>SimpleLA:
"Patience is a virtue."
Hi guys! Musta kayo? Pasensya kong sobrang bagal ko mag-update. At salamat sa mga nagbabasa nito. Salamat sa suporta at sana hanggang sa huli suportahan nito ako.
God bless!
Enjoy Reading.
>>> Zyle Miller (at the multi-media)
****
"Hi, girl. Musta ang first day mo kahapon?" Masayang bati sa akin ni Arlene ng magtagpo kami sa lobby.
"Hay, naku girl. Wag mo nang itanong at hanggang ngayon nanggigil pa din ako sa bubuyog na 'yon. Oh, ano pala nangyari sa'yo at nakaleave ka daw kahapon?" Kahit naiinis pa din ako dahil sa mga nangyari kahapon pinilit ko pa din magpakahinahon ng tanungin siya.
"Ah, hehe. Nalove sick ako girl. Pero ngayon ok na. Mabisang gamot pala talaga ang kisspirin at yakapsol." Kinikilig niyang sabi. Ito lang yata ang nagkasakit na natuwa pa. Haist. Iba nga naman talaga ang epekto ng pag-ibig sa tao.
"Hehe. Buti naman kung ganoon. Akala ko kung napaano kana. Kumekereng-keng lang pala." Pagbibiro ko sa kanya.
"Sus, inggit ka lang dahil wala kang love life. Oh, ano pala nangyari sa inyo kahapon ni Sir Zyle? Nakafirst base ka ba?" Bulong niya sa akin. Kinikilig pa ang bruha. Hay, naku kung alam mo lang girl, ayoko na alalahanin 'yong kahapon at baka makapatay ako ng tukmol na antipatiko. Grr..
"Wala, ska anong first base ang pinagsasabi mo dyang babae ka. Saka wala kahapon si Sir Zyle kaya nga ako ang naging secretary ng boss mo dahil wala ka din kahapon." Naiinis kong sabi sa kanya. Coincidence lang ba talaga na absent sila kahapon ni si Zyle o plano ng tukmol na 'yon? At kung plano niya naman for what? Para asarin ako. Impossible naman yata 'yon. Haist. Kung anu-ano na naman tuloy pumapasok sa utak ko.
"Talaga? Ikaw ang pumalit sa akin kahapon na secretary ni Sir Kyle? O ano kamusta? Dba mabait ang boss ko at palabiro?" Excited niyang tanong. Naku, loyal talaga tong babaknita na 'to sa boss niya. Saan ang bait noon. Eh ginawa nga akong katulong.
"Naku, girl. Sinabi mo pa ubod ng bait. Kung pwede nga lang patayuan ng rebulto diyan sa harap ng hotel sa kabaitan pwedeng-pwede." Mapangutya kong sabi. Ang tagal naman ng elevator na 'to kanina pa 'to ah.
"So, nababaitan ka pala sa akin? Buti naman. Hindi na ako mahihirapang makipagpalit ng secretary sa kapatid ko." Dinig kong sabi ng boses sa likod ko. Ano daw? What? Tama ba ang dinig ko na magpapalit kami ng boss ni Arlene? Nooooooo...hindi maaari. Hindi ako papayag. Over my hot, yummy and gorgeous body.
"Hi Sir. Good morning." Dinig kong bati ng mga empleyado sa kanya pati na din ni Arlene. Siniko pa ako ng luka dahil ako lang yong hindi bumati sa kanya.
Bahala siya sa buhay niya. Bakit ko siya babatiin. Baka patayin pwede pa. Grrrr... Nakakainis. Please lang papa God, ang aga-aga para maubos ang dugo ko.
"Good morning, guys and good morning Miss SD." Nang-aasar niyang bati. Good morning your ass.
Hindi talaga ako lumingon sa kanya at bumati. Bahala siya.
"Bruha, anong nangyayari sa'yo? Ba't para kang tuod dyan. Hindi ka man lang bumati kay Sir Kyle." Bulong ni Arlene sa akin. Hindi pa rin ako kumikibo. Just in time na bumukas ang elevator kaya naman dali dali akong naglalakad papasok. Na hindi ko na sana ginawa dahil pumasok din yong tukmol na 'to. Pagpasok niya bigla niya na lang pinindot yong close sign. Huh? Kaming dalawa lang ang sumakay. Gustuhin ko mang lumabas pa wala na din dahil pasara na ang pinto at nakaharang pa siya.
YOU ARE READING
"I'm Into You" <Slow update>
FanfictionRiannah was really hurt when her boyfriend cheated on her. Sa pitong taon nilang magboyfriend she didn't expect na magagawa ng nobyo yon. She thought they are meant to be together until forever. Pero ika nga expect the unexpected. Kaya naman dala ng...
