Umirap sa kawalan si Saturn. "Bakit sa'min?"

Nagkatinginan kaming lahat. Alam kong curious din sila sa hitsura ng bahay ni Saturn. I've been in his condo but it's different from home. But the fact that they haven't mention Saturn's condo means they don't know anything about it.

"Bakit hindi?" sabi ni Wesley.

Saturn sigh. "Alright. Ipanalangin niyo na lang na wala roon ang parents ko."

Sabay-sabay kaming napangiti nang pumayag siya.

Nagsibalik na sila sa kani-kanilang upuan nang dumating na ang aming teacher. Buong araw kaming nag-exam sa iba't-ibang klase. Pakiramdam ko'y naubos na ang brain cells ko sa sobrang hirap. Mabuti na lang nakapagreview ako sa bahay.

"Gosh! Ang haggard ko na!" sigaw ni Xander nang matapos kami sa huling exam.

Napatawa na lang kami sa kanyang sinabi.

Para kaming nabunutan ng tinik nang matapos ang first day ng exam. May second at third day pa. Mabuti na lang naisip ni Wesley na maggroup study kami.

Kaagad akong nilapitan ni Saturn. Inilahad niya ang kanyang kamay.

Kunot-noo akong napatingin dito. "What?"

Napansin ko ang pamumula ng kanyang tainga nang tumingala ako sa kanya.

"Your bag. I'll bring it for you."

Matagal akong tumitig sa kanya hanggang sa napatawa na ako nang tuluyan. "Hindi mo naman ako kailangang ipagdala ng bag."

Pinitik niya ang aking noo. "I just thought that girls like it when their suitor do it for them."

"Well, I'm not one of those girls." I smirked.

"Right. Tomboy ka nga pala." Tumawa siya.

Sinipa ko ang legs niya pero hindi man lang siya natinag. "Hindi ako tomboy!"

Tinawanan niya akong muli. Inakbayan niya ako at dinala na palabas ng room kung saan naghihintay na ang buong barkada.

"Ano? Naglandian muna?" Inirapan kami ni Xander.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran. "Huwag kang bitter diyan, Xander. Nandiyan naman si Alliya."

Nagbeautiful eyes sa kanya si Alliya samantalang si Xander ay umakto na parang nasusuka.

Natapos ang kulitan nang makarating kami sa parking lot. Sumabay sina Xander at Alliya sa'min samantalang magkakasabay naman sina Jonas, Shellie at Wesley.

Maingay ang naging biyahe namin dahil kina Xander at Alliya. Si Alliya ay nagpapacute kay Xander samantalang si Xander naman ay diring-diri.

Pagkadating namin sa isang sikat na subdivision ay kaagad naming napansin ang malaking bahay pagkapasok dito.

Bumukas ang itim na gate. Sumalubong naman sa amin ang mga rose hedges sa tabi ng kalsada na ang dulo ay ang mismong bahay. May malaking fountain sa gitna nito.

Ipinarada ni Saturn ang kanyang kotse. May lumapit sa'ming lalake na nakasuot ng puting polo. Ibinigay ni Saturn ang kanyang susi rito.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon