Chapter 1

360 12 2
                                    

Isabella's POV

Tumakbo ako palabas ng kwarto at kaagad na sumakay sa elevator.

Ang sakit sakit! Paano nila nagawa sakin yun, ano bang ginawa ko sa kanila? Yung taong pinagkatiwalaan ko, yung taong tinuring kong pamilya sila pa pala ang magwawasak sakin.

Naglakad ako palabas ng elevator nang makasalubong si Kuya Jake, sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap. "What happen to you? Saan ka galing?"

"I want to go home. Ayoko na dito Kuya." Umiiyak na sabi ko.

"Let's go home." Inalalayan niya akong maglakad papunta sa sasakyan.

Hindi ako nagsalita sa buong byahe, tumutulo lang ang luha ko habang iniisip kung ano ang ginagawa nila.

Sabi niya next week pa ang uwi niya, hindi ko tuloy maiwasang isipin na lahat ba ng mga sinasabi niya sakin noon ay isa lamang kasinungalingan. Isa lang itong laro para magawa nila ang gusto nila.

Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. "Magpapahinga na ako."

"No! We need to talk. What happen to you? Buong byahe kang ganyan. Nag-away na naman ba kayo ni Gab?"

Lalo akong napahagulgol sa tanong niya. Sana nga nag-away nalang kami eh.

"Bell. Ano ba ang nangyayari sayo?" This time lumapit na siya sakin.

"Gabriel is cheating on me." Nagulat ito sa sinabi ko. "With my bestfriend Emma."

Nagsimula naring tumulo ang luha niya. "Hindi nila magagawa sayo yun."

"Kitang kita ng dalawa kong mata Kuya. Ano bang nagawa ko sa kanila? Bakit nila ako niloko. Sila ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko, pinagka-isahan nila ako. Ginawa nila akong tanga."

Yumakap ito sakin. "Nothings wrong  with you, sila ang may problema."

"Nagmahal lang naman ako eh. Bakit ganito?" Iyak lang ako ng iyak hanggang sa  makatulog. Hindi ko na alam kung paano ako nakaakyat sa kwarto ko.

----------

Nagising ako na namamaga ang mata ko, iniisip ko na sana isa nalang yong panaginip pero hindi.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako para mag-almusal.

Inubos ko na ang lahat ng luha ko kagabi, tama na yun dahil kahit umiyak pa ako ng dugo, hindi ko na mababago ang nangyari. Kailangan kong tanggapin na niloko ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko.

"Goodmorning." Bati ko kay Kuya.

"Goodmorning." Lumunok ito. "Kamusta ka?"

Huminga ako ng malalim at hindi nagsalita. Sympre hindi ako okay at never ako magiging okay sa ginawa nila.

Umupo ako sa tabi niya at nagsandok ng pagkain. "Makipagbreak ka na kay Gabriel, iwasan mo narin si Emma. Kung gusto mong magbakasyon, ako na ang bahala sabihin mo lang."

"Hindi ako makikipagbreak kay Gab, hindi ko rin iiwasan si Emma. Kung nagawa nila akong lokohin, edi maglolokohan kami. Gusto kong maramdaman nila yung sakit na dinulot nila sakin."

"Bahala ka, basta nandito lang ako. I will support you." Humawak ito sa kamay ko.

Si Kuya Jake talaga ang taong hindi ako iniwan, sadyang nawala lang ako ng landas dahil palagi itong busy sa trabaho. Oo close kami ng kapatid ko pero hindi kasing close ng pagkakaibigan namin ni Emma at Gab noon.

Nakakatawang isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo, taong naging parte ng buhay mo mula noon at hanggang ngayon. Sila pa ang papatay at wawasak sayo.

Naiisip kaya nila ako habang gumagawa sila ng milagro, naaalala ba nila ang lahat ng pinagsamahan namin.

Torn Between Two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon