baGAYto #2: "Unhappy Home"

Magsimula sa umpisa

Isa pa sa kina-iinis ko ay ang sistemang yan, tuwing nandito sila sa sala at hawak ang remote ng T.V wala akong panalo, lage akong nauungusan. Lalo na na si Kuya Harvey na bida bida palage.

Palakad ako nun para tumaas na sana ng biglang may nagsalita. “Andito na pala si K-Pop boy.. May regalo ulit? Swerte mo talaga.. pakilala mo nga ako diyan sa trixy na yan ng maligawan”

Habang may laman ang bibig ay sinasabi niya yun sa akin. Inis ko lang siyang tinignan. Tumungo na ako sa sa kahoy na hagdanan papunta sa taas.

“Andiyan ka na pala, may pagkain na diyan.. Kumain kana”, Sa kusina kase yung daanan patungo dun sa hagdan na magdadala sa akin sa itaas.

Si nanay yun. Nakasalubong ko siya habang dala-dala yung platong may kanin at ulam, panigurado dadalhin nanaman niya yun sa Hari niya sa loob ng kwarto nila.

Wala akong imik, lumapit ako sa lamesa at tinignan kung anu ba yung ulam. Ginataang langka na sardinas ang sahog.

Tumaas na muna ako para magbihis.

Dito sa kwarto ko, ako lang ang bida. Di man kalakihan atleast ako lang naman ang naririto. Kasama ang mga poster ng BTS at ng mukha ni Jin. Meron din ibang K-Pop group thingy dito sa kwarto ko.

Pero litaw parin ang pagkagusto ko kay Jin at sa BTS. Mga larawang ginugupit, mga artikulong nakatago. Sticker’s, mga kung anu anupang kagamitang may kinalaman sa kanila.

Ang karamihan dun ay puro lang donation sa akin ni Trixy, di ko naman kase afford bumili ng ganun. Mas mainam bumili nalang ng KrimStix mabubusog ka na, mapapaimagine ka pa ng maganda.

Pero sa lahat ng koleksyon na yan. Walang tatalo dito sa larawang nakatago sa ilalim ng aking kama.

Bata pa kame nun ng nagkaroon kame pagkakataon na makuhaan ni Tita Vien. Isang nakasimangot na bata na nakatingin sa malayo at isang bata namang puno ng ngiti.

Di ko na maalala yung time na nakuha yung picture na yan, pero alam ko yung nararamdaman ng sarili ko sa mga oras na yan. Masaya ako..

Ninakaw ko lang yan sa photo album nila Tita Vien. Masama man, ginawa ko yun dahil sa sobrang pagkamangha at sa sobrang saya na meron kameng larawan ni Damien na magkatabi.

Di man siya nakangiti. Ayus lang’ magandang ala-ala parin yun sa akin. Sa aking puso na lihim na nagmamahal sa kanya.

Siguro yan ang huling pagkakataon na magdikit kame ng husto. After siguro niyan, waley na.. parang may distansiya na kame sa isat-isa.

Tulad nga ng sinabi ko di ko na ata siya malapitan higit isang metro. Ang punto ko lang naman dun ay may distansiya na kame sa isat-isa.

Parang di kame magkakilala, parang lage ko siyang inaaway, parang kriminal at masamang trao ako lage sa tingin niya.

Anu man ang mangyari.. He’s still the man of my Dream at my Life parin.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!