“Di ka ba maliligo?” narinig niyang tanong ni Miguel sa kanya.

“Tapos na akong maligo,” aniya. She was reading something on her laptop. “Eto nga o, nagpapatuyo nalang ako ng buhok.”

Nilapitan siya ng nobyo saka tinangkang yakapin. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ang layo na ng pakiramdam niya sa lalake. Dati naman ay siya pa ang yumayakap kapag nami-miss niya ito.

“O, bakit ka ganyan?” Nasa boses ni Miguel ang pagtataka.

“Mag-aalas-dos na ng madaling araw, Miguel,” sagot niya. “Bumalik ka na sa unit mo at matutulog na din ako.”

“Makikitulog nga ako dito,” ani Miguel.

“Hindi puwede, ano ka ba? Marami akong gagawin.”

“Bakit ba ang arte mo ngayon? Hindi ka naman dating ganyan ah?” Hinila siya ni Miguel sa braso at pilit na hinalikan. Nagpumiglas siya.

“Ayoko sabi Miguel, ano ba! Nasasaktan ako!”

Pero tila na-excite pa ang lalake sa ginagawa niyang pagtanggi. Sa halip na bitawan siya ay kinarga pa siya nito at sa isang iglap ay nadala sa kama. Hindi pa nakontento si Miguel, hinila nito ang strap ng suot niyang pantulog kaya't napigtas iyun. Tuluyan nang sinira ng lalake ang suot niya habang tila wala ito sa sariling pinaghahalikan siya.

Pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama niya sa kuwarto ng mga oras na iyun. Isang estranghero at hindi ang lalakeng nakilala niya at minahal. Para itong rapist na nagmamadaling angkinin siya.

Gamit ang lahat ng lakas ay itinulak niya si Miguel at sinipa sa sikmura. Napasigaw ito at napamura. Agad niyang hinagilap ang itinatagong baseball bat na nasa ilalim ng kama.

“Pucha! Anong problema mo?” Sapo ni Miguel ang tiyan nito. Alam niyang malakas ang pagkakasipa niya sa lalake.

“Umalis ka na! Binababoy mo na ako!” Hindi niya namalayan na tumutulo na ang luha niya. Pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa bat. Alam niyang hindi siya mangingiming gamitin yun kung kinakailangan!

“Shit, Trisha! What's wrong with you?”

“Ask yourself, Miguel. What's wrong with you?!”

“Anong tingin mo sa sarili mo, santa?” Galit na kinuha ni Miguel ang mga gamit at umalis.

Sinilip niya ang lalake para masigurong umalis na nga ito. Dali-dali niyang ini-lock ang pinto at hinarangan pa iyun ng couch. Nanginginig siyang umupo saka umiyak ng umiyak.

PAGGISING niya ay alam na niya ang dapat gawin. She called up Christine. Galit na galit ang kaibigan niya nang malaman ang ginawa ni Miguel sa kanya.

Journey of LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя