KC's POV

We're stuck. Hanggang ngayon andito parin kami. Hapon na. Kung pwede lang sana wag ng mabuksan yang pintuan na yan, para dito na lang ako..

..Kasama siya.

Si DJ? Eto, nakatulog na sa lap ko. Antok na antok eh. 

Hindi ko akalaing balang araw iiwanan ko rin siya, yung lalaking minahal ko ng sobra, at yung lalaking naging kasangga ko sa lahat ng bagay.

Ang sakit para sakin na iwan ko siya, pero mas masakit para sakin kung lahat silang magbabarkada, iiyak, malulungkot kung sakaling hindi na gumaling si JC.

Hinahawi ko lang yung buhok niya, mamimiss ko talaga 'tong mokong na 'to. Yung mga kulitan, mga harutan. 

Hindi ko na napigilan, naiyak na ako. 

Nagulat na lang ako nung gumalaw siya kaya naman pinunasan ko agad ang mga luha ko. 

*YAAAWN*

 

 

 

"Basa?" Sambit niya, sabay punas dun sa mukha niya. Tinignan naman niya ako. "Umiiyak ka?" 

 

 

"H-ha? Hndi ah."

 

 

 

"Weh?" Lumapit naman siya sakin sabay hawak sa mga mata ko. "Umiyak ka eh, ayan oh, may konting natira." Then pinunasan niya yun.

 

 

"H-hindi.."

 

 

 

"Sus, bakit umiiyak yung baby ko?"

HA? Ano daw? BABY? :O

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!