Chapter 30. Visitors Part 2

Magsimula sa umpisa

Makalipas ang sampung minuto...

"So... How's Paris?" si King ang nagsalita.

Inilapag ko ang tray sa coffee table.

"Great! You can come visit anytime, I will show you all the beautiful streets of Paris."

Mukha namang nag-eenjoy sa pakikipag-usap si King habang tahimik lang si Cheese.

Umupo ako sa tabi ni King habang nakaupo sa dalawang pang-isahang sofa ang dalawa.

"Of course, I'd love to. If your bestfriend here will approve of my proposal, maybe we could visit for honeymoon." nakangiting baling sakin ni King na kumindat pa. Natawa ako nang mahina.

"Well, pardon my intrusion but...how long has it been since you two started dating?" mataray na tanong ni Cheese.

Heto na tayo...

Alam kong maya't maya ay magpapakawala ng dragon si Cheese. -__-

"Two months..." ngiting sagot ni King na parang hindi naapektuhan sa tono ng pananalita ni Cheese.

"Two months?! Napakaikling panahon naman niyan para gusto mong pakasalan ang kaibigan namin...?" nagdududang tingin ni Cheese kay King.

I rolled my eyes. Gigisahin na niya ang jowa ko.

Natawa lang si King.

"Maria Cristina, ano naman ang magagawa natin kung nagmamahalan ang dalawang ito? Ang mahalaga eh masaya sila...right?" matamis na ngiti ni Dove kay King.

Hindi ko alam kung kinakampihan ako ni Dove o nagpapa-cute lang kay King. -__-

"There must be a reason. Tell me, did you two had sex already?"

"Cheese!" saway ko sa kanya.

Jusko po... Ang bunganga talaga ng babaeng to...

Napatawa naman ng malakas si King at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano naman ngayon kung nag-ano na sila? Pakakasalan nga daw ang kaibigan natin, ayaw mo non?" si Dove

"Hindi pa kami nagganon! Ang dudumi ng isip niyo..."

"Sweets, let me..." nangingiting singit ni King.

"Hoy, Twilight Alonzo, nagsasabi ka ba ng totoo?" naniningkit ang mga mata ni Cheese na nakatingin sakin.

"Cristina...we haven't." si King ang nagsalita.

"See? His intention is purely romantic." si Dove

"Hmf."

"Although, there are chances that we...almost...did it...but..uhm...I just can't. I know we've just met but I know that I'm sure she's the one. She haven't said yes, but I can wait until she's ready. I love her, i know I'm her first and that's why I want to marry her properly."

Katahimikan...

Habang kinikilig ang puso ko ay hindi naman mapalis ang ngiti ni Dove habang si Cheese naman ay nakataas parin ang kilay na parang isang pawnshop owner na nangingilatis ng ginto.

"Very well, Mr. Montereal...you have my blessing! And I'm looking forward for your tour in Paris!" si Dove

"Thank you...but please call me King, or Xander."

"Alright...Xander..." malanding tugon na naman ni Dove.

"Hmf."

Ibinaling namin ang lahat ng tingin namin kay Cheese.

"Well...? Maria Cristina, wag ka nang mag-inarte diyan." si Dove ulit.

"Fine. But if you hurt our friend..."

"I won't." nakangiting baling sakin ni King.

Grabe...sarap talaga ng feeling kapag in love!

"Very good! Bahala ka na sa kaibigan namin Xander. Paki-rush na lang siya sa hospital in case na mabuntis mo yan."

"Dove!" nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

At ang magaling kong boyfriend, tawang-tawa sa sinabi ng kaibigan ko.

"My God..." sambit naman ni Cheese na napahimas sa kanyang sentido.

And there was pure laughter...

Nang matapos ang meeting na iyon ay nagpaalam na ang dalawa at nakaalis sa sila sa unit bago mag-alas singko.

"That went well..." yakap ni King sakin mula sa likuran ko habang sinimulan kong hugasan ang mga nagkainan namin.

Napangiti ako.

"Hmmm... Akala ko magigisa ka na kanina."

"Huh...about that...I like them, your friends. They care for you that much. And I should be thanking them for giving me the chance na maipakilala ang sarili ko. So...when are we going to your parents'?"

"Hmmm...next week?"

"Ok...I love you Mrs. Montereal."

Natawa ako. Excited na talaga ang lalaking 'to na maikasal kami.

Pero hindi pa man ako nagye-yes ay nai-imagine ko na ang sarili kong masaya habang nakasuot ng singsing at matatawag na "Mrs. Montereal".

Hays...

"I love you more, my King." ^__^

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!