Gusto ko lang ipamukha kay papa na hindi basta basta ang pamilya ng babaeng tinutukoy ko.

"Kung ganun, gusto ko siyang makilala." Sabi ni Papa.

Bakit, dahil ba mayaman ito? Tss.

"Ang totoo po niyan, wala rin pong alam ang pamilya niya tungkol samin. Kaya gusto ko po sanang ipaalam namin sa inyong lahat ng harapan." Sabi ko.

"Kung ganun makikilala na rin namin ang mga magulang ng babaeng sinasabi mo iho?" Sabi ni Mama.

"Opo." Sagot ko.

Sa totoo lang, alam kong magagalit na naman sina Papa kapag nalaman nila ang tungkol samin ni Crystal. Pero kapag lalo pa naming pinatagal ni Crystal ang pagtatago, lalo lang din kaming mahihirapan kaya dapat na kaming magtapat sa kanila.

CRYSTAL

"Mom, Dad," sabi ko habang kumakain sa hapag kainan.

Tumingin naman sila sakin.

"Dad, gusto ko po sanang sabihin na, pinatigil ko na si Steve sa panliligaw sakin dahil hindi ko po talaga siya gusto. Magkaibigan lang po kami." Sabi ko.

"Anak, kilalanin mo pa siya, huwag mo munang pangunahan ang nararamdaman mo." Sabi ni Daddy.

"Ang totoo po niyan, may iba na po akong minamahal." Sabi ko at sabay silang napatingin sakin.

"Sino?" Si Mommy.

"Gusto ko po sanang makilala niyo na siya. Ang totoo po niyan, hindi rin po alam ng pamilya niya ang tungkol samin." Sabi ko.

"Ano'ng klaseng lalaki siya? Ni hindi ka man lang naipakilala sa kanila?" Sabi ni Daddy.

"Dad kaya nga po naisip na niyang sabihin na namin sa harapan niyong lahat ang tungkol samin. Nag- set po kami ng date kung kailan niyo sila makikilala." Paliwanag ko.

"Nararapat lang na makilala namin kung anong klaseng pamilya mayroon ang lalaking sinasabi mo." Sabi ni Daddy.

"Mabait po siya at responsable." Sabi ko na lang.

Kung kay James sigurado akong mabuti siyang tao pero ang mga magulang niya, hindi ko pa alam. Natatakot ako. Sana matanggap nila kami. Sana mapatawad ako nina Mommy at Daddy kapag nalaman nilang kasal na ako kay James.

...

JAMES

Nandito na sina Papa at Mama. Sina Crystal na lang ang hinihintay namin.

Nagpahanda ako ng dinner sa isang classic restaurant exclusively for us.

"Malapit na po sila." Sabi ko kina Papa.

Nagtext kasi si Crystal. Maya- maya'y napansin ko na silang palapit sa table habang ako ay nakatayo sa isang tabi at hinihintay sila. Ngayon, nandito na sila. Nakatalikod sina Mama at Papa sa entrance ng restaurant kaya hindi nila namalayan na may papalapit na sa kanila hanggang sa palapit na ng palapit. Kita ko sa mukha ng mga magulang niya ang pagtataka kung bakit ako nandito pero nagpatuloy lang sila hanggang sa makalapit kina Papa kahit alam kong nahuhulaan na nila. Hanggang sa makita na nila ang isa't isa.

Nagulat sila alam ko pero bago pa uminit ang mga ulo nila ay iginiya ko muna para umupo ang mga magulang ni Crystal.

"Ano'ng ibigsabihin nito?" Si Papa.

"Crystal, sila ba ang tinutukoy mo?" Narinig kong tanong ng daddy niya.

"Nakikiusap po sana kaming pakinggan niyo muna ho kami ni James." Sabi ni Crystal.

"James, bakit di mo sinabi samin na-" si Mama.

"Ma, nakikiusap po ako, pakinggan niyo muna kami." Sabi ko.

"Teka hindi ba't fiancee niya si Karren?" Narinig kong sabi ng mommy ni Crystal.

"Mom, hindi po totoo. Wala po talaga silang relasyon ni Karren." Sabi ni Crystal.

Alam kong masasama na ang tingin nila sa isat isa pero nagpapasalamat ako at nakinig na sila.

"Gusto ko pong sabihin na, ako po at si Crystal ay matagal ng magkasintahan. Nagkakilala po kami ni Crystal noon sa isang restaurant hanggang sa nagka- mabutihan, huli na nung malaman naming hindi ho kayo magkakasundo kaya pinili naming itago na lang muna ang relasyon namin." Sabi ko.

"Tama po si James. Patawarin niyo po kami sa paglilihim dahil natakot po kami sa puwedeng mangyari kapag nalaman niyo ang totoo. Hindi po namin alam na lalalim ang pagmamahalan namin ni James kaya po sinasabi na namin sa inyo ngayon dahil mahal na mahal po namin ang isa't isa." Sabi ni Crystal.

Napapansin ko sina Papa na napapailing na lang pero wala na akong pakialam dahil gusto lang naman naming magsabi ng totoo.

"Ang totoo po niyan, kami na po ni Crystal nung malaman kong ipapakasal ako ni Papa sa babaeng hindi ko mahal. Natakot akong mawala sakin si Crystal kaya niyaya ko siyang magpakasal." Sabi ko.

"Pumayag po akong magpakasal sa kanya. Nagpakasal po kami noon sa Paris." Sabi ni Crystal.

Kanya- kanya sila ng reaksyon pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Mag- asawa na po kami ni Crystal." Patuloy ko.

"Kalokohan!" Si Papa na napatayo.

"James alam mo ba ang ginagawa mo? Alam mo namang ayaw namin sa pamilyang 'yan." Si Mama.

"Same here!" Sabi naman ng Mommy ni Crystal.

Iyon lang at nag- walkout na si Papa kasunod si Mama.

"Halikana." Sabi ng daddy ni Crystal sa kanya.

"Dad," sabi ni Crystal.

"Sir, mahal ko po ang anak niyo." Sabi ko.

"Masasaktan lang siya." Sabi ng daddy ni Crystal.

Nung hindi pa rin kumikilos si Crystal ay hinawakan na ng daddy niya ang braso ni Crystal para sumunod ito.

Nakatingin lang si Crystal sakin habang papalayo na siya.

Sh*t!

Tapos na ang pagpapanggap. Tapos na ang kasinungalingan. Tapos na ang pagtatago. Pero isa lang ang ayaw kong matapos, kami ni Crystal. Hindi mangyayari 'yun.

Please Crystal, huwag kang susuko. Lalaban tayo.




MY HIDDEN WIFEWhere stories live. Discover now