What's up? @Neon1Love

XXXVIII

Clarence's POV

Nasiraan kami ng sasakyan kaya papuntang Baler, nakasakay kami sa isang bus. Nakakainis, di ko pa naman gustong may mga kasamang ibang tao -_____-

Siyempre magkatabi kami sa upuan, san pa ba siya tatabi? At saan pa ba ako tatabi.

Nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko, natutulog kasi siya ngayon. Natutumba-tumba na nga yung ulo niya eh. Nakakatawa, hahahaha!

Give me love like her,
'Cause lately I've been waking up alone,
Paint splattered teardrops on my shirt,
Told you I'd let them go,
And that I'll fight my corner,
Maybe tonight I'll call ya,
After my blood turns into alcohol,
No, I just wanna hold ya.

Nakatingin sakin yung matanda, kaya tinanggal ko yung nakasalpak sa dalawang tenga ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Ijo, hindi ka ba naaawa sa iyong kasintahan? Maigi atang isandal mo ang kanyang ulo sa iyong balikat upang maramdaman niya ang kaginhawaan." Sabi nung matanda.

Mukha ba talaga kaming magkasintahan? Si lola talaga.

I held her head lightly and placed it on my right shoulder, hayan... mas maayos na siyang tingnan, kanina kasi nakakatawa siya eh.

"Lola, hindi po kami magkasintahan..." sabi ko at napakamot ng ulo.

"At kung gayon, magkasama na ba kayo sa iisang bubong ijo? Mukha kayong bata pa para sa pag-aasawa!" sabi naman ni Lola.

"Nagkakamali po kayo lola. Hmm. Magkaibigan lang po kaming dalawa, walang ibang namamagitan sa amin lola." Ngumiti ako sa kanya.

"Ijo, alam ko kayong mga kabataan sagana lang sa kaibigan pero sa dulo naman kayo rin ang magkakatuluyan!"

"Hindi po talaga."

"Sayang naman ijo, bagay na bagay kayo. Ang ganda ng babaeng katabi mo, sa tingin ko nga ay nakasabit ang kanyang larawan sa dingding ng kwarto ng apo ko, kaya't kanina ko pa pinagmamasdan ang kanyang mukha."

Eh grabe? Matinde, papasikat na pala talaga siya naisipan pa niyang magtrabaho sa kompanya ko?

"Baka po kahawig lang niya, siguro po alam niyo naman mga kabataan ngayon. Puro kolorete ang mukha, kaya naging magkakahawig na."

"Siguro nga ijo, pero kung ako sa iyo. Liligawan ko na yang babaeng yan, nakikita kong di lang siya maganda't balingkinitan. Panigurado'y may tinatago rin siyang busilak na kalooban."

Nakakatuwa yung lola, parang manghuhula at alam niya kung ano ang pagkatao ng mga tao, sinabi rin niya saking, halata sa itsura ko na hindi lang sampung babae ang naikama ko. At sinabi niya ring itigil ko na raw yun kasi wala akong makukuhang maganda, tama naman siya.

"Sige po Lola, ingaaaaat!" sigaw ko.

Bumaba na si Lola ng bus, nakakatuwa pa naman siya.

Tumingin na lang ako sa babaeng nakasandal ngayon sa balikat ko, hindi ko maipaliwanag kung ano bang nararamdaman ko sa 'twing mapapatingin ako sa mga labi niya. Lust I guess.

Kathleen's POV

Minulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong parang nagbababaan na ang mga tao, kanina pa pala ako nakasandal sa balikat niya. Siguro nangangawit na siya?

Tumingin ako sa kanya. He's sleeping, nakasandal siya sa ulo ko, kaya I can't move my head. I called his name para magising siya.

"Clarence..."

Woman to WomanizerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!