XXVI

Clarence's POV

It's been a week nung huli kaming mag-usap ni Mika, yun yung araw na kamuntik ng may mangyari samin.

Unang araw ngayon ng second semester, pero di rin siya nagtetext sakin. Tinatawagan ko siya di naman niya sinasagot.

Pumupunta rin ako sa kanila pero wala sila dun, out of town daw.


"Hey."

Si Justine, natatandaan niyo pa siya?

"Oh why?" tanong ko.

"Wala lang, never pa ata kitang nakausap since pasukan." Natawa kami pareho.


"Hmm. Piling babae na lang ang kinausap ko simula nung, you know. Haha!" awkward kong sabi.

"Oh I understand. By the way, kayo ba ni Mika?"

Pag-iba niya sa topic.

"I guess."

"But, alam mong hindi na siya dito mag-aaral?"

"Ha? Wala siyang sinasabing ganyan sakin."

"Ohh. Sorry. Mas maganda sigurong sa kanya na mismo manggaling."

Ha? Ano bang sinasabi ni Justine.

"Hmm. Osige, itatanong ko sa kanya."

Dismissal...

Hinihintay ko siya ngayon sa tapat ng engineering building.

"Uy si Clarence yun diba?"-girl1.

"Ang gwapo pala talaga niya!"-girl2.

Napatungo na lang ako.

I don't care about them you know? Isang babae lang ang may pakialam ako.

At si Mika yun.

I don't know if I could live this life kapag iniwan niya ko. Hays.

Hinitay ko siya ng hinintay pero wala siya. Di siya pumasok?


Bigla kong naalala yung sinabi ni Justine, di na raw dito mag-aaral si Mika.


Hanggang maggabi na, naisipan kong baka naghihintay lang ako sa wala kaya nagsimula na kong maglakad.

Iiwan niya na rin ba ako?

Pano na ako?

Pano na kami?


D*MN IT!


I can't lose her...


Dumiretso na ko sa unit ko at naupo sa couch.

Lutang na lutang ang isip ko.

Si Mikaela lang ang nasa isip ko ngayon. Please, wag naman sana.

*DINGDONG!*


Tunog ng doorbell, walang gana akong pumunta sa tapat ng pinto at binuksan.


Bumungad ang mukha ni Mika.

Napatingin lang ako sa kanya. Mga matang nagtatanong kung anong nangyayari.

Namumugto ang mga mata niya at hindi ko alam kung bakit.

Before I could say a word, she invaded my lips.

Woman to WomanizerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!