Kabanata 19

27.3K 787 242
                                    

Maaga akong nagising dahil mamaya ay tutulak na kami patungong Maynila.

Balak kong bisitahin si Jesse dahil balita ko ay narito pa rin sya sa probinsya. Gusto ko lang ilabas ang halo halo kong emosyon at alam kong magagawa ko iyon sa kaibigan ko.

"Hi!" I smilingly entered the cafe.

"Avi!" mula sa pagkakayuko nya sa lamesa ay napatayo sya sa gulat. Well, I didn't informed him na pupunta ako dito.

"Are you busy?"

"I'm always free when it comes to you, Av."

"Echosero ka talaga. Pero, can we go to our favorite place when we're young? I just want to let things out and I know you're the person that I could talk to with what's going on in my head."

"Of course, always." he said. Ibinigay nya sa akin ang susi ng sasakyan nya at sinabing i-start ko na raw ang kotse at susunod na lang daw sya which I obliged.

Paglabas nya ng cafe ay may bitbit bitbit na syang dalawang kape.

"Let's go?" pinagbuksan nya pa ako ng pinto at tsaka sya dumiretso sa driver's seat.

"Ang user ko naman. Paglalabasan na nga kita ng nararamdaman ko, may libre pang kape." I joked that he reciprocated with a smile.

"Sus, ikaw pa ba. Malakas ka sa akin eh."

Maya maya pa ay narating na namin ang daan patungo sa pupuntahan namin. Mula sa national road ay may lalakarin pa para makapunta sa tabing ilog na parati naming tinatambayan noong mga bata pa lang kami.

"Doon tayo kina Mang Ambo maki-park para alam nating hindi mapapapaano ang sasakyan mo." Sabi ko na sinunod naman nya.

"Magandang umaga, Mang Ambo." I greeted the man in his late 60s.

"Avi? Jesse? Kayo ba iyan?"

"Opo, Mang Ambo. kami nga ho." Jesse replied.

"Aba'y bagay na bagay talaga kayo! Sabi na nga ba't kayo ang magkakatuluyan eh."

"Ah, hindi po. Kayo po talaga Mang Ambo." Ang mga matatanda talaga, masyadong ma-issue.

"Makikipark lang po sana kami dahil pupunta po kami sa ilog, Mang Ambo." si Jesse na ang nagsabi ng pakay namin.

"Walang problema. Ako na ang bahala sa sasakyan nyo. Pasensya na, akala ko talaga ay kayo dahil bagay na bagay talaga kayo." hinayaan na lang namin ang akala ni Mang Ambo at naglakad na papunta sa tabing ilog.

"Hindi talaga natin maiiwasan ang mga pagbabago no?" I started a conversation habang naglalakad kami.

"Hmn?"

"Dati, hirap na hirap pa tayo sa pagpunta sa tabing ilog sa dami ng mga matataas na damo at mga ligaw na hayop. Ngayon, madali na lang ang paglalakad natin. Sa tagal ng panahon, nagkaroon rin kaya ng pagbabago ang tabing ilog na madalas nating tambayan noon?"

"Hindi talaga natin maiiwasan, katulad na lang ng feelings na mas lumalala." bulong niya na hindi ko naman naintindihan.

"Ha?" paghinto ko sa paglalakad.

"Ang sabi ko, ayan na ang tabing ilog. Ikaw na ang humusga kung may pagbabago ba." nilingon ko naman ang direksyon ng pagturo nya at nakita ang ganda ng tabing ilog na halos walang ipinagbago.

"Halos walang ipinagbago." I said in amazement.

"Well, there are things that stay, Av." he said beside me. He sat under the mango tree na naroon pa rin ngayon na may malagong bunga.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now