Ngayon lang naalala ulit ni Anael na may speech ang mga ito.

"Dapat sa kaniya ka lang nakatingin at nakikinig..." dagdag nito na mas lalong ipinagtaka ni Anael. Bakit sobrang seryoso ng pananalita nito.

Ano ba ang pinagsasabi ni Lanie?

"Dapat sa gwapo ka lang nakatingin para ma-bless ang mga mata mo. Hindi ka ba nagagwapuhan sa mga hotties na nasa harap natin ngayon? Sayang lang kasi hindi ako mahilig sa mas matanda sa akin." Natatawa nitong dagdag.

Napairap na lang si Anael bago sabunutan ang kaibigan. Naiinis siya rito, kinabahan kasi siya kanina sa mga pinagsasabi nito tapos maririnig niya na lang ang idudugtong nito. Napapadaing na si Lanie sa pagsabunot ni Anael pero dahil sa nanggigil si Anael sa kaibigan, hindi niya pinansin ang pagdaing nito.

"Bwiset ka talaga. Akala ko kung ano na." Aniya bago pakawalan ang buhok ng kaibigan.

Nakanguso namang hinahaplos ni Lanie ang bunbunan nito.

"Pansin ko kasi kanina na masyado kang lutang kaya ayun, pinakaba muna kita." Aniya nang may tawa.

Akmang sasabunutan sana ulit niya ang kaibigan pero umiwas ito. Sakto rin na narinig niya ang anunsyo na tapos na ang pagpapakilala ng bagong may-ari ng unibersidad at oras na ng selebrasyon. Ang akala ni Anael ay mananatili ang mga bisita sa kinatatayuan nito, sa harap nila ngunit bigla na lang naglakad ang mga ito papasok sa unibersidad. Mukhang pupunta ito sa Dean's office.

Napagdesisyunan nila Anael at ng mga kaklase niya na sa loob ng lang ng unibersidad kumain dahil wala na talaga silang mahanap na bakanteng upuan sa garden o pwesto sa open field. May mga tao rin naman sa loob ng unibersidad, lalo na sa mga hallway at cafeteria. Kasalukuyan na nilang tinatahak ang mahabang pasilyo ng unibersidad habang masayang nagkukwentuhan ang lahat. May kaniya kaniya silang topic at ang iba sa mga kaklase ni Anael ay nagkukulitan. Nakikisabay na lang si Anael dahil sa paraan na 'yon ay mawawala ang mga iniisip niya.

Habang naglalakad ay bigla siyang binulungan ni Lanie.

"Anael, samahan mo ako sa restroom." Bulong nito.

Agad naman tumango si Anael.

Hinawakan siya ni Lanie sa braso bago ito magpaalam na mauna na muna ang mga kaklase sa cafeteria. Nang tumango ang mga kaklase ay agad na silang humiwalay ng daan. Nasa kabilang parte kasi ng hallway ang restroom. Katulad ng kanina, nag kukwentuhan silang dalawa habang tinatahak ang daan papunta sa restroom ng unibersidad. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na sila sa restroom, iyon nga lang, marami ang nakapila rito.

"Hintayin na lang nati—" Hindi na natuloy ni Anael ang sinasabi nang putulin ito ni Lanie.

"Girl, di na talaga kaya ng pantog ko." Bulong nito.

Napaisip si Anael. Marami namang restroom sa unibersidad ngunit sigurado si Anael na ang iba rito ay marami rin ang gumagamit lalo na't marami ang estudyante ngayon na nasa unibersidad. Agad na may naalala si Anael.

"Sa may locker area tayo pero medyo malayo iyon, kaya mo ba?"

Medyo napaisip si Lanie ngunit kalaunan ay tumango na lang. Malalaki ang hakbang na ginawa nila at sa bawat hakbang nila ay ang pagkaunti ng mga estudyante na nakakasalubong nila sa pasilyo. Malayo layo rin kasi ang locker area nila sa lugar kung saan ginaganap ang bonfire party nila kaya kakaunti na lang ang estudyante na nakatambay sa tatahakin nila.

Kung kanina ay ingay ng musika at boses ng mga estudyante ang naririnig nila, ngayon ay yabag na lang ng paa ang umaalingaw-ngaw sa pasilyo isama na ang boses nila. Maya-maya rin ay narating na nila ang restroom na malapit lang sa mga locker. Pinasok nila ang kulay tsokolateng pinto at agad rin na pumasok si Lanie sa cubicle habang si Anael naman ay sumandal sa sink. Akmang haharap sana si Anael sa salamin para ayusin ang sarili nang bigla siyang tawagin ng kaibigan.

"Anael, nakalimutan kong magdala ng tissue." Aniya Lanie.

Agad naman na um-oo si Anael atsaka lumabas sa restroom para kumuha ng tissue sa machine na nasa pagitan lang ng restroom ng babae at lalaki. Mabuti na nga lang at may barya pa si Anael kaya makakabili pa siya ng tissue para sa kaibigan. Inilagay na inilagay ni Anael ang five pesos bago ikutin ang swtich nito ngunit kumunot ang noo niya nang hindi nito ilaglag ang tissue. Alam na niya kung ano ang susunod niyang gagawin. Bahagya niya itong hinampas ngunit hindi talaga nito inilaglag ang kinakailangan niya. Napasabunot si Anael sa sarili. Akmang hahampasin na niya sana ito nang malakas nang makarinig siya ng ingay sa pasilyo. Tila ba may nagbukas ng locker door.

Napalunok si Anael bago tingnan kung saan nang galing ang ingay na iyon. Doon niya nakita ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan ng isang locker. Hindi na sana pagtutuunan ng pansin ni Anael ang lalaki na iyon dahil baka may kinuha lang ito sa locker nito ngunit napatigil din siya sa naisip nang mapansin na tila pamilya ang bulto at suot nito.

Tuluyan ng hinarap ni Anael ang lalaki, maliliit na hakbang din ang ginawa niya. May kalayuan ito kaya hindi pa nasisigurado ni Anael kung tama ba ang hinala niya. Hindi pa nakakalahati ni Anael ang pagitan nila nang mapansin niya kung saan ito nakatayo. Anael was shocked when he saw him standing in front of her locker. It is her locker! Namutla si Anael nang mapansin na may inilagay ito sa locker niya. Dahil sa pagkalito at kaba ay hindi na nagawang tawirin ni Anael ang pagitan nila, hindi na niya nagawang kompirmahin kung tama ang hinala niya na ang lalaki na 'yon ay si...

Napabalik si Anael sa sarili nang marinig ang pagsara ng locker door niya at ang yabag nito na papalayo sa kaniya. Napako lang siya sa kinatatayuan, kinakabahan, at naguguluhan. Ano ang inilagay nito sa locker niya? Sigurado siya nakilala niya ang pamilyar na bulto na iyon! Ang bulto at ang suot ng lalaking iyon ay katulad ng kay... Primus.

Lakas loob na tinakbo ni Anael ang pwesto ng locker niya. Naalala niya ang nangyari noong nakaraan, ang sulat na nakuha niya sa locker niya. Mariing ipinikit ni Anael ang mga mata, madiin din ang pagkagat nito sa labi. Nang maipon ang tapang ay agad na binuksan ni Anael ang papel. Mas lalo siyang nanghina nang makita ang isang piraso ng kulay pulang rosas na nakapatong sa mga libro niya. Sa ilalim ng rosas ay ang isang maliit na papel.

Nanginginig ang mga kamay ni Anael nang kuhanin niya ang rosas at ang papel. Nasugatan pa ang dalir niya nang mahawakan ang tinik ng rosas, nabahiran tuloy ng dugo ang papel. She tried to calm herself before she decided to read the letter.

Dumiin ang pagkaka-kagat ni Anael sa kaniyang labi nang tuluyang Mabasa kung ano ang nakasulat sa papel.

Why aren't you looking at me?

You should only divert your eyes on me, only me!

Inaasahan ko na hindi na mauulit ang ginawa mo.

Keep that in mind, Anael.

Napasinghap si Anael nang may biglang humawak sa balikat niya. Nanghina ang mga tuhod niya sa gulat, dahilan para mapa-upo siya habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Binubundol ng kaba ang dibdib niya hindi dahil sa humawak sa balikat niya, kundi sa takot at pagkabahala. Nakatulala siya sa sahig bago humigpit ang pagkakahawak sa papel at rosas. Nang dahil sa ginawa niya ay bumaon ang mga tinik ng rosas sa palad niya. Hindi niya ininda ang sakit nito, mas ramdam pa niya ang takot na unti-unti ng lumalamon sa kaniya.

Inangat ni Anael ang tingin sa tao na humawak sa balikat niya, si Lanie. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala lalo na nang makitang duguan ang kamay nito. Hindi na narinig ni Anael kung ano ang sinabi ng kaibigan. Inalalayan siya ni Lanie na makatayo. Anael threw the rose and the paper on the ground, drops of blood splattered on the ground.

"Uuwi na ako, Lanie. Iuwi mo na ako." Aniya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mata. 

Chained to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon