko sa lugar na to.

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakitang si Justin iyon kaya napangiti ako.

"Uy! Ikaw pala."

"Yeah. Pauwi ka na? Salamat nga pala sa pag-accept ha?"

"Oo. No problem, lakas mo sa akin eh. Ang galing no? Magka--" naputol ang sinasabi ko nang sumabad si Gray.

"Yes, pauwi na sya kasama ko. So, excuse us at naghihintay na ang mga anak namin sa bahay." mariin nyang saad kay Justin sabay hila sa akin.

Nang makarating kami sa parking lot ay winaksi ko ang pagkakahawak nya sa akin, "Alam mo, sumosobra ka na. Huwag ka namang bastos. Nakakahiya doon sa tao. Act accordingly naman." sumosobra na talaga sya. Mabuti na lang at hindi pala-patol si Justin.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at binagsak ito nang nasa loob na ako. Maya maya pa'y sumunod na sya sa akin sa loob, hindi ko alam kung bakit sya natagalan pero wala ako sa timpla na mag-usisa sa kanya.

The Billionaire's ChildrenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon