I was twenty-seven when I lost my grasp on the man I pledged to love my whole life. I wasn't young. I'm old enough to live by myself, and yet that moment, I felt my inner child screaming...crying.
That night, the stars were as bright as they could get. Tila nagdiriwang ang mga bituin habang lumuluha ng tahimik ang puso ko na nakatanaw sa isang gilid.
That night, under the brightest of stars, he came back.
And on the same night, he left again.
"Wow, dumating ka pa."
Sinamaan ko ng tingin si Kali. Kung sana kasi ay sinabihan nila ako agad sa mga changes sa plano, hindi sana ako na-late.
Ang sabi nila kahapon, get-together lang daw sa condo ni Charm, tapos malalaman ko na lang bigla na sa Revel na pala? Napapunta tuloy ako bigla sa BGC ng wala sa oras.
I sat beside Aubs and immediately tied my hair into a messy bun. Kali, Charm and Aubs were all wearing party clothes and here I am with my casual jeans and tee. Medyo may pintura pa nga ang damit ko dahil nasa gitna ako ng pagpaint ng tawagan nila ako para papuntahin dito. Pihadong aasarin na naman ako ng mga 'to.
"Sana kasi sinabi niyo agad. Akala ko ba tambay lang sa condo mo?" Nakataas ang kilay kong tanong kay Charm, "Anong nangyari, bakit biglang nasa club tayo ngayon? Tokis ka talaga kahit kailan."
Aubs giggled then pointed at Kali who's about to take a sip of his beer, "Siya sisihin mo. Bigla biglang nag-aaya sa bar. May binabantayan siguro." May halong pang-aasar ang tono ng boses niya.
Kali didn't reply. Instead, he glared at Aubs and showed her his middle finger. Ang kakalat ng mga kaibigan ko. They didn't change at all. Still the same Aubs, Charm, and Kali five years ago.
Charm leaned her head on my shoulder, "Lacey, it's our first inom kaya together in almost five months. Always tayo hindi complete! So nag-agree na rin kami ni Aubs kay Kali. We're all sobrang busy sa work, it's time to have fun naman kahit kaunti lang."
It's been a year since they all graduated in college. Si Aubs, architect na. Si Kali naman na kapareho ko ng course in college which is Fine Arts, nagtatrabaho na sa company ng family niya. Charm just went back here in the Philippines a month ago, sa Hong Kong niya kasi piniling mag-med school. She's now on her first year of residency sa St. Lukes.
Dahil halos lahat kami ay abala na sa trabaho, nights like this are rare. Madalang na kami magkasama-sama ng ganito.
"Nasaan pala jowa mo?" Maya-maya ay tanong ni Aubs habang sumisimsim sa bote ng beer na hawak niya. I heard Kali chuckle habang si Charm naman ay mapanuksong tingin ang ipinukol sa akin.
"Wala naman ako no'n." I deadpanned. Sabi na eh, aasarin na naman ako ng tatlong 'to ngayong gabi.
"Parang fake news yata 'yan," Kali joked. Mahina pa nitong itinulak ang balikat ko. "Balita ko halos araw-araw na kayong magkasama ni Gavin ah. Sinusundo ka pa nga raw para sabay kayo maglunch. Mas madalas mo pang kasama kaysa sa'min!"

YOU ARE READING
To All The Boys I've Ghosted (U-Belt Series #1)
RomanceSolace, after losing a bet, was dared by her friends to send a google form with questions like, "Kung hindi kita ghinost, tingin mo magiging tayo kaya?" to all the boys she ghosted, including Gavin, the stoic gentleman from UP, and the playful baske...