"Ah sir, dumaan nga ho pala si Ma'am Jehnica sa bahay ng mga Lacosta—"

"W-What?!"

"O-opo..ang totoo po nyan, ayaw po ni Ma'am Hanabi na ituloy ang kasal, bukod daw po doon sa balak nya pong magmilitary"

"Ah..mabuti kung ganon" tatango-tango kong sagot. Akala ko kung ano ng nangyari. Akala ko sinugod ni Ate itong si Hanabi hayss..

Pagkarating ko ng SMU ay hayun na naman ang mga babae, pero imbes na papurihan ako ng umagang iyon ay napalitan ng pagkaawa para sa akin. Inis akong naglakad takbo sa room.

Ang inaasahan kong pagbati sa akin ng apat kong kaibigan ay hindi ko na narinig. Parang wala lang ako sa harap nila.Matapos ang discussion ay hindi pa rin nila ako kinakausap.

LUNCHBREAK NA

Hindi pa rin nila ako pinapansin. Tch nakakainis! Hindi pwede yung ganito!!

"Don muna ako sa music room guys"paalam ni Shinichi saka tumalikod.

"Ano ba kasing dapat isalin sa ganitong business?" tanong ni Airon kay Timrelli. Si Nath naman ay nilalaro sa daliri ang bola. Umupo ako sa tabi nila pero parang wala lang ako sa paningin nila.

Sa sobrang yamot ko ay tinawagan ko na lang si Alomira.

"Hello?"

"Aoko..pwede ba kitang yayain sa canteen? Kasi ano.."

"Kasi wala kang kasama? O sige sige, papunta na ako dyan!"

"See you"

Yun lang at binaba na nya ang linya. Nagugutom na rin ako. Mamaya ko na sila kakausapin kapag ayos na 'tong bituka ko.

"Hi JD!"nakangiti syang kumakaway sa akin.

"Hello Aoko!"

Nagpasya kaming umupo na. Ako na rin ang nagorder.

"Grabe totoo na ngang nililigawan na si Aoko ni Jehri noh?"

"Oo girl, at ang chismis pa pareho silang hinarap ni Athena kahapon! Nakakatakot sya magalit noh?"

"Para syang hindi babae magalit, mukhang gangster eh"

Inis ko silang binalingan. Ang mga chismosa na naman ng campus, hindi ba sila mawala-wala?

"Hoy"

"J-Jehridale? Bakit?"

"HIndi nyo ba alam na may tainga ako? At naririnig ko ang mga pinaguusapan ninyo?!"

"A-Ah sorry..halika na Sasha!"

"Ikaw kasi!" dinig kong reklamo nung isa.

Tiim bagang akong nag-order ng pagkain. Hindi ko malaman kung ano ang ibibigay ko, kung yung credit ba or cash.

Dinukot ko na lang ang credit card.

"Set B" tipid kong sagot. Saka na ako bumalik sa upuan. Nakangiti naman ang Aoko mylabs ko pagkalapit ko sa kinaroroonan niya.

"Talaga? Hindi ka nila pinansin?" pagbubukas nya ng usapan. Tumango ako.

"Hindi ko sila maintindihan..siguro nagalit din sila don sa ginawa ko kay Athena.."

"Siguro nga..by the way, tinawagan mo ako kaninang umaga right? Sorry ah, kumakain na kasi ako nun eh hahahaha!"

Tch kaya pala.."Ok lang Aoko hahah"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ