Best Night Ever

24 1 0

"The Lady of the night. Ms. Maraiah Anna Montecillo."

Dahan dahang bumaba ng hagdan ang dalaga. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Ngunit iisa lamang ang hinahanap ng dalaga. Ang mga mata ng kanyan iniirog.

Teka... 

Ang drama ko naman..

HAHAHAHA..

Sa totoo lang nakatingin ako sa hagdan, baka gumulong ako ng di oras, mahirap na..

"Buti di ka gumulong" bulong ni Derek pagkababa ko sa hagdan. As usual parehas kame ng iniisip.

"Kaya nga focus na focus ako kanina sa hagdan. Alam ko naman na pagtatawanan mo ako imbis na tulungan." pagdadrama ko. ang OA ko diba? pagbigyan na birthday ko naman eh.

dinala nya ako sa gitna ng dance floor.. hahahaha.. oo dance floor talaga.. sino may pakana neto? syempre walang iba kundi ang mahal kong ina. Gusto nya kasi ng cotillion.. ewan ko ba dun.. napaka classic kung magisip.. HAHAHAHA pero ok lang, kasi kapartner ko naman si Derek eh..

"Neng"

"Oh?"

"Naisip ko lang.. eto ang pinaka una nating sayaw "

"Lagi naman tayong partner sa JS dati ah"

"Oo, pero magkaibigan lang tayo nun.. Iba na ngayon.."

Umiwas ako ng tingin. Feeling ko kasi matutunaw ako sa titig nya.

"Hindi ka ba kinikilig Neng?"

"Ano bang tanong yan Jose?"  hindi ko pa din sya tinitignan. nahihiya kasi ako.. nararamdaman ko na ang init init ng pisngi ko.. 

"Nakakainis naman ako lang kinikilig." bigla nyang sinabi. tumingin ako sakanya at nakita ko na nakapout sya.

Haaay.. Ang cute talaga nya.

"Oo na. kilig na kilig na ako. Wag mo na dagdagan kase feeling ko any moment baka matunaw na ako." Sinabi ko sakanya.

Ngumiti sya at niyakap nya ako ng mahigpit habang nagsasayaw.

"I love you Neng. Happy Birthday."

.

.

.

.

.

.

I was really enjoying my night. Sayang lang at wala sina Lyon at Jas dito. We were having our dinner when Derek suddenly stood up and went infront of all of us.

"Neng. May hahabol daw sa birthday"

At nagflash sa screen ang mukha ng dalawa sa mahahlagang tao sa buhay ko.

"AYA! HAppy Birthday! Dalaga ka na. Parehas na tayo.HAHAHAHA.. Sorry kung wala kame nila Lyon at nila Mama at Papa sa birthday mo. Dont worry babawi kame promise. Kinakamusta ka din nila Mama at Papa. Ok na si Papa just a mild heart attack, kelangan lang nya magpahinga. Alam mo naman yun parang sila tito Denver at tito Aldrin, workaholic." napangiti akong napatingin kay Mama at Papa na parehas din nakangiti habang pinapanood ang video message ni Jas.

"Happy Birthday ulit sa kapatid ko sa ibang ina at ama. Always remember that I am here sa lahat ng gagawin mo, support support lang ako.. Love you. ---"

"Aya. Dalaga ka na! Happy Birthday galing sa pinaka gwapo mong kaibigan bukod kay Derek syempre.. HAHAHAHA-- Aray! Wag ka nga mangurot Jas!"

"Nagbubuhat ka na naman kase ng sarili mong bangko eh"

You After AllBasahin ang storyang ito ng LIBRE!