BB7: Because I care

54 1 0
                                    

XANDER POV

I will not forgive those bastards. Just fuck! I hate to see her crying like this. Kung hindi ko lang napigil ang sarili ko baka napatay ko na ang mga walanghiyang yun. I dont want to see those faces again. Baka mawala ako sa sarili ko at maalala lang ang mga kagaguhan nila. Buti nalang at nasa locker room ako dahil kakatapos lang namin magbasketball nila Alexus at nagpalit ako ng damit.

Pagbukas ko ng pinto, i saw here sitting on the floor. Napatingin sya sakin at medyo nagulat siya dahil ako ang tumulong sa kanya. Ang dumi na ng uniform nya at basang basa sya dahil nakasalampak sya sa sahig. Bagsak ang mga buhok nya, ngayon ko lang nakitang nakabagsak ang mahaba nyang buhok. Mas maganda pala siya kapag bagsak ang mga buhok niya.

But the way she look right now, nagagalit talaga ko sa dalawang gagong yun. Magang maga ang mga mata nya sa pag iyak. Lumapit ako sa kanya at aalalayan na sana siya sa pagtayo. Kaya lang umiwas sya. Hanggang ngayon ay natatakot parin sya.

"Don't be scared, your safe now. I'm here." I said, trying to comfort her.

Nung aalalayan ko na siya patayo mukhang nahihirapan siya makatayo dahil sa pagod niya. "Stay still". At binuhat ko siya.

Nagulat ata siya sa ginawa ko, dahil naramdaman ko ng buhatin ko siya ay napakislot ang katawan nya.

"You need to fix yourself. Dont worry i will not hurt you. Just trust me ok."

ZAR POV

Binuhat nya ko. And I feel so safe sa kanya. Kumalma na ko. Pagkabuhat niya sakin, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid at may nakita akong dugo sa sahig. Yun ata yung narinig kong may sumuka. After that napatingin ako sakanya.

Ang gwapo talaga ng mga mukha niya. Yung tipong hindi ka magsasawang tignan siya. Kahit na ang sungit nya sakin sa room at walang pakialam sa mundo, andito siya at tinulungan ako. Naglalakad lang sya at nakatingin sa daanan. Sa pangalawang pagkakataon iniligtas nya ko. Hindi ko alam kung san niya ko dadalhin but this time I do trust him.

Hindi ko na mapigilan itanong ito sakanya.

"Bakit mo ko tinulungan?" Nakatingin na ko nun sa dibdib nya.

"Cause you need help".

Oo nga naman Zaren, ang tanga rin ng tanong mo.

"And because i care.." dugtong niya na ikinabigla ko. I feel na bumilis ang tibok ng puso.. hindi dahil sa kinakabahan ako o ano, i just cant explain.

"We're here." Putol niya sa pananahimik ko.

Pumasok kami sa isang bahay sa gilid ng building. Its not an ordinary house. Pagpasok namin, inilapag niya na ko sa isang couch. Iniwan nya ko at pumasok sa isang kwarto. Tumingin ako sa paligid, mas maganda pa ata to kaysa sa bahay namin. Kumpleto ang gamit dito. May television and DVD set, may nakakalat pa ngang playstation sa sahig malapit sa TV. Carpeted ang buong bahay. Isang palapag lang to at malawak. Hindi ko mapigilang hindi tumayo kahit nahihirapan ako, may nakita kasi akong isang picture frame sa ibabaw ng isang lamesa na kumaha ng atensyon ko.

Nakita ko ang grupo nila dun sa litrato, yung kuha nito sa tingin ko mga 2 years ago lang. May dalawang babae silang kasama. Yung isa katabi ni Drake at nakaakbay siya dito.

Ohh wait kilala ko ata yung babae na yun, oo familiar sya.. tama! Siya yung anak ng kapitbahay namin ngayon sa tinitirhan namin. Isa kasi sila sa may mga malalaking bahay dun samin kaya kilala. Hahaha. Siya pala ang girlfriend ni Drake.

Yung isang babae naman ay nasa pagitan ni Gin at Alexus. At nakakapit yung babae sa kamay ni Gin at ang saya ng mukha nung babae. Si Alexus naman nakasimangot at nakaakbay sa babaeng yun. Hahaha, ang kulit ng kuha nila. Maganda yung girlfriend ni Drake pero mas maganda yung isang babaeng katabi nila Gin. Yung tipong artistahin ang mukha katulad ng mga nauusong mga teen star ngayon.

Bad Boy Isn't My TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon