"ayos lang naman nay. Pero masaya sana kung nandito kayo para nararanasan nyo din yung ganito kasayang celebration."

Napabuntong hinga ako. Hindi ko alam kung sa lungkot lang ba talaga ang nararamdaman ko na wala ang pamilya ko dito oh yung lungkot na bigla nalang namuo sa dibdib ko ng walang dahilan.

Naka kita ako sa lobby ng isang mahabang upuan at doon ako umupo.

"pasensya kana anak masyado kasing malayo dyan. Hayaan mo sa susunod babawi ako mag iipon ako ng maraming pera ng makapunta kami dya---- sya anak pa lobat na ang selpon ko tatawag nalang ako uli---"

ano bayan! minsan na nga lang kaming mag usap saglit pa. Haysss.

Mas lalo tuloy akong nalungkot. Medyo matagal narin akong nakatungo ng may humintong isang pares na itim sapatos sa harap ko.

Dahan dahan kong tiningala kung sino at isang Handsome guy ang nakita ko.

" hi?" He said and he sweetly smiled.

"a--ah hellow" nauutal akp nyeta. Iniwas ko ang tingin sa.

"can i sit next to you?"

"a--ah o--oo di ko naman pag aari to eh."

"haha. Cute" tawa nito at umupo sa tabi ko.

nagulat ng bahagyang pag tawa nito. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Ng wala na sya sa harap ko ay don kona ulit binalik ang tingin ko.

"bisita ka diba? sino ang relative mo ngayon lang kasi kita na kita"

"um ano close friend ko ang kambal t--tsaka kakarating ko lang din kasi ng Cavite kaya ganon."

"ah... " pagka sabi nya yon ay katahikan muli ang pumalibot sa amin.

Tinawag na ng Emce Ang 18 dance. Tumayo na yung lalaki sa humarap muli sa akin.

"tara na pumasok na tayo sa loob"

"hindi na ikaw nalang dito nalang muna ako sa labas"

tumango lang ito sa akin at pumasok na sa loob.

Matagal tagal din ako dito sa lobby ng mapag pasyahan ko ng pumasok.

"oh hija saan kaba ng galing kanina kapa hinahanap ni irish tapos na ang main event" tanong ni nay marsya ng maabalik ako sa pwesto namin.

"ah dyan lang po sa lobby nag pahangin" paliwanag ko pero totoo naman.

Maya mayalang ay may nag salita na sa gilid ko.

"geeze where have you been ba Sav. Im looking for kanina pa" - siguradong kung nakaharap ako ngayon sa kanya ay nakanguso ito.

"sorry ..ano.. dyan lang ako sa lab----"

Nagulat ako ng bigla nalang nyang pinulupot ang kamay nya sa braso ko at itinayo ako.

"is it okay. Let's go ipapakilala kita sa friends namin"

Wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito doon ko lang din napansin na nakapag palit narin pala ito. Huminto kami sa mga halos kaedaran namin. Nasa round table silang lahat kasama narin si irohn. Naka tingin ito sa akin pero diko mabasa ang nasa isip nya.

"guyss please we meet you our friend of mine Savanah. She's came from bicol" ang sarap sa pakiramdam na ipakilala nya akong kaibigan sa harap ng mga taong kasing level din ng buhay nya.

"hi im ariana , rish Bff also Irohn girlfriend" nag lahad ito ng kamay sa harap ko at matamis na ngumiti.

inabot ko ang kamay nya at ngumiti rin dito. Hindi nako mag tataka dahil ang ganda nya at gwapo rin irohn kaya bagay talaga sila. Pero may kung anong kumurot sa dibdib ko ng banggitin nyang girlfriend sya ni irohn.

Mga apat na kaibigan pa nya nula ang nakipag shake hand sa akin. hanggang sa may isa ulit tumayo at inilahad ang kamay sa akin.

"hi Eman Natividad. Ikaw yung nasa lobby earlier right".

ahhh sya pala yon. Tumango ako rito aa ngumiti.

"Savanah .You Can call me Sav. Oo ako yun" sabay ako ng kamay nya.

Hindi ko alam pero napatagal yata ang kamay namin sa ere kahit hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong bumitaw.

"ehem baka naman pwede na kayong mag bitaw"

Mabilis kaming nag bawian ng kamay ng pekeng umubo si Irohn.. nakapag palit narin pala sya.

"haha. Panira ka ng moment ng dalawa" sabay halakhak ni ariana at irish kay irohn.

Nakaupo ako sa tabi ni irish at kaharap ko naman si Eman.

Wala na akong naririnig sa mga sinasabi nila basta ang alam ko parehas kaming naka ngiti ni Eman sa isat isa.

he's handsome.

THE PROMISE I HOLDWhere stories live. Discover now