Monster ♂ Chapter 29

Saturn's POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. She just confessed her feelings and I don’t know why my heart begins to race. There’s something urging me to kiss her, to make her mine, and to cherish her. Umiiyak siya at hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood siyang umiyak nang dahil sa akin.

My mind says ‘How about Kath?’ but my heart says ‘You know to yourself that you already love Chloe.’.

Naramdaman ko itong kakaibang feeling simula noong dinala ko siya sa private resort ko. Sasabihin ko na sana sa kanya ang nararamdaman ko tungo sa kanya pero bigla namang dumating si Kath. Doon na nagtalo ang mga nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa pero sa panahon na iyon ay si Kath ang pinili ko. Nalimutan ko kaagad ang mga ginawa niya sa akin noon at tinanggap siyang muli. But Rick came into picture. Naiinis ako kapag magkasama sila ni Chloe at hindi ako. It felt like there’s something stabbing my heart when I saw them together. I can’t stand seeing Chloe laughing her heart out with Rick. I’m being possessive. Gusto ko ay ako lamang ang nakakakita ng iba’t-ibang side ni Chloe. Gusto ko ay ako lamang ang nagpapasaya sa kanya.

Hindi ko ma-measure kung gaano ako nagselos nung nakita ko si Rick at Chloe na magkasama at pinakilala pa niya ito kina Tito at Tita. Doon ko naisip na hindi ko kayang mawala si Chloe. Paano na lang kapag naging sila ni Rick? I thought of all the possibilities and I can’t handle it.  

Habang tumatagal na hindi ko nakakasama si Chloe ay mas lalong nagiging weird ang nararamdaman ko. Akala ko ay mawawala iyon kapag itinuon ko ang atensyon ko kay Kath pero nagkamali ako. Hindi ko na nga masyadong naiintindi si Kath. Even though my body was with her, my mind was with Chloe. 

And tonight I realized how I've fallen for her.

Kung alam ko lang na nasa powder room siya at makikita niya kami ni Kath na naghahalikan, mabilis ko na sanang pinigilan si Kath. Hindi naman kasi ako ang nanghalik kay Kath. Dinala ko siya doon para sabihin sa kanyang itigil na namin ang relasyon namin dahil hindi na naman ito nagwo-work. Kahit anong gawin kong paraan para maging masaya kasama siya ay hindi na maiibalik ang dati. Ayoko siyang mas masaktan dahil kahit papaano ay importante pa rin siya sa akin.

Sinabi ko kay Kath na si Chloe ang gusto ko pero bigla na lang niya akong hinalikan. Napansin ko na lang na may nakatingin sa amin kaya kaagad akong lumayo sa kanya. Nagulat pa ako nang makita si Chloe na nakatayo sa may pinto ng powder room.

Medyo nasaktan pa ako ‘nun dahil parang wala lang sa kanya ang nakita niya pero nagawa ko pa din siyang habulin. Alam ko na ng time na ‘yun na umiyak siya dahil napansin ko iyon sa mga mata niya kaya naman gusto ko siyang kausapin.

Tamang-tama lang talaga ang palayaw na ibinigay niya sa akin – Monster. Monster nga yata talaga ako. Hindi ko man lang napansin ang feelings niya para sa akin. Sinaktan ko ang kagaya ni Chloe. Ang tanga-tanga ko.

Pero sa oras na ito ako na ang pinakamasayang tao sa lahat. With my lips on hers, wala na akong hihilingin pa. I love her so much. Bakit ngayon ko lang na-realize?

Uminit ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Tinugon niya ang bawat halik na ibinibigay ko sa kanya hanggang sa lumalim na ito. With trembling hands, I unzipped her dress and lay her down on the soft grass. I hovered on top of her and my kisses go down to her neck. But then I stopped. Mali ito. We can’t go any further.

I saw confussion in her eyes when I drew back. Ibinangon ko siya at muling isinara ang zipper ng dress niya. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!