Chapter 2

52 3 0
                                        

Chapter 2


Pagkatapos ng klase namin sa hapon. At pagkatapos ng duty ko sa school, naisip kong umuwi na, kasi nga wala narin namn akng kasama umuwi since si Angie at Drew eh, may date pa daw.


Habang pauwi ako, naisipan kong dumaan muna sa park, malapit lang din namn yung bahay namin sa park eh, walking distance lang.


Naisip ko lang, wala na siguro talagang mahilig gumala sa park no? Wala na kasing ka tao tao dito, kahit mga bata di na masyadong naglalaro dito, kasi namn ang technology eh.



Pero habang nakaupo ako sa swing, nalala ko na namn yung nangyari kanina sa hallway.


Arghh, ayan sinasaktan ko na namn ang sarili ko.


At talagang nandito pa ako sa park ha, eh ang daming memories daw namin dito.


Hay,bat kaya ang hilig kong pahirapan ang sarili ko?



Naaalala ko namn sya, I was first year ng makilala ko sya, sa totoo lang di ko namn talaga sya pinapansin dati eh. Para namn kasing engot yung si Jules, di sya mahilig mag aral at walang pakialam sa grades. Kung baga sa isang estudyante, average lang sya.


Ako namn, noon palang leading na ako sa class, kasi namn pursigedo akng mapakita kina mama at papa na magaling ako no.


Noon palang, tinutukso na kami ni Jules sa isat isa, hindi ko nga alm kong bakit, since kahit classmates kami di ko namn talaga sya kilala.


Pero sabi nila, matagal na daw may gusto sakin si Jules.


Hanggang sa yon na, isang araw naging magka group kami sa isang project.


At dun na nagsimulang mapansin ko sya. Nakita kong mabait namn pala sya, matulungin, kahit di sya ganun ka talino.



Hanggang sa unti unting nahulog yung loob ko sa kanya.


Ewan, pero noon, parang gusto ko talaga sya makita araw araw.


Parang ang boring ng araw ko, pag di ko sya nakikita. Kapag absent sya, palagi syang hinahanap ng mga mata ko.



Until dumating ang time, ng recognition day. Nagtapat si Jules sakin na gusto daw nya ako, at balak nyang manligaw kung okay lang daw saakin.


Syempre gusto ko na rin sya kaya pumayag ako.



Ilang buwan din nanligaw si Jules sa akin, kahit noong summer, binibisita nya ako sa bahay, okay lang namn kasi kina mama at papa. Basta usapan lang namin ni Jules na huwag ipagsasabi sa school.

Don't be Bitter be BetterWhere stories live. Discover now