Chapter Twenty Two

53.4K 733 7

CHAPTER TWENTY TWO

Nandito si Bianca ngayon sa apartment. Kaaalis lang ni Jack nung dumating si Bianca.

"Hoy Zayl, saan ka galing kagabi? Dumaan ako dito kahapon wala ka, tapos bumalik ako ng gabi wala ka pa rin." Tanong ni Bianca pagkakita agad sakin.

Parang nanay kung makapagtanong. Lagot, sipagin sana akong mag- kuwento.

"Pasensiya ka na kung hindi na kita tinext akala ko kasi tatawag ka." Sabi ko.

Kasi nga araw- araw namang tumatawag sakin si Bianca kaya sabi ko sa sarili ko, sasabihin ko na lang sa kanya kung nasaan ako kapag tumawag siya kaso wala naman akong natanggap. Nawala na rin sa isip ko na hinihintay kong tumawag si Bianca kasi naka- focus ako kay Jack.

"Nag- alala ako, tatawagan na sana kita pero hindi na kita tinawagan dahil sabi nung kapitbahay mo, may kasama ka daw lalaki nung umalis. Sa pagkaka- describe naman nung kapitbahay mo eh tingin ko si Jack nga ang kasama mo. Hinayaan ko na lang kayo, kasi alam mo bang tumawag sakin si Jack, sabi makikipag- ayos na daw siya sayo. Sa isip- isip ko magso- sorry na siya tiyak dahil nasaktan ka niya. Hindi ko na siya tinanong ng kung anu- ano basta sabi ko okay." Sabi niya.

Kaya naman pala hindi na siya tumawag, nalaman na niya kung sinong kasama ko. Magsa- salita na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Pero curious ako, bakit sabi nung kapitbahay magdamag daw 'yung kotse sa harapan ng apartment? Nung birthday mo 'yun. Iyon 'yung araw na tumawag sakin si Jack. Kauuwi lang namin nina Mama sa bahay galing dito. Bakit magdamag dito si Jack nung birthday mo at bakit kayo magkasama kagabi? Ha Zayl?" Sabi niya.

At 'yung kapitbahay na 'yun nakakaloka. Paano niya nalamang magdamag 'yung kotse nung kaarawan ko, nagbantay ba siya? Hehe.

"Oo nag- sorry nga siya. He told me na kasinungalingan lang 'yung mga sinabi niyang wala na siyang nararamdaman para sakin at 'yung kaya daw gusto niya akong makuha dahil sa pride niya, na kesyo gusto niya na siya ang makauna sakin. Hindi daw totoo 'yun. Nung una hindi ako naniwala kasi naisip ko baka nako- konsensiya lang siya kasi nasaktan niya ako. Pero hindi daw niya intensyong saktan ako. Ayaw kong maniwala pero sa huli pinatawad ko na rin siya at ngayon okay na kami." Sabi ko. 

Tama na 'yan, ayoko ng pahabain. Hindi ko na naman kailangang i- kuwento lahat ng pinag- usapan namin at ginawa. Hehe.

"So friends na kayo? Eh bakit nga siya magdamag nung birthday mo?" Sabi niya.

Hindi pa ba niya gets?

"Okay. As in kami na ulit." Sabi ko.

Halata ang pagkagulat sa mukha niya.

"What?! So totoo nga ang iniisip ko? Ayaw ko lang tanggapin kasi di ba sabi mo, ayaw mo na. Kasi ayaw mo na siyang paasahin dahil iiwan mo lang naman ulit siya?" Sabi niya.

Lalo tuloy akong na- konsensiya. Sasabihin ko na ba kay Jack na may sakit ako? Para iwan na niya ako at makahanap na siya ng babaeng mamahalin siya at hindi agad iiwan.

"Pero Bianca, hindi ko matalo 'yung nararamdaman ko. Nabigla ako sa pagtatapat niya sa totoong nararamdaman niya para sakin. Sabi ng puso ko, tanggapin ko daw siya ulit." Sabi ko.

"Hindi kaya dapat mo ng sabihin sa kanya ang totoo? May karapatan na siyang malaman ang totoo Zayl." Sabi niya.

Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabihin ko rin naman. Hindi ko lang alam kung kailan at paano.

"Sasabihin ko rin naman Bianca. Humahanap lang ako ng tamang tiyempo." Iyon na lang ang sinabi ko.

"Kelan pa 'yun, kapag isinusugod ka na namin sa hospital?" Sabi niya.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!