Chapter 11

1.1K 101 35
                                    

CHAPTER 11

"Ahhh!"

"Mr Park! May problema po ba?"

"He's here again!"

"Kumalma po kayo, nag-iilusyon ka lang."

"No! Nandito siya! I saw him! Please, paalisin niyo siya dito!"

"Hush now, Mr Park. Wala po kayong nakikita, walang ibang tao ang nandito."

"Pero nandito siya! Nakita ko siya! Suot suot niya ang uniform namin, matamlay at maputla, duguan ang mukha habang tinuturo niya ako. Miss, paalisin niyo siya dito, I don't want to see him!"

"Mr Park, calm down."

"H-Hindi---"

"Marami pa po akong ginagawa sa lobby, I can't stay here, I'll leave you after this."

"N-No, Miss, please, I'm scared."

"Mr Park, mapipilitan akong turukan ka nito kung hindi ka titigil. You may have this disorder but please put in your mind that Byun Baekhyun is dead."

"No! He's standing right behind that door!"

I tried calming my self when I woke up, pinagpawisan ako sa panaginip ko at agad na napalingon sa pinto, pero wala naman akong nakita.

It's dark again and my digital clock says it's three in the morning, may bituin sa kalangitan pero madilim parin. I tried moving but I can't---naramdaman kong nakagapos ang magkabilang paa ko sa dulo ng kama ko. Agad ko itong hinawakan at malamig na posas ang naramdaman ko. They did it again, they're doing it again.

I was free for about several minutes yesterday pero ngayon ay nakaposas na ulit ako, fortunately, my hands are still free.

Lumapit ako ng konti sa bintana at binuksan ang salamin nito, malamig na hangin ang sumalubong sa akin, I tried reaching out my hand but I failed, may rehas kasi ito at hindi kasya ang buong braso ko.

"Miss! Miss!"

Nakarinig na naman ako ng kalampag pero hindi ko 'yun pinansin. Maya maya ay pumasok na naman 'yung babaeng nakaputi, like the usual routine, pinainom niya na naman sa akin ang mga gamot ko.

"Continue ..."

"H-Ha?"

"Hindi mo nasabi ang gusto mong sabihin sa akin kahapon, Miss, you should continue on telling me ..." I leaned closer to her but she kept on stepping backward to avoid my intimidating looks.

"I-I forgot, nawala na sa isip ko 'yung sasabihin ko, Mr Park." I bit my lips and tried to look into her eyes but she looked away, again. "Can I leave?"

Wala na naman ba akong makukuha sa kanya?

"Kung maalala mo man, sabihin mo sa akin." I pleaded her but she kept on refusing me. "Please ..." Hinawakan ko ang kamay niya, pahigpit nang pahigpit kaya umiiling na siya habang pilit na kumakawala.

Napabitiw ako sa kamay niya nang mapansing dumugo ito---I was shocked, dahil ba sa higpit ng pagkakahawak ko?

Agad niyang tinakpan ang kamay niyang dumugo at umiiling na tinitignan ako. Her arm and hand were pale, sa sobrang puti ay parang wala ng dugo---kaunting dugo lang naman ang lumabas sa kanya pero sobrang putla na niya.

"I-I'm sorry ..." Agad kong sinabi.

She grabbed a cotton and wipped off her blood, nakita kong nanginginig ang mata niya habang pinupunasan ang dugo.

"I'm sorry, Miss, hindi ko alam na manipis 'yang balat mo---"

"O-Okay lang, sanay naman na ako."

I was stunned upon hearing those words, my brows furrowed but I manage to say something. "S-Sanay na saan? Lagi ka bang nasusugatan dahil sa manipis mong balat?"

Dali dali niyang kuniha ang tray at humakbang papunta sa pinto paatras, she shrugged. "Sa sobrang sakit, sanay na ako. Na-immune na ako sa sobrang sakit, Chanyeol."

And that was the first time she called me with my name and it felt weird.

The HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon