Special Chapter no. 1

267K 4.7K 2K

Andy's Point of View

Mahirap maging gwapo pag kasama mo ay buntis na babaeng mahal na mahal mo. Ebidensya?

Evidence no.1:

"Beb!"

Nako patay tayo. Sumigaw na naman si Dana! Dali dali kong pinatay yung laptop ko at naglakad ng mabilis papunta sa kwarto namin. Nandun kasi ako sa working room ko. Aba, ako na si Engr. Andrei Louie Guzman! Top 6 sa board exam. Okay lang kahit hindi top1 basta kasama sa top. Sabi sa inyo may karapatan akong magyabang eh! Hahaha!

"Beb, bakit?" tanong ko kay Dana. Six months na kasi siyang buntis kaya kinulong ko sa kwarto. De, joke lang. Bawal kasi siyang gumalaw ng masyado kasi malaki na yung tyan niya. =___= Hindi pala malaki, basta sexy pa din siya. Ayaw kasi na sinasabihan ng malaki. Aba binato ba naman ako ng kawali nung sinabi kong bilog yung shape niya??

"Gusto ko ng ice cream.."

=____=

"Beb.." sabi ko..

"Bakit?"

Napatingin ako sa wallclock, "alas onse ng gabi, ice cream?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "porket buntis na ako tsaka pangit, hindi mo na sinusunod yung gusto ko??"

Haaaaaaaaaaaay. Sabi ko nga bibili ako..

Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya, "si beb naman nagtampo agad. Ano'ng flavor ba?"

"Strawberry. Yung Ben and Jerry's ha?"

"Hindi ba pwedeng selecta na lang?"

>.> Ang sama ng tingin ni Dana shet!

Nangiti na lang ako, "hehehe. Ben and Jerry's nga, beb."

Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas at kinuha yung susi ko at jacket. Ano ba namang buhay to oh! Nagtrabaho maghapon tapos pag uwi isang nagsusungit na Dana ang sumalubong sa akin. Ganito ba talaga pag gwapo?? Hehehe. Joke lang. Mahal ko kaya si Dana kahit mukha siyang bolang laging galit :)

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!