Chapter 27

590K 8.5K 1.1K

Angel POV

I opened my eyes when I felt my stomach growl. Gutom na ako. Gutom na din ang baby ko sa tiyan ko. I need to wake up and eat something. 

Huminga muna ako ng malalim. Naalala ko 'yung nangyari kagabi. Kaya ko bang harapin si Oliver ngayon? Baka mamaya, sigaw sigawan na naman niya ako at pakitaan ng cold treatment niya. Sensitive pa naman ako dahil sa pagbubuntis ko. Yung parang konting sigaw at galit na ipakita niya sa'ken, parang gusto kong maiyak. 

I sighed. Tumingin ako sa paligid. Kumunot ang noo ko nung mapansing nasa ibang kwarto yata ako--kwarto namin ni Oliver. Sa pagkakatanda ko, dun ako natulog sa dating kwarto na tinutulugan ko. Paano ako napunta dito? Nag-sleep-walk ba ako? Tumingin ako sa tabi ko. Wala si Oliver. Baka pumasok na sa kompanya. Anong oras na din. Parang tirik na nga ang araw. 

Bumangon na ako. Kahit naguguluhan ako kung paano ako napunta sa kwartong ito ay binalewala ko nalang. Nagpunta ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Gutom na talaga ako. 

Pagkababa ko sa hagdan ay parang nag-slow-motion ang paligid. Bumagal ang paglakad ko papuntang kusina nang mapansin ko ang isang bulto ng katawan na abala sa paghahain ng pagkain sa mesa. 

What the...?

"Goodmorning wife. Are you hungry? Come here, let's eat. I cooked these for you." Aniya saka tinanggal ang suot na apron. Lumantad na naman ang topless niyang katawan. 

Ikaw bang makakita ng naka-apron na topless. Seriously? Tapos naka-pajama pants lang siya. But wait, as far as I remember, he's mad at me last night. Anong nangyari? Panaginip lang ba yung kagabi o 'yung ngayon ang panaginip?

Sinampal ko ang pisngi ko. Masakit naman. So hindi ako nananaginip. 

"Fuck! Don't hurt yourself wife. What's wrong?"

Nag-angat ako ng tingin at mukha ni Oliver ang bumungad sa'ken. Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa'ken. Sinisipat niya ang pisngi ko na sinampal ko. 

"Your cheek is red. Fuck. Don't do that again." He said then kissed my cheek. Nabuhay bigla ang dugo ko. 

This is really happening. Galit sya sa'ken kagabi. Nasaktan ako sa mga sinabi niyang masama patungkol sa'ken. Bakit ganito sya ngayon? Parang walang nangyari kagabi. Parang hindi niya ako sinaktan sa mga pinagsasasabi niya. And worst, he's acting weird and sweet today. 

Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya saka napa-atras. I cleared my throat and looked at him. "W-Why are you here? Diba dapat nasa company ka?" Malamig kong sabi saka siya nilampasan na. 

Lumapit ako sa mesa. Bukod sa gutom na talaga ako, ayokong maging mahina na naman sa harap ni Oliver. Sinaktan niya ako kagabi eh. Hindi yun basta basta lang mawawala sa isip ko lalo't nasaktan talaga ako sa mga sinabi nya. Kahit aaminin ko, lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa simple gestures nya ngayon, hindi sapat 'yun para malimutan ko ang nangyari kagabi. 

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon