Kabanata 17

28.4K 800 172
                                    

Nagising ako dahil sa lubak na nadaanan ng sasakyan namin. Umayos ako ng pagkakahiga at doon ko napansin na sa balikat ako ni Gray nakasandal.

Teka? Hindi ba na sa kabilang dulo siya kanina?

Tumingin ako sa mukha niya at napansin ko na nakatingin din sya sa akin.

"S-sorry. Hindi ko alam kung bakit sayo ako napasandal. Hindi rin naman kasi ikaw ang katabi ko kanina." Sabi ko.

"Leigh wants to sit beside the window and she doesn't want to wake you up so she switched places with me." he explained with a tone na hindi nagungumbinsi na para bang sinasabi na 'maniwala ka man o hindi, wala akong pake' kaya naniwala na rin ako.

"Okay." I simply said and diverted my attention on the window next to me. The children, mama, and grandma are now asleep, hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa daan.

Nang makitang parang pamilyar ang daan ay inisip ko kung saan nga ba ito patungo. Doon ko naisip na papunta kami sa Chocolate Hills.

"Manong, sa Chocolate Hills po tayo?" pagkukumpirma ko sa driver. Ayoko namang si Gray ang tanungin dahil ramdam ko pa ring may galit pa rin sya sa akin.

"Yes, we are." pero sya ang sumagot.

"Ow-kay. Thank you for answering." and then we became silent again hanggang sa makarating kami sa Chocolate Hills.

Nasa baba pa lang kami ay gising na ang mga kasama namin sa sasakyan kung kaya't nagkaroon ulit ng ingay ang kaninang nakakabinging katahimikan.

"Daddy, bili po tayo souvenirs later ha?" pangatlong ulit na sabi ni Leigh sa kanyang ama.

"Yes, princess. We'll buy a lot." I saw his genuine smile.

"Yehey! We will buy a loot of souvenirs! I'm so happy~"

The vehicle stopped as we reached the top kung saan naka-park ang mga sasakyan.

Binukas ng bodyguard ni grandma ang pinto at inalalayang bumaba ang mga bata tsaka sumunod si Gray at ako palabas. Buti na lang at nagsuot ako ng kumportableng damit kaya hindi ako mahihirapang pumanhik sa taas.

Sumunod naman sa pagbaba ko ang pagbaba nina grandma at mama. And then I asked them, "Sasama po ba kayo papa-akyat? Kaya niyo po?"

"Hindi na, apo. Alam mo na, matanda na si grandma. I-enjoy niyo na lang at kumuha kayo ng mga litrato at ipakita sa akin pagbaba niyo para kahit papano ay maramdaman kong umakyat ako."

"Sasamahan ko na lang ang grandma niyo rito, anak. Mukhang hindi na rin kaya ni mama ang pagpanhik riyan hindi tulad noong bata bata pa ako."

They both smiled at me as if they were giving a message to me. As if they're giving me and my family time for ourselves.

"Thank you." I mouthed silently when I realized what they wanted. They just nodded at me at lumakad na kami papunta sa paanan ng burol kung saan naghihintay ang mag-aama ko.

Nang makalapit kami ay nauna nang magsalita si grandma, "Mga apo, hindi na kayang umakyat ni grandma kaya papaiwan na lang ako rito sa baba. Sasamahan daw ako ng mama ninyo kaya huwag kayong mag-alala. Kayo na lang pamilya ang umakyat. Mag-ingat kayo ha!"

"Yes, grandma." Gray answered. Then he faced the nurse and the bodyguard, "Call me when something happens." bilin niya.

"Opo, sir."

"Mommy, hold my hand." Leigh said and I gladly obliged. "Then kuya, hold daddy's hand." her kuya and daddy also obliged. "Lastly, let's hold hands, kuya. Now we look like a happy family!" she sweetly said. I hope we really are. It always breaks my heart when I'm lying to my kids.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now