Chapter 24

53.7K 734 7

CHAPTER 24

KARREN

Habang naglalakad sa buhanginan ay bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Akma akong kakalas pero hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.

Ano na naman ba ang trip niya? Tss, bigla- biglang nagiging sweet. Eww, ano bang iniisip ko?!

"Akala ko ba itinapon mo na dito lahat ng mabigat sa dibdib mo, eh bakit parang may naiwan pa?" Sabi niya habang iginigiya ako paupo sa buhanginan at inilapag na niya ang bitbit niyang supot.

"Ano'ng magagawa ko eh bumabalik pa rin sa alaala ko?" Sabi ko habang umuupo.

Ang hirap kayang kalimutan ng ginawa nila sakin.

"Gustuhin ko mang magka- amnesia ka pero hindi na puwede." Sabi niya habang nagbubukas ng isang bote ng sanmig.

Amnesia? Siguro nga, para makalimutan ko lahat ng pananakit nila sakin. Pero sabi niya hindi na daw puwede.

"At bakit hindi puwede?" Tanong ko na lang.

"Kasi babalik na naman ako sa umpisa. Ngayon pang nahuhulog ka na sakin." Sabi niya.

What? Baliw siya! Binatukan ko nga pero parang nakaiwas naman sa kamay ko. Alam na eh.

"Hindi ka na talaga nasanay sakin." Sabi niya.

Puro siya kalokohan. Nilagok ko na lang 'yung laman ng boteng inabot niya.

"Hindi ka ba iinom?" Sabi ko kasi parang ako lang ang umiinom. Ako lang pala talaga.

"Para sayo lang talaga 'yan." Sabi niya.

Okay sinabi niya eh. Lagok. Lagok. Lagok.

"Steve, bakit ang tiyaga mong samahan ako?" Tanong ko ng biglang tumahimik.

"Sa tingin mo?" Sabi niya.

"Ikaw nga 'tong tinatanong ko." Sabi ko.

"Masarap kang asarin." Sabi niya.

Sabi ko na nga ba.

"Obvious naman eh. Kinarir mo na nga ang pang- aasar sakin." Sabi ko.

"Taray mo kasi." Sabi niya.

"Ano?" Sabi ko.

"Wala, sabi ko ang cute cute mo." Sabi niya habang kinukurot ang pisngi ko.

"Ano ba! Kasi naman!" Sabi ko.

Maya- maya'y biglang nag- ring ang cellphone ko.

"Si Mama." Sabi ko sabay sagot sa tawag.

"Ma?" Sabi ko.

"Karren, anong oras na, bakit hindi ka pa inihahatid ni Steve dito sa bahay?" Sabi ni Mama.

Malapit na pala mag- two am?

"Ah pauwe na po, sige po nasa biyahe na po kami." Pagsisinungaling ko.

"Okay sige hihintayin kita." Sabi ni Mama.

"Let's go." Sabi ni Steve pagkababa ko ng cellphone ko.

"Wait lang, hindi pa ako tapos." Sabi ko.

Sayang naman kasi. Isa pa'y hindi pa tumatalab ang iniinom ko.

"Tss, huwag ng matigas ang ulo." Sabi niya at hinila na ako patayo at para naman akong walang lakas kaya nagpadala na lang ako sa pagkakahila niya sakin.

"Badtrip." Sabi ko na lang habang hawak niya ang kamay ko pabalik ng kotse.

"Hindi ko na nga namalayan ang oras, kailangan na pala kitang ihatid sa inyo." Sabi niya.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!