"Tss, palagi mo na lang akong kinokontra." Sabi ko na lang.

"I just want you to do what is right." Sabi niya.

"Wow! Ano'ng akala mo sakin bata?" Sabi ko.

Nakakainis na talaga siya. Bakit ba niya ako pinapakialaman!?

Wala kaming imikan hanggang sa maihatid niya ako.

Isang linggo na yatang hindi nagpaparamdam si Steve sakin. Galit ba siya sakin? At bakit naman siya magagalit? Ako nga 'tong naiinis sa kanya eh. Bahala na nga siya!

"Ahhh! Bakit ko ba siya hinahanap?" Sabi ko sa sarili ko habang nagkukulong sa kuwarto ko. Tapos biglang may kumatok.

"Mam, ipinapatawag na po kayo sa baba." Sabi nung maid.

"Sige bababa na." Sabi ko na lang.

Akala ko kakain na, pagbaba ko nagulat na lang ako ng makita si Steve na nakaupo sa sofa habang nakikipag- usap kina Mama't Papa.

"Oh maiwan ko na muna kayo, nandiyan na pala si Karren." Si Papa.

"Iha, heto si Steve at titingnan ko muna 'yung pinapaluto ko sa kusina para makakain na tayo ng lunch." Si Mama.

Hmmp. Lumapit ako sa kanya kasi no choice pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit parang nagagalak akong makita siya kahit naiinis ako? Hay ang gulo ko talaga.

"So ano'ng meron? Bakit ka nandito?" Sabi ko nung makaupo na ako sa tapat niya.

Ayoko kasing mailang sa kanya kaya supladita mode on hehe.

"Tss, hindi mo man lang ba ako na- miss?" Sabi niya.

"At bakit naman kita mami- miss aber?" Sabi ko.

"Kasi, gwapo ako?" Sabi niya.

Yabang porket gwapo nga!

"Tss," sabi ko na lang.

"Puwedeng humingi ng favor?" Sabi niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Mamaya na lang, kapag busog ka na." Nakangiti niyang sagot.

"Halina kayo." Tawag ni Mama samin na galing sa dining.

"Tara na." Yaya sakin ni Steve atsaka tumayo.

Aba't ang kapal ng mukha nangunguna pa talaga? At home na at home talaga!

Bakit ba ganito 'tong lalaki na 'to? Kasura pero nakakatuwa naman na ewan.

JAMES

"Puwede po ba kayong makausap?" Sabi ko kay Papa nung magkasabay kami sa elevator.

Alam kong galit pa rin siya pero kailangan ko na ring sabihin sa kanila ang tungkol samin ni Crystal dahil anu't ano man ang mangyari, ipaglalaban ko siya. Ang mahalaga wala na kaming itinatago.

"Sa bahay. Doon tayo mag- usap." Sabi niya atsaka nagbukas ang elevator at nauna na siyang lumabas.

..

"Gusto ko po sanang ipakilala sa inyo ang babaeng mahal ko." Sabi ko kina Papa at Mama nung magpunta ako sa bahay.

"Iho, saan mo ba ito nakilala?" Si Mama.

"Sa isang seafood restaurant po kami unang nagkakilala. Matagal na po 'yun at matagal na rin po kaming may relasyon." Sabi ko.

"Pasalamat ka hindi binawi ni Fred ang share niya sa kompanya. Ano bang estado sa buhay ng babaeng sinasabi mo?" Sabi ni Papa.

Sa totoo lang, naiinis ako sa tanong ni Papa, bakit ba puro pera na lang ang mahalaga sa kanya?

"Mayaman po ang pamilya nila at nagmamay- ari ng malaking kompanya." Sabi ko pero wala naman akong pakialam kung gaano kayaman sina Crystal.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!