"Ano bang problema ni Cara? Kanina pa tulala diyan oh." -Anna

"Oo nga. Simula pagpasok niya ng room hindi man lang tayo kinibo." -Racquel

"Baka dahil sa dalaw niya?" -Mica

"Para kaya siyang multo ngayon." -Shannen

"Hayaan niyo na kasi." -Recca

 Hindi ko lubusang masagap ang mga nangyayari ngayon sa paligid ko. Pagkatapos nang nangyari kanina dun sa field. At yung.. yung epal na bwisit na lalake na yun!

"I want you."

Kanina pa yun paulit-ulit sa utak ko. Nabibingi na yung utak ko kaka-replay nung sinabi niya kanina.

Ayaw mag-sink in sa utak ko nung facial expression niya.

Parang gusto niya akong kainin.


GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHD! Ano ba naman to!

"Huy, Cara may balak ka bang umattend ng next class? Ikaw na lang nakaupo diyan oh." -Recca

Nagising ako sa pagkawala ko sa mundo at tinignan ang buong kwarto. 

Ako na lang nga ang nakaupo.

"Sige mauna ka na, mag-ccr lang ako."

Kailangan kong maghilamos para magising na  ako nang tuluyan! Para akong nag-ssleep walking eh.

"I want you."

 

 

 

 

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH! Make it stop!

 Pumasok ako ng Girl's CR at sakto namang wala masyadong tao. Tinanggal ko ang salamin ko at naghilamos ako. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. 

I stared at myself for a while until I got back to my senses.

Ayos na ako.

Okay, Cara, kalimutan mo na yung sinabi nung epal na yun kanina. Wala kang panahon para sa mga ganoong bagay, hindi ba? FOCUS. Mag-focus ka!

One last look at myself at pinunasan ko na ang mukha ko gamit ang panyo ko. 

  

Nag-ayos ng buhok ko at isinuot na ulit ang aking salamin.

Lumabas ako ng CR at naglakad papunta sa silid aralan.

 ROOM 406

 Pagkarating ko, saktong papasok pa lang ang aking mga kaklase at palabas pa lang ang naunang klase.

Sa likod na pintuan ako dumaan para naman--

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!

Wag mo sabihing naka-bangga nanaman ako ng tao. 

Malabo nanaman ba ang mata ko?

 I fell on the ground. Butt first.

"Aww-" Hinipo ko ang aking puwet dahil sa impact nito sa sahig. Masakit ah.

Tumayo ako mag-isa at hinarap ang taong nabangga ko upang humingi ng tawad.

 "Ay so-"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay napatigil ako sa nilalang na nasa harapan ko ngayon.

Isang matangkad, gwapo at matipunong lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Magulo ang buhok, sharp-looking eyes, matangos na ilong, kissable lips, matipunong pagkakahubog ng katawan.. Parang isang adonis ang nasa harapan ko ngayon. Isang diyos.

Lumapit siya sa akin. His emotion-- none. His eyes piercing through me.

I felt shivers run up run to my spine.

Nakaka-tulala ang nakita ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagkakatitig ko sa kanya.

Idagdag mo pa ang mala-modelo niyang kasuotan.

Naka-uniporme siya ng Unibersidad na ito pero nakasuot ng Varsity Jacket. Airconditioned ang mga silid-aralan dito kaya ayos lang mag-jacket sa loob.

I took a step back. 

"So-sorry." I managed to say.

Pero hindi siya kumibo. Tinitigan lang niya ako sa aking mga mata.

At...

Ngumiti?

 "You're Cara, right?" tanong niya. I merely jumped when he uttered that. His voice was deep and husky.

I just nodded. 

Ramdam kong lahat ng estudyante na nasa paligid namin ngayon ay nakatingin sa amin. Sa akin.

Iniabot niya ang kanyang kamay. "Kent."

Kinuha ko ang kamay niya upang makipag-hand shake pero laking gulat ko nang bigla niya itong inilapit sa kanyang labi at hinalikan.

 OH.

MY.

GOD.

 Hawak pa niya ang kamay ko. 

 Nakangiti pa rin siya sa akin. Pero itong ngiting ito, hindi tulad ng mga ngiting nakikita ko sa ibang tao... Parang may ibang sinasabi ang kanyang ngiti.

 I was about to withdraw my hand when he said, "It's so nice to meet you. Wanna have sex with me?"

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!