"From now on, Odette will be your personal nurse which means that she'll be with you to assist, check your standings and clean your wounds. She'll be with you until you recover. Or it's better if you'll admit yourself in the hospital," malamig na sabi ni Papa habang nakatingin nang matilim kay Kalas.

"I don't need a fvcking nurse. I don't need a slut like her. I know how to treat my wounds besides Rafflesia is here. Just give me time to stay here then I'll leave this house and I assure that I will repay your generosity because you let me stay in your place and for saving my life yesterday," walang gana nitong sabi.

Iyon na ata ang pinakamahabang sinabi niya tapos parang napilitan niya lang 'yong sinabi. At may halong sarkastiko pa.

"Watch your filthy mouth Russo. Odette's still a woman. Don't insult anyone in my house just because you don't like them. And I don't fvcking care about your preferences. And mind you, I will not let my daughter be with you after you revealed your true colors in front of me."

"This is the last time you'll step in my fvcking house. Odette, call the hospital and send the ambulance here. I don't want to see this drastic man ever again. And you, Rafflesia go back to your room."

Nataranta naman akong naglakad papunta kay Papa. Hinawakan ko naman ito sa kamay at tumingin ng nakakaawa sa kanya.

"Papá huwag niyo naman po 'yong gawin. Baka po may mangyaring masama sa kanya kapag hinayaan natin siya sa hospital. Baka po balikan siya ng mga bumaril sa kanya. Pa, hindi po kaya ng konsensiya ko. Hayaan niyo na muna siya dito tsaka po ako na lang po ang mag-aalaga sa kanya."

"May alam naman po ako sa paggagamot dahil tinuruan niyo rin naman po ako dati. Wala naman po akong gagawin dahil pinagpahinga po muna ako ni Mother Superior ng ilang linggo. Hindi naman po gano'n kasama si Kalas, Papa. Alam ko pong mabuti po siyang tao."

Halos hingalin na ako dahil sa sobrang bilis ko iyong binigkas. Ngunit sarado na ang isip ni papa dahil nanatiling matigas ang ekspresyon nito na tila sinasabi na hindi na magbabago ang isip niya.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo ha, Rafflesia? Mabuting tao? Bakit kilala mo na ba 'yang lalaking 'yan? Magkakilala na ba kayo ng lalaking 'yan kaya ganyan na lang ang titig niya sa 'yo simula pa kanina? Alam mong ayaw na ayaw ko ang may lumalapit sa 'yong lalaki, Rafflesia," mariin nitong sabi sa 'kin.

Sasagot na sana ako nang may pabarag na bumukas ng pinto at bumungad sa 'min ang nagaalburutong mukha ni Mama.

"Anong kaguluhan to, Marco? Umalis lang ako saglit ay parang may gyera na sa pamamahay na 'to. Anong nangyayari dito, Rafflesia? At sino naman 'tong babaeng to?" taas kilay na saad ni Mama.

"Ano pang ginagawa mo dito hija? Maaari bang bigyan mo kami ng privacy dahil usapang pamilya 'to." Napailing na lang ako sa pagtataray ni Mama kay Odette.

Ganiyan talaga si Mama kapag hindi maganda ang araw niya. Nahihiya namang umalis si Odette sa kwarto kaya agad kaming binalingan ng tingin ni Mama.

"Oh, Gising kana pala ulit Mr. Russo. Nagising kaba dahil sa ingay ng mag-ama ko? Pasensya kana ha. At kayo namang dalawa. Bakit dito pa kayo nagaaway? Alam niyo namang may pasyente dito, kung hindi ba naman kayo mga nagiisip."

"Tsk. 'Yan lang namang lalaking 'yan ang dahilan kung bakit nagkakagulo dito sa bahay Karen. Kaya nga dapat ay paalisin na 'yan," galit na sabi ni Papa habang dinuduro si Kalas na parang walang pakialam sa kaguluhan ngayon.

Nakita ko pa itong humihikab kaya natawa ako ng palihim.

"Aba! Nakakahiya sa bisita ang pinapakita mong ugali, Marco. Para kang bata kung mag-isip. Gamitin mo nga yang kokote mo ha. Papaalisin mo 'yan dito eh natamaan na nga ng bala 'yong tao. Wala ka bang puso, Marco?" madramang sabi ni Mama.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt