*

"Hahaha!Talaga Mahal mo si..si amber?

Medyo Dizzy na ang boses ko..

Yap! nagiinuman kaming dalawa ni Dominic ngayon dito. wala naman kasi kaming magawa eh so mag-iinuman na lang kami.

"Uhg!Ye-yeah. I love him so much..NapakaGAGO ko lang kasi ang hina-hina ko"-Dominic

"GAGO ka talaga Dominic"

"Hahaha! you know what ikaw lang ang nakakagawa sa akin niyan"-Dominic

"Bakit hindi ko gagawin dapat lang na sabihin ko sayo na isa kang malaking COWARD!"

"Tama ka, isa nga akong coward natakot akong mawala sa akin ang lahat ng nakalakihan ko, engage na kami ni Nicole at alam ng Dad ko na may Girlfriend ako at si amber yun. Mahal ko si amber at tutol akong paghiwalayin kami. pero tinakot ako, na  kapag hindi ko siya hiniwalayan. mapapahamak siya at ayokong mangyari yun" -Dominic

Bigla naman siyang tumingin sa akin.

"..Ikaw ba Rex, Tatanungin kita kung ang buhay ba ng mahal mo ang nakataya sa pagrerebelde mo itutuloy mo pa ba o hihiwalayin mo na lang siya para hindi siya masaktan?"-Dominic

"Tss. Pero nasaktan mo na siya"

"Yeah Right Rex, Nasaktan ko siya ng lubos pero sa tingin mo ba ako ba hindi din nasaktang ng lubos, sobra-sobra ang sakit lagi ko siyang naaalala, laging kung naaalala ang mga pangako namin sa isa't-isa, lagi kung naaalala ang maganda niyang mukha at lagi-"Dominic

"TAMA NA!!!!"

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Bakit mo sa akin yan sinasabi dominic?!!!"

"Dahil alam kung ikaw lang ang makakaintindi sa akin Rex!!!"-Dominic

"Hindi ako si amber!!!"

"Pero ikaw ang kaibigan niya!!!"-Dominic

Natahimik naman ako..

"Mahal ko ang kaibigan mo...Mahal..ko ..si..am~ber"-Dominic

Napatingin naman ako sa kanya at nakatulog na pala siya sa sofa..

Inalalayan ko na siyang tumayo..

*BRUPPP*

(O__O)

"HOLY SHIT!"

Nagising naman siya..

"OH SORIYY!"

At nakatulog ulit..

Langya naman! Kung alam ko lang na susuka siya hindi ko na sana siya binuhat pa..ibinaba ko ulit siya , 

"Yuck! ang baho!" reklamo ko

Kumuha ako ng balde at nilagyan ko ng maligamgam na tubig at nilagyan din ng alcohol, ganun kasi ang...(_//_) ganun kasi ang ginawa niya sa akin nung time na nalasing din ako.

*Kwarto

Umupo ako sa gilid niya at pinunasan siya ..Napatingin naman ako sa damit niya..

Gsh!Hindi ko yata kaya...makikita ko ang abs niya..may abs nga ba?

(0//0) Waaaaaaaaah! bakit ko ba iniisip kung may abs ba siya o wala.. Takte naman oh!

Dahan-Dahan kung inangat ang damit niya..syempre nakapikit lang ako.. mamaya may CCTV dito sabihin pinagnanasahan ko ang kumag na to.Hanggang sa natanggal ko na ang damit niya..

(*Q*) MAY ABS..ABS! ABSULUTELY!!

Binihisan ko na siya kaagad at baka kung ano pang kaharasan ang magawa ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman ako nung natapos ko na siyang bihisan. tumalikod ako sa kanya at napaisip, naisip ko ang mga sinabi niya. na kung hindi niya ako hiniwalayan nun. mapapahamak ako .. 

"Kaya ba may mga Death note akong natatanggap araw-araw kung hindi sa locker ko sa gate namin"

"Mahal..Kita amber"

Napatingin naman ako sa kanya..

at Unti-unti kung itinapat sa kanya ang mukha ko..Hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi...

"Sorry Dominic"

And the tears Down fall..

To Be Continue

___________________

The Revenge of Boy Next DoorBasahin ang storyang ito ng LIBRE!